Naglabas ng pahayag ang GMA Network kaugnay ng insidenteng kinasangkutan umano ng kanilang "artist" at "independent contractors."
Wala pa raw sila nakukuhang pormal na reklamo kaya hindi pa nila matukoy kung may katotohanan ang mga kumakalat online.
Gayunpaman, sakaling magkaroon ng pormal na reklamo, magsasagawa raw sila ng masusi at walang kinikilingang imbestigasyon.
Tiniyak din ng GMA Network na sineseryoso nila ang ganitong kabigat na alegasyon.
GMA-7'S STATEMENT
Narito ang kabuuan ng pahayag ng GMA Network (published as is):
"Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.
"We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation.
"We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness."

RUMORS ONLINE
Hindi direktang tinukoy sa pahayag ng GMA Network kung ano ang insidente.
Pero ngayong Martes, July 30, 2024, usap-usapan online ang blind item tungkol sa isang newbie actor na nakaranas umano ng panghahalay mula sa dalawang gay program executives.
Naganap umano ang panghahalay sa isang sosyal na hotel kung saan ginanap ang isang engrandeng pagtitipon.
Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng TV execs
Sa comments section ng iba't ibang social media forum, may ilang netizens na nagbanggit ng mga pangalan na siya umanong sangkot sa naturang insidente.
Pero wala pang direktang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila.
Patuloy na tututukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isyung ito.
