Kumakalat ngayon sa social media ang isang court petition mula sa isang Virgilio V. Hilario Jr. upang kilalanin ng local court ang divorce niya sa kanyang British ex-wife.
Si Virgilio V. Hilario Jr. ay mas kilala sa showbiz bilang si Jhong Hilario, miyembro ng Streetboys at isa sa mga main host ng noontime show na It's Showtime.
Read: Jhong Hilario sets sights on buying own home
FOR RECOGNITION AND CONFIrMATION OF FOREIGN DIVORCE DECREE
Ang screenshot ng nasabing court petition ay ibinahagi ng The Philippine Star columnist na si Victor Agustin sa kanyang Money-Go-Round by Victor C. Agustin Facebook page ngayong Biyernes ng hapon, Hulyo 26, 2024.
Sabi ni Agustin sa caption, "Spotted in a dimly-lit nook within Makati City Hall
"Actor-councillor Jhong Hilario (finally) seeking legal recognition of his foreign divorce"
Mababasa sa petisyon: "REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
"NATIONAL CAPITAL JUDICIAL REGION
"REGIONAL TRIAL COURT MAKATI CITY, BRANCH 145
"VIRGILIO V. HILARIO, JR., Petitioner,
"versus
THE LOCAL CIVIL REGISTRAR OF MAKATI CITY,
"THE GENERAL CIVIL STATISTICS OFFICE,
"OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL, and
"MICHELLE MARIE WESTGATE,
"Respondents"
Nakalagay sa docket number: "R-MKT-23-03186-SP
"For: Recognition and Confirmation of Foreign Divorce Decree"
Ang ibig sabihin nito, naigawad na kay Jhong ang divorce niya sa kanyang British ex-wife na si Michelle Westgate.
Dahilhindi pa kinikilala ang divorce sa Pilipinas, sa England sila nag-file ng divorce kahit dito sa Pilipinas sila ikinasal.
Dahil dito, pwede nang mapawalang-bisa sa local court ang kasal ni Jhong kay Michelle para maaaari nang magpakasal muli ang actor-TV host.

Read: Jhong Hilario, 46, graduates magna cum laude
JHONG HILARIO MARRIED A BRITISH WOMAN IN 2005
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jhong noong April 11, 2007, sorpresa niyang ibinunyag na kasal na siya sa isang British woman na nakilala niya noong naging maging bahagi siya ng West End's Miss Saigon.

Lahad niya noon: "October 11, 2005 when we got married. Dito ko siya pinakasalan at si Mayor [Jejomar] Binay ang nagkasal sa amin.
"Her name is Michelle Westgate. Na-meet ko nga siya nung mag-work kami sa Miss Saigon, where ang work naman niya is a dresser.
"Yun ang tawag nila sa mga nag-aasikaso ng mga costumes and iba pang kailangan sa production.
"She also works in a call center there at magaling din siyang chef. E, ako mahilig din magluto.
"Kaya nung nandito siya, sinigang na baboy at menudo ang inihahain ko sa kanya.
"Sosyal nga lang, dahil sa sinigang ko, lemon ang ginagamit ko dahil yun ang gustung-gusto niya."
Namalagi si Michelle ng isang taon sa Pilipinas, at nagtagumpay si Jhong na hindi ito malaman ng publiko.
Saad pa niya noon, "Hindi naman. It's just that, wala naman sigurong interesadong may malaman sa buhay ni Jhong. Ha-ha!
"At saka sa Makati lang naman kami madalas umikot, where my family lives. And ako naman, I'm helping out sa pagtakbo ng tatay ko for councilor sa first district ng Makati."
Iilang tao lamang daw ang nakakaalam na may asawa na siya, kabilang na ang kanyang ama na si Virgilio Hilario, Sr., na nanilbihang barangay chairman sa loob ng 25 taon sa Bangkal, Makati.
Ayon pa kay Jhong, "Coming from a large family—sampu kami, e—talagang sa lahat ng bagay, tulung-tulungan kami.
"E, ako yung pangsiyam. And sinuwerte lang nung makasama sa Streetboys ni Direk Chito [Roño]."
Noong panahong iyon, 30 years old si Jhong.
Napag-usapan daw nila noong sa England o sa Scotland siya mamalagi.
Ani Jhong, "I know hindi madali yung long-distance relationship. There are times na naiisip ko na mag-stay din there for a while.
"Siyempre, gusto rin ng wife ko na dun ako mag-stay. Pero there are things pa rin that I have to do here.
"Like, yung pagtulong ko nga sa pagtakbo ng tatay ko sa pulitika and to attend to the commitments na sinagutan ko here.
"Apart from Rounin, kasali uli ako sa new season ng U Can Dance.
"And pinapaintindi ko naman yun sa wife ko. Kaya napagkasunduan namin na tapusin ko lang ang mga dapat kong ayusin here and then, maybe I will be there na soon."
Read: Streetboys member Jhong Hilario talks about his British wife
HAPPY LOVE LIFE WITH MAIA AZORES
July 2011, inamin ni Jhong na hiwalay na sila ni Michelle matapos ang limang taong pagsasama.
At may bago na siyang dini-date—ang kanyang non-showbiz girfriend na si Maia Azores.
Una silang nagkakilala noong OJT pa lang si Maia sa remake ng ABS-CBN primetime series na Mara Clara, na umere mula October 2010 hanggang June 2011.
"Si Pangs ay OJT ng Mara Clara. Dun kami nagkapalagayan ng loob," sabi ni Jhong sa panayam niya sa Jeepney TV noong July 2019.
Against all odds daw ang simula ng love story ng magkasintahan.
Twenty years old lang si Maia nang magkakilala sila.
Balik-tanaw ni Jhong, "Ayaw ng parents sa akin kasi bata pa, e. Nag-aaral pa.
"Pero siyempre, pag mahal mo, ilalaban mo."
Naniniwala raw si Jhong na si Maia na ang kanyang "The One."
Aniya, "Ang gustong gusto ko sa kanya, napaka-supportive niya sa ginagawa ko.
"Ang importante kasi mahal ka at hindi ka lolokohin."
Read: Jhong Hilario on quarantine love with non-showbiz girlfriend: "Laging katabi!"
Si Maia ang ina ng anak ni Jhong na si Sarina.
