PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fifth Solomon thanks PBB for giving him coming-out platform

Fifth Solomon: "Coming out is a personal decision."
by Arniel C. Serato
Published Aug 13, 2024
Fifth Solomon looks back on his coming out
Actor-director Fifth Solomon recalls coming out during his stint in Pinoy Big Brother All In: "But with PBB, hinayaan nila ako mag desisyon sa sarili kong coming out story. Sa totoo lang, nung araw na naisipan ko mag out sa loob ng bahay ni kuya, sabi ko: shet chance ko na to para magkaroon ng bonggang coming out story on a national TV."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sampung taon pagkatapos niyang mag-come out, binalikan ng film director at actor na si Fifth Solomon ang panahong may mga pumipilit sa kanyang umamin.

Pero hindi raw siya nagpaapekto dahil siya lamang ang may karapatang magkuwento tungkol dito.

Read: 17 coming-out stories of Filipino celebrities

FIFTH SOLOMON COMING-OUT STORY

Sa Instagram kagabi, August 13, 2024, ibinahagi ni Fifth kung paano siya nag-come out.

Ang mensahe niya ay para sa mga taong "headline" lamang umano ang binabasa.

Nabigyan daw siya noong mag-come out nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother All In taong 2014.

Saad niya (published as is), "10 yrs ago, i was 22yrs old when i entered PBB. Very thankful dahil dito ako nagka chance to own my coming out story, saaking own time.

"I had the chance to have a platform and to have a deciding factor when to come out.

"Dahil nga na kwento ko, sa ibang scenario sa buhay ko, at buhay ng marami pang LGBTQIA+ members, pinipilit tayo mag out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki raw ang pasasalamat ni Fifh sa pamunuan ng PBB dahil hindi siya pinilit umamin noon para lamang pag-usapan ang show.

Kusa raw niyang ginawa ang pagka-come out.

Aniya, "But with PBB, hinayaan nila ako mag desisyon sa sarili kong coming out story.

"Sa totoo lang, nung araw na naisipan ko mag out sa loob ng bahay ni kuya, sabi ko: shet chance ko na to para magkaroon ng bonggang coming out story on a national TV.

"Hours before ako mag out sa loob ng bahay ni kuya, Nagdamit ako, nagsapatos. Gulat si Kuya, mag out na pala ako. I wanted my coming out story to be memorable, slayable and ICONIC."

Read: Showbiz history: The coming-out story of BB Gandanghari

FIFTH SOLOMON: "Walang Sayang sa Pagpapakatotoo"

Ayon pa kay Fifth, malaking tulong sa kanya ang pag-amin sa publiko sa totoong gender preference niya.

Pakiramdam daw niya, nanumbalik ang lakas ng kanyang katawan laban sa mga taong nambuyo at nanliit sa kanya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Fifth Solomon coming-out

Lahad niya, "After ko mag out kay Big Brother, I talked to a psych doctor. Super laking help para pa process ko ang lahat dahil takot pa rin ako nun. Coming out sa PBB, i felt I regained my power laban sa mga taong nangkutya saakin at namilit na iOut akong bilang bakla noong kabataan ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Before ako mag out sabi ng mga tao “Umamin ka nalang kasi” pero noong nag out na ako sabi naman nila “Sayang ka” haha! Diba?!"

Deklarasyon ni Fifth, hindi nakapanghihinayang ang pagpapakatotoo dahil matagumpay na siya sa mga larangang pinasok niya.

Aniya, "Walang Sayang sa Pagpapakatotoo kahit ayaw naman ng marami ang totoo. Mas sayang ang pagkatao mo kapag nakinig ka sa mga taong wala namang kinalamaan sa pagkatao mo.

"Di ako sayang dahil ngayon I have 3 bars, 1 film company, 1 fashion empire, I direct and write movies, international series, commercials. I have 2 homes. 1 parking lot. And ang ganda ko.

"Sayang ang mga taong nagiisip na sayang ako. And I am not gonna be humble about that. I don’t eat Humble Pies. I’m on a diet. Muah.

"Again, salamat @PBBabscbn Fam for giving me a bonggang Platform. And to all, wala kayong karapatan na magdesisyon sa kasarian ng isang tao. Coming out is a personal decision."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya na ngayon si Fifth sa piling ng kanyang nobyong si Sacarie Alcala, isang gamer at freelance model.

Read: Fifth Solomon reveals relationship with gamer

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director Fifth Solomon recalls coming out during his stint in Pinoy Big Brother All In: "But with PBB, hinayaan nila ako mag desisyon sa sarili kong coming out story. Sa totoo lang, nung araw na naisipan ko mag out sa loob ng bahay ni kuya, sabi ko: shet chance ko na to para magkaroon ng bonggang coming out story on a national TV."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results