PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PH boxer Aira Villegas wins bronze at Paris Olympics 2024

Aira: "I hope po sa lahat po ng Pilipino na, again, napuyat, I'm sorry guys."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 7, 2024
Aira Villegas wins bronze at Paris Olympics 2024
Pinoy boxer Aira Villegas on her bronze-medal finish at the Paris Olympics: "I hope po sa lahat po ng Pilipino na, again, napuyat, I'm sorry guys. Nakapag-uwi po ako ng medalya po, sana po proud pa rin po kayo sa akin."
PHOTO/S: One Sports Facebook

Bigong makaabante sa gold-medal match ng boxing women's 50-kilogram ang pambato ng Pilipinas na si Aira Villegas.

Ito'y matapos siyang matalo ng Turkish boxer na si Buse Naz Cakiroglu sa semifinals nitong Miyerkules, August 7, 2024.

Gayunpaman, uuwi pa ring may bronze medal si Aira dahil siya ang hinirang na third place sa unang laban niya sa Olympics.

Aira Villegas wins bronze at Paris Olympics 2024
Filipino boxer Aira Villegas (right) loses via unanimous decision to Turkiye's Buse Naz Cakiroglu (left) in the semifinals of the women's 50-kilogram division.
Photo/s: Screengrab @One Sports Youtube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa unang round ng kanilang bakbakan sa semifinals, agad na nagpamalas ng bilis at liksi ang pambato ng Turkish.

Dahil dito, napuwersa ang kanilang referee na mag-standing count kay Aira dahil sa mga nakuha niyang suntok kay Buse Naz.

Mabilis din namang nakabawi si Aira sa second round, kunsaan napabagsak niya si Buse Naz.

Ngunit hindi ito binilangan ng referee dahil agad ding nakatayo ang kanyang kalaban.

Pagdating sa third round ay pinilit pang makalamang ni Aira kay Buse Naz, ngunit sadyang mas malakas ito sa kanya.

Sa huli, wagi si Buse Naz via unanimous decision sa score na 30-27, 30-26, 30-27, 30-27, 30-26.

AIRA VILLEGAS NOT "SUPER DISAPPOINTED" AFTER SEMIFINALS LOSS

Matapos ang laban, nakapanayam ng One Sports PH si Aira. Dito ay sinabi niyang masaya siya sa kanyang performance, dahil ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya.

Alam at ramdam daw ni Aira na labis siyang pinag-aralan ni Buse Naz, dahil hindi naman ito ang una nilang paghaharap sa boxing ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una na silang nagkaharap sa World Boxing Championships noong 2022, kunsaan natalo rin ni Buse Naz si Aira.

Saad ni Aira, "Hindi naman po ako super disappointed kasi ginawa ko yung best ko. Talagang napag-aralan [lang] po niya and magaling po, aminado pong magaling po talaga siya [Buse Naz].

"Pero siyempre, for me, nagawa ko lahat po ng best ko."

May mensahe rin si Aira sa mga Pilipinong nanghinayang sa hindi niya pagpasok sa finals.

Saad niya, "I hope po sa lahat po ng Pilipino na, again, napuyat, I'm sorry, guys. Nakapag-uwi po ako ng medalya po, sana po proud pa rin po kayo sa akin."

Ang nakuhang bronze medal ni Aira ang ikatlong medalya ng Pilipinas sa Paris Olympics matapos mapanalunan ni Carlos Yulo ang dalawang gold medals sa artistic gymnastic.

Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother

SCHEDULE MATCHES FOR FILIPINO ATHLETES IN PARIS OLYMPICS

Samantala, anim pang Pilipinong atleta ang nakatakdang sumalang sa 2024 Paris Olympics para sa inaasam na medalya sa bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang na rito si Nesthy Petecio ng boxing women's 57 kilogram.

Huwebes, August 8, ng 3:30 ng umaga nakatakdang sumalang si Nesthy sa boxing ring para sa semifinals.

Dalawang pambato rin ng Pilipinas sa golf women's individual stroke play ang maglalaro sa August 7 (3:00 P.M.) at August 8 (3:00 P.M.). Sila sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan.

Sa weighlifting naman, tatlong Pinoy pa ang inaabangan.

Ito'y sina John Ceniza (August 7 at 9:00 P.M.), Elfren Ando (August 8 at 9:00 P.M.), at Vanessa Sarno (August 10 at 1:30 A.M.).

Read: EJ Obiena apologizes for falling short of Paris Olympics medal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy boxer Aira Villegas on her bronze-medal finish at the Paris Olympics: "I hope po sa lahat po ng Pilipino na, again, napuyat, I'm sorry guys. Nakapag-uwi po ako ng medalya po, sana po proud pa rin po kayo sa akin."
PHOTO/S: One Sports Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results