PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MediaQuest denies Willie Revillame’s show will cease airing

Willie Revillame: "Hindi mahihinto ang programang ito para sa inyo."
by Arniel C. Serato
Published Aug 16, 2024
Producers of Willie Revillame denies axing show on TV5
MediaQuest Holdings Inc., the parent company of TV5, strongly denies "malicious and false reports" about Willie Revillame's Wil To Win game show: "MediaQuest is thrilled to celebrate the first month of Wil To Win with Mr. Willie Revillame through WinQuest Productions, and we extend our gratitude to our advertisers and the Kapatid community across the country and the world."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / MediaQuest website

Tinawag na "malicious" at "false reports" ng MediaQuest ang nagsilabasang balitang hanggang Disyembre 2024 na lamang ang show ni Willie Revillame.

Ngayong hapon ng Biyernes, August 16, 2024, naglabas ng pahayag ang MediaQuest ukol sa balitang baka hanggang katapusan na lamang ng taon ang Wil To Win.

Read: Willie Revillame, napaiyak sa TV comeback

"MEDIAQUEST IS THRILLED TO CELEBRATE THE FIRST MONTH..."

Ayon sa MediaQuest, ang parent company ng TV5, walang katotohanan ang impormasyong iyon.

Katunayan daw, masayang-masaya sila sa pagdiriwang ng Wil To Win ng unang buwang anibersaryo kahapon, August 15, 2024.

Narito ang buong pahayag ng MediaQuest:

"Contrary to malicious and false reports, MQuest Ventures and Mr. Willie Revillame's long-term partnership remains steadfast, committed to spreading happiness and creating winning moments for Filipinos.

"MediaQuest is thrilled to celebrate the first month of "Wil To Win" with Mr. Willie Revillame through WinQuest Productions, and we extend our gratitude to our advertisers and the Kapatid community across the country and the world."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
MediaQuest statement on Wil To Win
Photo/s: Courtesy: Facebook of Wil to WIN

Read: Willie Revillame, nagreklamong nahihirapan na sa Wil To Win

WILLIE REVILLAME STATEMENT ON FALSE NEWS ABOUT WIL TO WIN

Sa pagdiriwang kahapon ng unang buwang anibersaryo sa ere ng kanyang show, nilinaw ni Willie ang tungkol sa mga nagsilabasang balita.

Wala raw katotohanan na hanggang Disyembre na lamang ang kanyang programa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng beteranong TV host: “Huwag kayong mag-alala. Hindi kami papayag na basta-basta mawala ang programang ito.

"Maraming tsismis, isang buwan na lang daw kami, hanggang December. Hindi ho totoo yon.

"Ako ang gagawa ng paraan, hindi mahihinto ang programang ito para sa inyo. Basta gusto namin, masaya kayo.

"Basta lahat ng nagagalit sa akin, lahat ng nayayabangan, naging arogante ako, darating ang panahon, mamahalin ninyo rin kami dito."

WILLIE REVILLAME ON ADMONISHING HIS STAFF

Aminado si Willie sa paminsan-minsan niyang pagra-rant on live television.

Katuwiran niya, gusto lang niyang siguruhing pulido ang maipalabas sa kanilang show.

Aniya: “Maaaring yung iba, hindi ako maintindihan. Nagagalit ako sa ere, pinapahiya ko ang staff.

“Hindi ho yun yon. Gusto kong maging maayos ang programang ito. Dapat tama ang gagawin.

“Marami na akong pinagdaanan. Alam ninyo naman yung pinagdaanan ko. Ayoko nang banggitin lahat yon.

“Kaya sana maintindihan ninyo kung ako ay nagagalit sa ere dahil, una, nire-rehearse namin yan. Bago kayo pumasok dito, nagre-rehearse kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang point ko lang, bakit pa nagkakamali? Ibig sabihin, wala sa puso, wala sa isip mo ang ginagawa.

"Bakit ako, ang dami kong iniisip, hindi lang naman ito? Lahat.

“Bakit nagagampanan ko yung dapat kong gawin?"

Alam daw niya na may mga manonood na hindi gusto ang pamamranka niya sa live television.

"Humihingi ako ng paumanhin sa mga nasaktan. Pero ang akin lang purpose, mapaganda ang programa sa bawat Pilipino na nanonood.

“Tanggap ko yan. Yung naba-bash ako, 'Arogante, mayabang yan, akala mo kung sino.'

"Sabihin ninyo na lahat ng gusto ninyo, malinis ang hangarin namin.

"Gusto kong makapagpasaya, makatulong sa abot-kaya po ng maibibigay namin sa bawat Pilipino.

“Uulitin ko, sa mga basher ko, mahal ko kayo. Sabihin ninyo na lahat nang sasabihin ninyo, okay lang sa akin yan.

"Basta kami, mabuti ang hangarin namin."

Read: Willie, itinangging hanggang December 2024 na lang ang Wil To Win

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MediaQuest Holdings Inc., the parent company of TV5, strongly denies "malicious and false reports" about Willie Revillame's Wil To Win game show: "MediaQuest is thrilled to celebrate the first month of Wil To Win with Mr. Willie Revillame through WinQuest Productions, and we extend our gratitude to our advertisers and the Kapatid community across the country and the world."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / MediaQuest website
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results