PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15

Gerald Santos: "Noong time po na yun, unfortunately hindi po ako napakinggan."
by Arniel C. Serato
Published Aug 20, 2024
gerald santos sexual harassment
Singer and Pinoy Pop Superstar grand champion Gerald Santos: "Yung actual po na harassment na ginawa po sa akin happened on December 26, 2005. Ako po ay 15 years old lamang nung panahon na yun."
PHOTO/S: @thegeraldsantos on Instagram

#GeraldSantosControversy1

Trigger warning: Mention of sexual assault, sexual harassment

Tandang-tanda pa ni Gerald Santos ang petsa kung kailan nangyari ang sexual harassment umano sa kanya sa edad na 15.

Pagbabalik-tanaw ng singer: "Yung actual po na harassment na ginawa po sa akin happened on December 26, 2005.

"Ako po ay 15 years old lamang nung panahon na yun.

"At wala po talaga akong lakas ng loob, wala po akong gulugod.

"I cannot defend myself through words dahil ako po talaga ay helpless at baguhan, at napakabata po.

"Hindi ko po ma-imagine na kung ako po ay magkakaanak, yung 15 years old kong anak, pagdadaanan po yung aking napagdaanan."

Read: Gerald Santos on victims of sexual harassment: "Kung may prinsipyo sila na pinangangatawanan nila, mag-stand sila dun sa prinsipyo nila."

Isiniwalat ito ni Gerald sa pangalawang video na in-upload niya sa YouTube noong Agosto 8, 2024.

May pamagat na "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang gumawa umano nito sa kanya ay isang kilalang personalidad na may kaugnayan sa defunct singing search ng GMA-7 na Pinoy Pop Superstar (2006) Season 2.

Si Gerald ang itinanghal na grand champion sa nasabing edisyon.

Muling lumantad si Gerald at ipinaalala sa publiko ang nangyari sa kanya matapos pumutok ang isyu ng baguhang Sparkle artist na si Sandro Muhlach na may kahalintulad ding usapin.

Nasa gitna ng kontrobersiya ngayon ang panganay na anak ni Niño Muhlach matapos pumutok ang balitang biktima umano ito ng seksuwal na pang-aabuso.

Read: Who is Sandro Muhlach?

GERALD SANTOS ON SUPPORTERS AND BASHERS

Ayon kay Gerald, sinubaybayan niya ang Senate hearing tungkol sa "Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment" noong August 6, 2024.

Kaugnay ito ng sexual harassment complaint na inihain ni Sandro laban sa dalawang GMA-7 "independent contractors."

Dumalo sa pagdinig ang ama ni Sandro na si Niño, na naging emosyunal sa kanyang opening statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reaksiyon ni Gerald, "Ang puso ko po ay nadurog while listening to him.

"Dahil ramdam na ramdam mo yung sakit sa kanyang puso, yung sakit na kanyang nararamdaman dahil sa sinapit ng kanyang anak.

"Kahit naman po sinong magulang ay hindi talaga gugustuhin itong sinapit ni Sandro."

Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal

GERALD SANTOS ON SPEAKING UP

Bagamat noong 2005 pa naganap ang sinasabing pang-aabuso sa kanya, taong 2010 lamang nagsalita si Gerald tungkol dito.

Ngunit ang malungkot daw dito, sa halip na makakuha ng simpatiya at hustisya, siya pa raw ang napag-initan, at sa huli'y naapektuhan daw nang husto ang kanyang singing career.

Pahayag ni Gerald sa YouTube video: "It took four years for me to speak up about this issue, kasi nga po lumala na po nang lumala yung panggigipit po sa akin sa network.

"Nung ako po ay continuous na nagre-refuse dito sa taong ito, ng kanya pong mga advances sa akin, ay palala po nang palala yung aking nagiging situation sa network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Unti-unti ay nararamdaman ko po talaga na ako po ay napapag-initan.

"At yung aking pong mga supposed to be na mga projects ay nahaharangan po, especially yung mga sa mga theme songs ng teleserye, dahil ultimately ako po ay singer.

"Kaya yun po, inabot po ng four years dahil nag-ipon po muna talaga ako at ang aking pamilya, ang aking buong team, ng lakas ng loob para makapagsalita.

"At nung finally na ako po ay nakapagsalita na, I was ridiculed, I was labeled as homophobic.

"Actually, looking back, sobrang ginaslight po nila ako nung time na yun na binaliktad po nila ako na ako yung, parang, nandidiri raw ako sa mga bading, bakit ko daw ito sinusumbong. Dapat, mag-move on ako dahil yan daw ay kalakaran lang sa industriya.

"Pero looking back, I'm proud na isa po ako sa mga nag-stood up para magsabi po, kahit na it took me four years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya ako po, ito, ipagpapatuloy ko ang pagsasalita about this para matigil na po ito, itong mga pang-aabuso sa mga baguhang artists"

Read: Michele Gumabao now engaged to longtime boyfriend Aldo Panlilio

Young Gerald Santos
Photo/s: File. gerald santos

GERALD SANTOS on SEEKING JUSTICE

Binigyan-pansin ni Gerald ang alinlangan ng ilang netizens sa kung bakit ngayon lang siya lumabas upang ilahad ang nangyari sa kanya noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon po, may mga gusto lang akong sagutin na mga tanong ng ating mga kababayan. Mga ibang nagtatanong, lalung-lalo na dun sa mga nagsasabi na bakit ngayon lang ako nagsasalita, bakit lang ako ngayon lumabas.

"Actually, natutuwa po ako dahil karamihan naman po sa comment section ay alam po na hindi po ngayon lang ako lumabas, ngayon lang ako nagsalita.

"Year 2010 po nang ilabas ko itong issue na ito. At noong time po na yun, unfortunately, ay hindi po ako napakinggan. Hindi po ito naging national issue, like right now na nangyayari.

"And to be exact po ay February 8, 2010 nung amin pong idinulog ito sa management ng GMA.

"Nag-file po kami ng case dito po sa taong ito na gumawa po ng hindi maganda sa akin."

Diin ng singer sa video: "Ako po ay 15 years old lamang po nung time na ito.

"Wala po talaga kaming alam about sa mga legal stuff, sa mga legal na mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At kahit po galit na galit po ang aking buong pamilya ay talaga po kami ay napilitang manahimik dahil noong panahon po na yun ay talagang may stigma po kapag nag-report ka ng mga ganitong klaseng case."

Inilahad din ni Gerald sa video ang mga kaganapan umano matapos idulog ang kanyang reklamo sa GMA management.

"Nung dinulog po namin ito sa itaas, sa pinakamataas na management ng GMA, according to them they will conduct an investigation about the issue.

"And while still investigating, maybe for just two to three months, ako po ay ni-release ng GMA.

"At wala pong ibinigay po sa aming concrete resolution or clear resolution about the case na amin pong pinayl sa kanila.

"And even after one year, mayroon po kaming sinend na letter sa kanila. And na-receive po nila yung aming letter na nag-ask kami na ano pong nangyari dun sa case na aming pinayl dito sa taong ito. Wala pong ganun na pinarating po sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And after one year po yun, nung pinayl namin, so wala rin po silang naging sagot sa amin. Hindi na po nila pinansin yung aming letter.

"Kaya wala po talagang concrete na resolution or mga safeguards na ginawa sila right after this while they were investigating."

gerald SANTOS ON feeling ostracized

Pagkatapos nito ay naramdaman daw ni Gerald na iba na ang pakikitungo sa kanya ng mga katrabaho niya.

Ayon kay Gerald: "Ang atmosphere po talaga sa akin ng mga staff ng GMA at ng mga, particularly ng entertainment department, galit po talaga sa akin sila dahil sa issue na ito.

"May mga nabanggit po ako mga pangalan dun, na nabangga ko sila.

"Pagka binangga mo si ganitong executive, yung mga tao niya, galit na rin sa yo. Ganun po yung nangyari po sa akin.

"At ako po talaga ay na-pin down, napag-initan po ako dun sa loob."

Isiniwalat ni Gerald ang pakikipag-usap raw niya noon sa isa sa "mga may-ari ng GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: "Nung nireport nga po pala namin ito sa kaitaas-taasan po ng GMA, ay naka-meeting po namin ang mga may-ari ng GMA at that time.

"And to quote yung isa po sa mga may-ari ng GMA, siya po mismo nagsabi noon na, 'O, winner ka pala dito sa singing competition namin. So, kung sisikat ka, dapat dito sa GMA. Dapat dito sa network natin ka sumikat.'

"May ganun pong word ito pong isa po sa mga may-ari ng GMA nung naka-meeting po namin sila.

"Kaya that was words of encouragement sa amin, sa akin lalu-lalo na.

"So, nagtaka po kami dahil, after po noon, dahil na-file na namin ito, yung aming reklamo, and siyempre may mga nabanggit po kami mga tao na iba pang somehow involved sa kaso ko, ay iba na po yung atmosphere sa akin ng mga staff and ng mga tao dito sa GMA, especially sa entertainment department.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And sabi ko nga po, parang ako po ay banned.

"May mga nagsasabi na nakapag-guest naman daw ako sa GMA.

"Actually from 2010 to 2024, maybe ang aking naging guesting lamang po sa GMA ay nasa apat or lima.

"And dahil po yan sa news department. Nakakapag-guest po ako sa news department or sa mga game shows, hindi po sa entertainment department.

"Dahil diyan po sa entertainment department, diyan po yung may mga nabangga po ako.

"And hanggang ngayon, sabi ko nga po sa previous video ko, hanggang ngayon po, galit na galit po sa akin na talagang gumaganti pa rin, kahit na after 14 years ay hindi pa rin ako mapatawad."

Read: Carlos Yulo's younger brother appeals to two-time gold medalist

GERALD SANTOS THANKS KUYA GERMS

Dahil daw sa nangyari, maraming nawalang oportunidad kay Gerald sa local showbiz. Pero nagpatuloy pa rin siya bilang independent artist.

Mabuti na lamang daw at may mga pumasok na proyekto sa kanya sa ibang bansa, katulad ng Miss Saigon sa London at Denmark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "Ako naman po, wala naman po mawawala na sa akin ngayon.

"For 14 years, I've been an independent artist, at napatunayan ko naman po na kinaya ko pong tumayo sa akin pong sariling paa.

"At ako po nga po ay nabigyan pa ng opportunity sa international stage dahil po dito."

Matapos matanggal daw ni Gerald sa mga musical-variety program ng GMA-7 na SOP at Party Pilipinas, kinuha raw siya ng yumaong si German "Kuya Germs" Moreno sa programa nitong Walang Tulugan.

Pero malaki ang pagkakaiba ng dalawang programa — kung ang SOP at Party Pilipinas ay noontime show tuwing Linggo, na isang premium timeslot, ang Walang Tulugan naman ay tuwing Linggo ng hatinggabi kadalasang nagsisimulang umere.

Pagpapatuloy ni Gerald sa kanyang YouTube video: "At yung tao nga po, sinasabi ko sa inyo na hanggang ngayon ay galit na galit pa rin po sa akin.

"Ang dami pong nakakarating sa amin na every time we will attempt to guest sa any shows sa GMA, itong taong ito, tuwing maririnig daw ang aking pangalan, talagang tinataas pa ang kamay at sinasabing 'hindi puwede,' bawal ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"After kong matanggal sa SOP, sa Party Pilipinas, ako po ay napapunta sa Walang Tulugan, kay Kuya Germs.

"At masasabi ko po na isa si Kuya Germs sa mga nakipaglaban po sa akin. Siya lamang po yung nag-go against the flow kahit na ang dami pong galit na galit sa akin noon sa network.

"At may nakarating pa po sa akin na nung mabalitaan nila na ako ay nasa Walang Tulugan, may mga tumatawag daw kina Kuya Germs at kay Kuya John Nite na bakit ako nandito, bakit ako nandun sa Walang Tulugan, dapat hindi daw ako pinaggi-guest doon.

"At ito po ang malala, kahit po sila yung mga tao na sumuporta po sa akin doon, nagpakita ng support noong time na yun, pati po sila ay napag-iinitan.

"So, ganito po kalala, ano?"

Si John Nite ay pamangkin ni Kuya Germs at co-host din sa Walang Tulugan.

Himutok ni Gerald, "Sana kapagka nagdudulog ng mga reklamo ang mga artists, hindi po ganito. Hindi po napag-iinitan. Hindi po pini-pin down dahil nag-i-stand sa kanilang prinsipyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-i-stand sa kanilang mga pinagdaanan.

"Kaya po takot na takot talaga ako noon na magsalita dahil ganito nga po ang mangyayari.

"At ganun na nga po ang nangyari nung panahon na yun. Ako po ay na-outcast basically."

Kaya ganun na lamang daw ang pasasalamat ni Gerald kay Kuya Germs.

"I really want to express my gratitude to Kuya Germs, dahil isa po siya sa nagpakita nun ng todong suporta at pagmamahal sa akin.

"Thank you din kay Kuya John Nite dahil isa rin siya noon sa mga tinatawagan dahil bakit daw ako nandun sa show nila.

"At somehow ay nadamay din po itong mga taong ito, napag-iinitan din po sila."

Read: Janine Gutierrez, Jericho Rosales kissing? Lotlot de Leon reacts

GERALD SANTOS ON VICTIMS OF SEXUAL ABUSE

Sa paglalahad ni Gerald sa kanyang YouTube video, sinabi nitong mula nang ihayag niya sa publiko ang kanyang karanasan, marami na ang nagpapadala sa kanya ng mensahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ilan daw dito ay nagbabahagi ng kanilang kahalintulad na karanasan.

Aniya: "Sa mata ng Diyos, sa panahon ng Diyos, talaga nga pong dadating ang hustisya sa bawat isa.

"Hindi ko po akalain na darating po ang panahon pa na ito, na ako po ay magkakaroon po ng boses, para ipaglaban ko ang aking sarili at mabigyan ko din po ng boses sa ibang mga tao.

"Alam niyo po, gulat na gulat ako dahil may mga nagmi-message din po sa akin ng mga sarili nilang kuwento ng mga harassments po sa kanila.

"Ako po ay talagang gusto ko pong umiyak habang binabasa ko itong mga istorya nila dahil napakadami po talagang mga kababayan natin ang mga naaabuso ng mga mapang-abuso sa kanila pong mga kapangyarihan.

"Yung akin pong salita, dahil ako po ay may sariling experience dito po sa ganitong pangyayari, makapagbigay man lang po ako ng inspirasyon.

"Dahil po siguro nagsalita ako, nagkaroon sila ngayon ng lakas ng loob, ito po yung sinasabi ko na hindi kayo nag-iisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mga biktima po ng mga ganitong klaseng gawain, hindi po kayo nag-iisa. Kasama niyo po ako, sa abot ng aking makakaya ay tutulungan ko po kayo.

"Sa mga nagsusumbong po sa akin, I can help you.

"Kung kanino po puwede natin idulog yung inyo pong mga kaso para ma-facilitate nang tama at ma-handle nang tama yung inyo pong mga cases.

"Huwag po kayo mag-alala dahil gagawin ko po ang akin pong magagawa sa abot ng aking makakaya."

Sa dulo ng YouTube video, sinabi nito: "So, ang akin pong huling masasabi, ang nangyari po sa akin ay imbes na ako po ay maprotektahan at alagaan dahil ako po ay homegrown talent ng GMA, dahil ako po ay nagsalita, napag-initan pa po ako.

"Ikaw na naging biktima, ikaw na ang ginawan nang hindi maganda, ikaw pa ang lumabas na masama."

Nagsabi rin si Gerald na ikukuwento niya ang mga detalye ng nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gerald Santos on why he is speaking up amid Sandro Muhlach issue

Abangan dito sa PEP.ph ang panig ng GMA Network kaugnay ng mga rebelasyon at alegasyon ni Gerald Santos.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer and Pinoy Pop Superstar grand champion Gerald Santos: "Yung actual po na harassment na ginawa po sa akin happened on December 26, 2005. Ako po ay 15 years old lamang nung panahon na yun."
PHOTO/S: @thegeraldsantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results