Naging supportive girlfriend ang German athlete at triple jumper na si Caroline Joyeux sa boyfriend nitong si EJ Obiena.
Si EJ ang Filipino athlete na nagtapos sa ika-apat na puwesto sa men’s pole vault finals sa Paris Olympics 2024.
Masaklap ang posisyon ni EJ na muntik-muntikan nang makasungkit ng Olympic medal.
Read: EJ Obiena finishes fourth in Paris Olympics men's pole vault
Emosyunal din si EJ sa isang interview matapos ang kanyang event dahil sa kabiguang makasungkit ng Olympic medal para sa Pilipinas.
Gayunpaman, umani siya ng simpatiya mula sa kanyang mga kababayan.
Read: EJ Obiena apologizes for falling short of Paris Olympics medal
Katulad ni EJ, nakatanggap din ng maraming papuri ang kanyang girlfriend na si Caroline dahil sa pagiging supportive nito sa Filipino pole vaulter.
Karamihan sa mga komento, papuri sa German athlete dahil tahimik lamang ito at hindi raw nito inagawan ng eksena ang boyfriend.

NETIZENS' REACTION
Sa isang recent Instagram post ni Caroline, ipinakita niya ang isang video clip na binubuo ng highlights nila sa Paris Olympics.
Kabilang sa video clips ang moments nila ni EJ at kung paano siya naging supportive sa boyfriend sa laban nito.
Umaani ngayon ng maraming papuri online si Caroline na hindi raw inagawan ng eksena si EJ.
May netizens ding hindi naiwasang ikumpara si Caroline kay Chloe San Jose, ang girlfriend ng gymnast at two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Kontrobersiyal ngayon si Carlos dahil sa sigalot nila ng inang si Angelica Yulo. Sangkot din sa isyu ng mag-ina ang girlfriend ng gymnast.
Read: Angelica Yulo claims her FB post not a shade against Carlos Yulo
Pinuri ng netizens ang pagiging “quiet,” “decent,” at “low-key” niya bilang supportive girlfriend ni EJ.
“She knows her place! Congrats to both!” komento ng isang netizen kay Caroline.
May patutsadang dagdag ng isa (published as is), “Ganito ang mga gf ng mga athletes ang simple pero napakaganda at hindi uhaw sa attention”

Hirit ng isa pa (published as is), “she is beautiful and we’ll mannered, unlike the agua oxinada gurl”
Papuri naman ng isang netizen, “I never saw her with EJ, only when he posted it, she knows her place. She’s pretty!”

“Lovely and low key!” compliment ng isa pa.

“Humble and lowkey couple,” sundot ng isa pa.
Sabi ng isang netizen ukol kay Caroline (published as is): “Good to hear all out SUPPORT not ALL Out CONTROL like other athletes”

Komento ng isa pa sa girlfriend ni EJ: “The quiet strength and support of EJ. Danke [Thanks] Caroline!”
Parang nanalo na rin daw ng medal si EJ sa girlfriend.
“Congratulations EJ! You’re more than a gold medalist with such stunner of a partner!” sabi ng isa.
“Better and much decent,” compliment ng isa pa kay Caroline.
“Eto yung matinong GF,” hirit ng isa pang netizen.


May ilan namang netizens ang nagkomento na itigil ang pagkukumpara sa dalawang babae.
Komento rin ng iba pa, huwag nang gawan ng isyu ang dalawang babae sa buhay ng Filipino athletes.
Si Caroline at EJ ay apat na taon nang magkarelasyon. Unang dinala ni EJ si Caroline sa Pilipinas noong 2022.
Si Caroline ay ilang beses nang sumali at nanalo sa athletic events sa Germany.
