Tinotoo ni Mon Confiado ang kanyang banta sa isang content creator na sasampahan niya ito ng reklamo.
Sa Facebook post ng award-winning actor ngayong Lunes, August 12, 2024, nagbahagi siya ng larawan habang nasa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Crime Division.
Pormal na siyang naghain ng reklamong cyber libel laban sa content creator na may handle name na "ILEIAD."
Read: Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
MON CONFIADO TEACHES CONTENT CREATOR A LESSON
Sa caption ng kanyang post ay direkta na rin pinangalanan ni Mon ang totoong may-ari ng "ILEIAD" account—si Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto.
Saad ni Mon sa caption ng kanyang FB post, "Dear Mr. Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto alias ILEIAD
"Nawa’y maging aral sa iyo ito at sa ating lahat. Na ang paggamit ng pangalan at larawan ng walang pahintulot ay krimen. Na hindi lahat ng jokes ay nakakatawa at hindi lahat ng jokes ay para sa lahat. Dapat sana ang joke ay nakakapagpasaya at hindi nakakasira ng tao.
"Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD,
"Ako ay isang tahimik na tao. Never na nasangkot sa kahit isa o anumang mang gulo sa buong buhay ko. Wala ako ni isang kaaway o nakaaway man lang. Ako ay tahimik na nagtratrabaho lamang bilang aktor.
"At bilang aktor, ang aking pangalan ay aking pinagkaka ingat-ingatan dahil ito ang aking puhunan para ako ay makakuha ng trabaho. Ngunit ako ay nagulat dahil biglang direktang ginamit mo ang aking pangalan at larawan ng walang pasintabi sa isang joke na tinatawag niyong “copypasta”."
Paalala pa ni Mon, hindi lahat ng tao ay pamilyar sa mga meme o mga biro sa social media lalo na sa Facebook.
Ayon sa aktor, pinapangalagaan niya ang kanyang kredibilidad dahil ito ang kanyang puhunan sa showbiz.
"Ang problema… kahit ito ay isang joke o “meme” lamang, hindi pamilyar ang lahat ng tao dito at ito ay ipinost mo sa “Facebook”. At alam mo naman ang mga tao ay napakadaling maniwala sa mga ganyang posts.
"Siyempre ang ilan dyan ay maniniwala at ire-repost agad dahil katulad mo ay gusto lang din makakuha ng mga likes kahit may masagasaan. Ako ay may mga ginagawang pelikula, may mga endorsements at may on-going na transaction para maging “brand ambassador” ng isang produkto.
"Paano kung dahil sa maling pagkakaintindi sa joke mo ay maapektuhan ang aking mga trabaho? Dapat ba ay tumahimik lang ako? Dapat ba ako pa ang mag adjust at pabayaan ko na lang at huwag na ako mag react?"
Read: Heart Evangelista defends Chiz Escudero on uproar about holidays
MON CONFIADO: "HINDI JOKE. Ito ay TOTOO."
Dagdag pa ng aktor, hindi sineryoso ng content creator ang kanyang sinabing tanggalin agad ang mapanirang post nito noong August 8, 2024.
Ginawa pa raw siyang katatawanan ng followers ng content creator at nito mismo.
Kaya sinabi niyang totoo ang kanyang inihaing reklamo at hindi joke.
Sabi pa ni Mon, "Mr. Jeff Jacinto, uulitin ko, ako ay nananahimik at ginulo mo. Pero nung nag comment ako sa post mo at sa messenger mo, sinabihan mo pa ako ng “is this a threat”?
"Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi. Oo. Nagpublic apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo. At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama.
"Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO. Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed.
"Lubos na gumagalang,
"Mon Confiado"
THE ORIGINAL POST
Sa Facebook post ng nasabing content creator, ikinuwento nitong namataan daw niya si Mon sa isang grocery store sa Marikina City.
Bilang kilalang aktor, humiling daw siyang makapagpa-picture dito ngunit mariin daw siyang tinanggihan nito.
Ang masaklap pa raw ay dinuro-duro siya nito sa mukha matapos tumangging magpakuha ng litrato.
Dahil sa hiya, dali-dali raw tumalikod at lumayo si Ileiad sa kinaroroonan ni Mon.
Ngunit ang sumunod na eksena ay labis daw ikinagulat ni Ileiad nang pagsisigawan ni Mon ang cashier ng grocery store dahil sinisingil niya ang aktor sa mga tsokolateng kinuha nito ngunit ayaw umanong bayaran.
Narito ang buong post ni Ileiad (published as is):
"I saw critically-acclaimed actor Mon Confiado at a grocery store in Marikina yesterday. I told him how cool it was to meet him in person, but I didn't want to be a douche and bother him and ask him for photos or anything.
"He said, "Oh, like you're doing now?" I was taken aback, and all I could say was "Huh?" but he kept cutting me off and going "huh? huh? huh?" and closing his hand shut in front of my face.
"I walked away and continued with my shopping, and I heard him chuckle as I walked off. When I came to pay for my stuff up front I saw him trying to walk out the doors with like fifteen Milky Ways in his hands without paying.
"The girl at the counter was very nice about it and professional, and was like "Sir, you need to pay for those first." At first he kept pretending to be tired and not hear her, but eventually turned back around and brought them to the counter.
"When she took one of the bars and started scanning it multiple times, he stopped her and told her to scan them each individually "to prevent any electrical infetterence," and then turned around and winked at me.
"I don't even think that's a word. After she scanned each bar and put them in a bag and started to say the price, he kept interrupting her by yawning really loudly."

Nang makarating kay Mon ang post, sinita niya ang content creator pero umangal pa itong binantaan daw siya ng aktor.
Read: Mon Confiado slams netizen who posted fabricated story about him
