Umani ng katakut-takot na batikos mula sa netizens ang naging takbo ng usapan sa Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing nitong nakaraang August 15, 2024.
Pinamumunuan ang kumite ni Senator Robinhood "Robin" Padilla, na isa ring action star.
Nagtanong ang senador sa kanilang panauhing pandangal na si Atty. Lorna Kapunan tungkol sa "sexual rights" ng isang lalaki kung "in heat" siya at ayaw ng kanyang maybahay.

Ano raw ang kanyang magiging pananggalang sakaling ayaw ni misis at pagdating ng panahon ay sasampahan siya ng reklamong "panggagahasa" dahil pinilit siya nito?
Sabi niya kay Atty. Kapunan, "Halimbawa po, Atty., siyempre, hindi mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniwala, lalo kami, ako, meron kang sexual rights sa asawa mo, e.
"So, halimbawa, hindi mo naman pinipili, e, kung kailan ka yung in heat, ano? So, papano yun, pag ayaw ng asawa mo? So, wala kang ibang paraan talaga, para maano yung lalaki?
"So, paano? Mambabae ka na lang ba? E, di kaso na naman yun.
"Ano ang puwede mong sabihin sa asawa mo na wala sa batas? Paano naman ako? Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?
"Paano ako? Na puwede niyang gawin na nasa batas na wala naman siyang…
"Wala kaming choice bigla, ganun na lang, matulog ka na lang? Ganun?"
Malumanay na paliwanag ng abogado, "Kung minsan kasi, yung 'no' naman ng babae, hindi naman ano, hindi naman arbitrary.
"For instance, puwede ka… Kagaya ng, well, yung instance na lasing yung asawa or under the influence of drugs at gustong makipag-sex with the wife, ano.
"Siyempre under that circumstance, nagiging violent. Hindi out of love."
Read: Sen. Robin Padilla: "Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?"
ROBIN PADILLA: "Wala akong sinabi na ok na pilitin ang asawa..."
Sa kanyang Facebook page kagabi, August 16, 2024, nagpaliwanag si Robin tungkol sa kanyang pagpapakatotoo sa isyu.
Sangkot din sa kanyang paniniwala ang mga usapin kung ikaw ay isang Kristiyano o Muslim.
Isang Muslim si Robin.
Published as is, sabi niya, "Una sa lahat wala akong sinabi na ok na pilitin ang asawang babae sa pagtatalik
"San po ba don sa pagdinig?
"Pangalawa, ang sabi ko Paano kaming mga lalaki na naniniwala sa sexual rights kapag kami ay in heat
"Not drunk
"Not violent
"Not under influence of any drugs or liquor
"Plain love and lust
"Pangatlo, bakit po namin nasabi na sexual rights
"Ito po yun
"Lumaki po ako sa biblia
"Malinaw po don na ang babae ang nagpapasakop sa lalaki
"Paul’s teaching on sex within marriage is extraordinary. He says that husband and wife should give one another their conjugal rights (1 Cor. 7:3). Each has a right to enjoy sex and each has an obligation to help the other enjoy sex as well. Both spouses should receive joy and pleasure in a healthy sexual relationship. Husbands and wives should view the marriage bed in such a way that each spouse both gives and receives in the sexual union.
"Sa isang muslim
"In Islam, the husband should have intercourse with his wife according to what satisfies her, so long as that does not harm him physically or keep him from earning a living.
"The husband is obliged to treat his wife in a kind and reasonable manner. Part of that kind and reasonable treatment is intercourse, with tradition stipulating that couples should not forego intercourse for longer than four months, though some prominent scholars have prescribed a more stringent minimum frequency of sexual intercourse as a religious obligation for husbands; Ibn Hazm prescribed once a month and Al-Ghazali prescribed once every four days.According to other scholars, there is no time limit.
"However, most scholars say that it is obligatory on women alike not to refuse their husbands if they call them, so long as the woman who is called is not menstruating or sick in such a way that intercourse will be harmful to her, or observing an obligatory fast. If she refuses with no excuse, then she is cursed."
Read: Aljur Abrenica, AJ Raval spotted at an event with a young girl
ROBIN PADILLA: "MAKINIG SA MGA RESOURSE SPEAKER"
Kasunod nito ay ipinaliwanag ni Robin ang tanong niya tungkol sa pakikipagtalik.
Ang nais lamang daw niya ay maging malinaw kung paano mairaraos ang seksuwal na pangangailangan ng isang lalaki na hindi naman masasabing pinilit niya ang kabiyak.
Dagdag niya, "Kayo po ay mambabatas din at palagay ko naman batid niyo ang ibig sabihin ng pagdinig / hearing
"Makikinig sa mga resource speaker
"Paano ako Makikinig kung hindi ako magtatanong
"Paano sila magsasalita o magiging speaker kung ako ang magpapaliwanag
"Bakit pa ako Kumuha ng resource speaker at nagtatanong po ako bilang ang guest ko ay lawyer hindi pastor o imam
"Siya ang makakasagot sa tanong ko kung Ano ang sinasabi ng batas ng tao sa marital obligation.
"Hindi nga rape ang punto ko
"Ang punto ay kung Ano ang puedeng gawin ng asawang lalaki para maging legal ang paghingi ng sex ng isang lalaki at hindi maging rape
"Wala akong sinabi na ok ang pilitin ang babae
"Hindi lahat ng Tao ay maka estado"
Ipinaliwanag din niyang medyo mayroon nang pagkakaiba ang itinuturo ng Bibliya sa mga umiiral na batas ngayon.
Aniya, "Very religious ang mga Pilipino Iba po kasi ang katuruan ng religion at state
"Para po maging maliwanag sa taong bayan na ang family code ng 1988 ay hindi na ay sumasangayon sa sinasabi ng biblia.
"Icheck po ninyo ang binago ng 1988 family code
"Baka hindi po niyo napanood ng buo ng tinalakay namin ng panauhin na abogado ang patungkol sa pro simbahan ng family code bago ito binago ng estado nong 1988
"Wala po kayong dapat ipag alala sa aming paniniwala dahil kasama rin po sa aming paniniwala ang hindi pagpilit sa asawang babae sa pagtatalik"
Ayon pa dito, sa kawikaan ng Bibliya, tungkulin ng asawang babae ang pagbigyan ang asawang lalaki.
Saad niya pa, "In Christianity
"The husband should fulfill his marital duty to his wife, and likewise the wife to her husband... Do not deprive each other except by mutual consent for a time, so that you may devote yourselves to prayer. Then come together again so that Satan will not tempt you because of your lack of self-control" (1 Cor 7:3, 5).
"In Islam Forcing a wife to have sexual intercourse is a transgression and an act that disrespects the body, mind and emotions of the wife.
"Chairman po ako Commitee on public information
"Trabaho ko po ang palaganapin ang batas na umiiral sa bayan
"Maraming salamat na rin po sa pagsuporta sa pagpapalaki ng isyu
"Kailangan lamang po ninyo linawin ang posisyon niyo
"Wag po kayong mag alala
"Ako po ay may resolution din na in aid of legislation
"Ang mga sexual harassment, abuse at rape ng New Peoples Army na ang biktima ay Gabriela."
Read: Meet Hazel Calawod, Carlos Yulo's sports occupational therapist
ROBIN, wife MARIEL PADILLA "IN HEAT" in COMMENTS SECTION
Bilang suporta sa asawa, nagbahagi si Mariel Padilla ng kissing photo nila ni Robin.
Kuha ito sa selebrasyon ng ika-40 kaarawan ni Mariel nitong nakaraang August 10, 2024.
Sabi ni Mariel sa caption, "Oh may consent yan ah (face blowing a kiss emojis)"
Nagkomento dito ang asawa at sinabing nag-iinit na siya.
Sabi niya, "Hello babe I’m in heat (fire emojis)"
Walang kaabug-abog na sagot ni Mariel, "Robin Padilla its a tie… i’m feeling hot hot hot (woman dancing emojis)"

Read: Lolo ni Carlos Yulo, bakit di nakasama sa airport salubong?
