Engaged na si Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao sa kanyang longtime boyfriend, ang PBA coach na si Aldo Palilio.
Ito'y matapos ang walong taon nilang pagiging magkasintahan.
Nitong Biyernes, August 9, 2024, inanunsiyo ni Michele ang kanyang pakaka-enagage nang mag-post siya sa Instagram ng mga larawan nila ni Aldo.
Read: Michele Gumabao calls non-showbiz boyfriend and herself "lugaw king and queen"
Kitang-kita sa mga larawan ang saya ng dalawa habang kapansin-pansin ang malaking diamond ring na suot-suot ng volleyball player at dating beauty queen na si Michele.

Kalakip nito ang caption na "8 to [infinity sign emoji] with you [kiss emoji]"
Walang anumang karagdagang detalyeng ibinahagi si Michele sa kanyang post.
Ngunit sa Instagram post ng Nice Print Photography, makikita ang ilan sa mga kuhang litrato nina Michele at Aldo sa ginawa nilang wedding proposal at engagement shoot sa Tokyo, Japan.

CONGRATULATORY MESSAGES FOR MICHELE AND ALDO
Samantala, sa comments section ng post ni Michele ay marami sa kapwa niya beauty queens at volleyball players ang nagpaabot ng congratulatory messages sa pagkaka-engage niya kay Aldo.
Kabilang na riyan ang beauty queens na sina Catriona Gray, Athisa Manalo, Samantha Bernardo, Vickie Rushton, at Katarina Rodriguez.




Nagpaabot din ng congratulatory messages ang mga kapwa volleyball player ni Michele na sina Tots Carlos, Dennise Lazaro, Carmela Tunay, Jem Ferrer, Risa Sato, at Michelle Morente.




Maging ang mga kapatid ni Michele na sina Marielle Gumabao-Damiani at Marco Gumabao ay nag-iwan din ng komento sa kanyang post.


MICHELE AND ALDO RELATIONSHIP
Sa panayam nina Michelle at Aldo sa ABS-CBN noong 2017, ibinahagi nila kung paano nagkrus ang kanilang mga landas.
Read: Paolo Gumabao no sibling rivalry with Marco; says dad Dennis Roldan is "hottie"
Parehas daw kasi sila noong single kaya sinet-up sila ng date ng isa sa kanilang common friend.
Kuwento ni Aldo, "A friend set us up at his restaurant, Sobremesa in Pasig City. I just tagged along and got invites. I already knew of her so I gave it a chance.
"As for why Michele gave it a chance? Maybe, ‘cause [the restaurant] was near her game."
Dagdag dito ni Michele, "What he said! Sabi ko sa kanya punta na lang siya! After that, we just kept talking. We talked everyday—as in, everyday until today!"
Mabilis daw silang nagkasundo dahil sa marami nilang pagkakatulad at interes, gaya na lamang ng pagkain, hilig sa sports, at pagdyi-gym.
"We eat wherever," pagbubunyag ni Aldo.
Bagay na hindi naman naitanggi ni Michele: "He'd watch my games then we’d go out after. Anything that there's meat, Aldo's there! From shabu-shabu to buffet!
"And for us, fitness is our life and career na. Before Aldo put up his gym, he was a fitness enthusiast na.
"And me siyempre volleyball so sports talaga. And we bond over that a lot, we balance out our dates with dinner and working out.
"He does train me, although not regularly but whenever I’m free, dun talaga ako.
"He's super strict ! Hindi nya ako girlfriend sa gym! He's on coach mode talaga! He trains Mel [Gohing] also, so bonding namin ni Mel at night si Aldo.
"Kasi lagi kaming nag-uusap about our workouts, and kung gaano siya ka-strict and kahirap na coach sa gym!"
Read: Meet the international model sister of Michele and Marco Gumabao
