Inamin ni Jericho Rosales, 44, na nasa "dating" stage na sila ni Janine Gutierrez, 34.
Ito ang diretsahang sagot ng Kapamilya actor nang tanungin siya tungkol sa real score sa pagitan nila.

Tinanong si Jericho ng vlogger na si Byx Almacen sa junket para sa isang teleserye na pinagbibidahan nina Jericho at Jodi Sta. Maria. Kasama rin sa serye si Janine.
Sagot ni Jericho, "You know, finding each other... Like, you know, fun people... hanging out, getting to know each other, dating."
Sabay balik-tanong ni Jericho, "Ano yung hinihintay niyong word? Ano yung bago na word sa GenZ? What's the Alpha version?"
"Hanging out" ang maririnig na isinagot ng ibang vloggers, pero tila ang hinahanap na salita ni Jericho ay "situationship."
Ilang beses namataang magkasamang nagde-date sina Jericho at Janine noong Hulyo.
Kumalat sa social media ang litrato nilang magkasamang nanood ng sine sa mall sa Makati at namasyal sa National Museum sa Manila.
Hindi rin nakaligtas sa netizens ang pagdalo ni Jericho sa launch ng single ng nakababatang kapatid ni Janine na si Diego Gutierrez noong July 3.

Read:Jericho Rosales, Janine Gutierrez spotted at museum, bookstore
LOTLOT DE LEON ON JANINE GUTIERREZ AND JERICHO ROSALES
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nahingan ng reaksiyon ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.
Co-star din si Lotlot nina Jericho at Janine sa Lavender Fields.
Ayon kay Lotlot, aware siyang lumalabas sina Jericho at Janine. Tingin niya ay wala raw masama dahil parehong single at mature na ang dalawa.
Kung magkamabutihan man ang mga ito ay wala raw kaso kay Lotlot.
Sabi pa ni Lotlot, “Nakakatuwa yun, so if eventually they are really dating, then I trust Janine, I trust her decision.”
Read: Janine Gutierrez, Jericho Rosales kissing? Lotlot de Leon reacts
JERICHO ROSALES AND JANINE GUTIERREZ PAST RELATIONSHIPS
Parehong single sina Jericho at Janine sa ngayon.
Huling naugnay kay Janine ay si Paulo Avelino, pero hindi nila opisyal na kinumpirma kung nagkaroon sila ng relasyon at kung kailan sila naghiwalay.
Si Jericho ay hiwalay sa asawang si Kim Jones, at naisapubliko iyon noong Enero 2024.
Noong April 17, 2024, inulat ng PEP Troika na may source na nagsabing sumubok manligaw si Jericho kay Kathryn Bernardo.
Dumalo pa si Jericho sa birthday bash ni Kathryn sa El Nido, Palawan, noong Marso.
Pero sinasabing mas boto umano ang ina ni Kathryn sa isa pang napababalitang manliligaw ng dalaga na si Alden Richards.
Read: Pamilya ni Kathryn Bernardo, mas boto kay Alden Richards sa mga manliligaw ng aktres?
