PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera reveals what she's grateful for at 40

Marian deglamorized in dream project, Balota
by Rommel Gonzales
Published Aug 4, 2024
Marian Rivera
Marian Rivera on what continues to motivate her despite the many blessings that have come her way all throughout her prolific showbiz career. She says, "Actually, ang lahat naman ng ito ay ginagawa ko, and for sure ito rin ang sasabihin ni Dong, na para sa mga anak namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa."
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

Abalang-abala of late si Marian Rivera, kaliwa’t kanan ang endorsements.

Marian Rivera
Marian Rivera
Photo/s: @marianrivera on Instagram

Paano niya pinangangalagaan ang kanyang katawan at kalusugan?

Sagot ng aktres, “Siyempre diet talaga, lahat ng sobra para sa akin ay hindi maganda, pero lahat puwede kong subukan, huwag lang sosobra.

“So, sa pagkain, sa tine-take, and everything, lahat okay ako, maliban lang talaga huwag lang masyadong… alam mo yun, yung proper diet lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At medyo maarte talaga ako, healthy living kami sa bahay.”

Nakausap si Marian ng ilang piling miyembro ng media sa launch niya bilang Nekocee endorser sa Okada Manila Grand Ballroom sa Parañaque City noong Hulyo 19, 2024.

Paano ito nakaka-contribute sa pagiging full time mom niya? Paano niya nababalanse ang buhay niya bilang nanay at bilang celebrity?

“Well, lagi kong sinasabi yan, time management at alamin mo dapat talaga kung ano yung priority mo sa buhay,” wika ni Marian.

“Kasi pag alam mo yung priority mo, hindi ka mahihirapan kung ano yung uunahin mo at kung anong mas mahalaga sa iyo.”

Read:

Marian Rivera no body double in fight scenes in Balota

Marian Rivera says love and trust should prevail in marriage

MARIAN RIVERA ON TURNING 40

Naitanong naman kay Marian kung nabibilang pa ba niya ang mga napakarami niyang ineendorsong produkto?

Natawa si Marian bago sinabing, “Thank you Lord! Oo naman. Kapag nag-iisip ko nga iyan sinasabi ko, ‘Thank you Lord sa lahat ng blessings talaga.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang grateful ako sa anumang nangyayari sa buhay ko at forty this coming August.”

Mahirap paniwalaan na kuwarenta na nga si Marian sa Agosto. Naglalaro ba sa isip niya ang mga bagay-bagay tungkol sa pagiging kuwarenta anyos?

Aniya, “Okay lang, wala namang masama sa pagiging forty tapos may dalawang anak pa ako.”

At sa edad niya ngayon may mahihiling pa ba sa buhay ang isang Marian Rivera-Dantes?

Lahad niya, “Actually, ang lahat naman ng ito ay ginagawa ko, and for sure ito rin ang sasabihin ni Dong, na para sa mga anak namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa.

“Pero bilang isang magulang, wala ka namang gusto at hangad mo sa mga anak mo na maging maganda ang buhay nila.”

MARIAN RIVERA ON DREAM PROJECT

Nabanggit na rin ni Marian na ang bago niyang pelikula na Balota ay isa rin sa mga katuparan ng mga nais niyang magawa sa buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Marian Rivera
Marian Rivera in Balota movie
Photo/s: PR

“At personally, parang nasagot na iyan ng Balota, e.

“Sa ginagawa ko in showbiz, soap opera, pelikula, parang hindi ako nabigyan ng chance na makalabas sa box ko o roon sa comfort zone ko.

“And dahil sa Balota nabigyan ako ng chance na ibigay baga sa akin ang hindi ko pa nagagawa,” pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May bonus pa na excitement ang Balota para kay Marian na hindi pa rin nangyari dati…

Diin niya, “No filter talaga. Kasi, hitsura, lines, lahat talaga raw.

As in deglamorized siya sa pelikula.

Dagdag niya, “Iyon nga ang gusto ko para something new naman for me. Gusto ko talaga na something na hindi ko pa nagagawa. So ito iyon, nagawa ng Balota.”

MARIAN RIVERA ON GETTING THAT GLOW FROM RESTFUL SLEEP

Samantha, malaking tulong ang bagong endorsement ni Marian para hindi siya mahirapang makatulog.

Marian Rivera
Kath Melendez
(L-R): Nekocee CEO Kath Melendez and Marian Rivera
Photo/s: Rommel Gonzales
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panimula ni Marian tungkol sa Bagong product ng businesswoman na si Kath Melendez, “Isa lang ang ibig sabihin niyan, kapag tinaya ko ang pangalan ko sa isang produkto, number 1, ginagamit ko siya.

“Pangalawa, pinagkakatiwalaan ko siya, pangatlo, pinapagamit ko sa pamilya ko, hindi ako papayag na ginagamit ng pamilya ko na hindi ako sigurado.

“Dahil dun sa tablet na iyan, sa capsule na iyan…hindi ko alam kung may awareness kayo, sa isang capsule na yan may 15 ingredients na iyan, ang dami talaga na meron.

“Pero pinakagusto ko dito, bilang artista hindi predictable…alam mo yung parang hindi mo alam kung kailan matatapos yung trabaho mo, anong oras ka matutulog, minsan hindi ko alam kung, ako lang ba ‘to, kapag pagod na pagod na kayo galing trabaho, di ba parang mas mahirap matulog?

“May ganun ba kayong na-experience?

“Actually, nasa road pa lang ako iniinom ko na siya, ang take ko nito is gabi, bago ako matulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ako lang ha, sa akin, iniinom ko siya sa gabi, siguro at least 30 minutes to one hour bago ka matulog, at least may space pa rin kung ano yung mga gagawin mo, and then in time na matutulog ka na, relaxed ka na…

“So, sa mga night shift diyan, puwede naman siguro sa umaga ninyo inumin bago kayo matulog.

“Anong resulta kapag ininom mo siya? Siguro mas glowing ka, mas nakatulog ka, kasi pag maganda yung tulog mo, maganda yung gising mo, maganda yung mood mo.

“Kapag maganda yung mood mo, marami kang mahahawahan ng positibong attitude na yan, at pag positibo ka, lahat maganda at positive ang mangyayari sa iyo, at yun ang mahalaga.

“Totoo, kasi bago ko siya i-endorse kailangan alam mo kung ano yung tine-take mo, hindi naman porke’t, ‘Ah sige na okay na yan, pampatulog, hindi ganun.”

Read:

Marian Rivera, natawa sa pagti-trend ng kanyang judging stint

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marian Rivera relives Marimar magic with latest TikTok post

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on what continues to motivate her despite the many blessings that have come her way all throughout her prolific showbiz career. She says, "Actually, ang lahat naman ng ito ay ginagawa ko, and for sure ito rin ang sasabihin ni Dong, na para sa mga anak namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa."
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results