PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia teases Julia Barretto about their kissing scenes

Joshua explains why he said no to doing a movie with Julia in 2021.
by Rachelle Siazon
Published Aug 14, 2024
Joshua Garcia and Julia Barretto for Un/Happy For You
Joshua Garcia on how he and Julia Barretto helped each other on the set: "For example, may ginagawa tayong scene, yung medyo last part na. Nahihirapan na kami kasi nire-reject na ng katawan namin [yung pain]. Kasi napagdaanan niyo na yan..."
PHOTO/S: Nikko Tuazon / Greeko Junio

Diretsahan ang kulitan ng ex-couple na sina Joshua Garcia, 26, at Julia Barretto, 27, nang mapag-usapan ang intimate scenes nila sa pelikulang Un/Happy For You.

Sabay silang sumalang sa online show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 7, 2024.

Nagsimula ang asaran ng dalawa nang sabihin ni Julia na kaabang-abang ang pelikula dahil "iba ang atake" ng direktor na si Petersen Vargas.

Hirit ni Joshua, "Tsaka yung atake natin. Inatake mo ako, e!"

Natawang sagot ni Julia, "Inatake ba kita? Wait, wait, wait! Kasi, parang na-feel ko ako yung inatake mo."

Joshua Garcia and Julia Barretto
Photo/s: Screengrab from PEP Live
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napaisip si Joshua nang tanungin ulit tungkol sa intimate scenes nila na bahagyang makikita sa teaser ng pelikula.

"Mine-make sure niya isasagot niya," napapangiting komento ni Julia dahil nagbitiw sila ng salita na magiging honest sila sa interbyu.

Sabay pasa ni Joshua kay Julia, "Ikaw, what can you say about that scene?"

"Wala.... A, e, i, o, u," sabi muna ni Julia, na nagpigil magbigay ng detalye para di ma-preempt ang pelikula.

"Sa storycon pa lang, sinasabi na ni Josh it's gonna be spicy. Sa sobrang spicy bumaba yung [sleeve ng damit] ko!" natatawang saad ni Julia.

Sa puntong ito, ibinahagi ni Joshua na unang beses silang gumawa ng kissing scene ni Julia.

Kuwento ni Joshua, "Ang maganda diyan, sa buong taon natin, never tayo nag-kiss sa lahat ng soap and movies natin."

Sang-ayon ni Julia, "On cam, di pa tayo allowed mag-onscreen kiss nun."

Prangkang singit ni Joshua, "Off cam lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawang sang-ayon ulit ni Julia, "Off cam lang tayo puwede."

Sabay puna ni Julia sa honest reactions nila ni Joshua, "Alam mo, nag-a-agree ako, nakakalimutan ko kanina pa, live tayo."

Biro ni Joshua, "Hindi, ie-edit out nila yan. Tapos yung mismong part na yun nasa TikTok na."

Suwabe raw nilang nagampanan ang kanilang roles nang gawin ang kissing scenes nila.

"It was light lang mga panahon na sinu-shoot namin yun. Imagine, nagka-work kami ni Josh, ilang taon lang tayo nun," komento ni Julia.

Tanda ni Joshua ay 18 years old lang siya nang nagsisimula silang magkatrabaho ni Julia.

Nagkatrabaho sina Joshua at Julia sa limang pelikula kabilang ang Vince & Kath & James (2016); Love You To The Stars And Back (2017); Unexpectedly Yours (2017); I Love You, Hater (2018); at Block Z (2020). Pinagbidahan din nila ang primetime series na Ngayon at Kailanman (2019).

"Ngayon lang namin talaga nagagawa yung mga ganitong sensuality, spiciness," paglalarawan pa ni Julia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag ni Joshua, "Yung unang beses natin ginawa yun, medyo matagal dahil sa shots.

"Pero yung pangalawa, sinabi ko kung ilang beses. Pero yung pangalawa kasi kahit mas madaming shots..."

Natatawang singit ni Julia, "Ang spoiler mo! Gusto niya mag-explain talaga!"

Hindi naman nagpapigil sa pagkukuwento si Joshua.

"Na-proud kaya ako sa atin," saad ng binata.

Mabilis daw kasi nilang nakunan ang pangalawang kissing scene nila kahit na "mas intense" daw iyon sa nauna.

Dagdag ni Julia, panoorin na lang daw ang pelikula para malaman kung anong tinutukoy nila.

Read: Lolo ni Carlos Yulo, bakit di nakasama sa airport salubong?

JOSHUA GARCIA SAID NO TO THE PROJECT IN 2021

Ayon kay Joshua, as early as 2021 ay may pag-uusap na tungkol sa pagbabalik-tambalan nila ni Julia.

Pero tumanggi raw si Joshua na gawin ang proyekto noon.

"Parang di pa yun yung tamang panahon para gawin. So, parehas kami nag-no," pag-amin ni Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Waring nagulat na saad ni Julia, "Nag-no ka nun?"

Sagot ni Joshua, "Di ka ba nag-no? Sorry I am being honest, nag-no ako. Hindi kasi siya perfect... Lalo na after nun may nangyari pa, di ba?"

Nasorpresang reaksiyon ulit ni Julia, "Anong nangyari? Wait, what? Sorry, live tayo, di natin mae-edit ito. Later magka-catch up kami."

"Di pa siya yung tamang panahon," ulit ni Joshua.

Sabay prangkang tanong ni Julia kay Joshua, "Did it still feel a little bit fresh when they offered it to us the first time? Well, yeah, it was just two years later."

Ang tinutumbok ni Julia ay ang hiwalayan nila ni Joshua noong 2019.

"Yeah, fresh pa naman," sang-ayon ni Joshua.

Sabay paliwanag din ni Joshua, "Pero wala pa kasi silang story at the time. Idea pa lang."

Dagdag ni Julia, "They just wanted to know if we were willing na [to work with each other]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong panahong iyon ay nagawa na nila ang pagganap sa madamdaming music video ng "Paubaya" ni Moira dela Torre.

Read: Rufa Mae Quinto 16-year rift with Jessa Zaragoza still unresolved

RIGHT TIME TO WORK TOGETHER AGAIN

Inamin din naman ni Joshua na "perfect timing" na pareho na silang "okay" ni Julia sa kanilang past relationship bago gawin ang pelikula para maayos nilang magampanan ang trabaho.

"Ako, pakiramdam ko, malaking factor na okay kami parehas. Hindi yung parang after ng process namin... Hindi yung pagka-okay na pagka-okay, gawin namin agad.

"I think, kailangan ng isa pang taon para mas maging ready lang," paliwanag ni Joshua.

Sabi ni Julia, kinakailangang handa sila "mentally, emotionally and physically" dahil tungkol sa mag-ex na muling nagkita ang kuwento ng pelikula.

Ang siste, may kaunting pagkakatulad sa pinagdaanan nila sa tunay na buhay.

Paliwanag pa ni Joshua, "For example, may ginagawa tayong scene, yung medyo last part na. Nahihirapan na kami kasi nire-reject na ng katawan namin [yung pain].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi napagdaanan niyo na yan. Katawan na mismo yung dumidepensa sa emosyon. Na kahit gusto namin siya ilabas, di siya lumalabas talaga."

Sabi pa ni Julia, "It was really a journey. But now that we're done, sobra akong grateful kasi pinagtibay din natin yung isa't isa, yung mga difficult times na yun sa set. Alam mo na yun."

Siniguro naman nilang dalawa na wala silang ilangan sa Un/Happy For You.

Sang-ayon ni Joshua, "May times na natsa-challenge kami, tulungan talaga. Kasi siyempre tayo lang naman nasa scene na yun. Di magwo-work yung scene kung isa lang gumagana."

Sa ngayon ay pareho nang may kanya-kanyang lovelife sina Joshua at Julia.

Going strong ang relasyon ni Julia kay Gerald Anderson, habang si Joshua ay masaya na rin sa piling ng golfer girlfriend na si Emilienne Vigier.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia on how he and Julia Barretto helped each other on the set: "For example, may ginagawa tayong scene, yung medyo last part na. Nahihirapan na kami kasi nire-reject na ng katawan namin [yung pain]. Kasi napagdaanan niyo na yan..."
PHOTO/S: Nikko Tuazon / Greeko Junio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results