Naka-relate si Chloe San Jose sa post ng fellow content creator na si Lady Denily Digo.
Sa kanyang Facebook post kasi ay inilahad ni Lady ang maling akala ng karamihan sa buhay ng mga atleta at partners ng mga ito.

Si Lady ay asawa ng Filipino boxer na si Hergie Bacyadan, na kabilang sa atletang Pinoy na lumaban nitong nakaraang 2024 Summer Olympics sa Paris, France.

Read: Nesthy Petecio: The boxer who was told, "Wag ka diyan, babae ka"
Transgender si Hergie, samantalang kilalang bisexual naman si Lady.
Ikinasal sina Lady at Hergie sa pamamagitan ng Zoom video call nung Nobyembre 23. 2022, na pinamunuan ng isang opisyal na nakabase sa Utah, U.S.A.
Samantala, Si Chloe naman ay kasintahan ng gymnast na si Carlos Yulo na nag-uwi ng dalawang medalyang ginto para sa Pilipinas nitong 2024 Summer Olympics.
Read:
Carlos Yulo takes home the gold in Olympic men's floor exercise
Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines
THE HARD TRUTH ABOUT ATHLETES AND PARTNERS
"BEING A PARTNER OF AN ATHLETE IS NOT EASY!"
“Pera lang habol niyan”
“Kasalanan mo kasi kaya natalo eh”
Ito ang bungad ni Lady sa kanyang Facebook post na sa kasalukuyan ay mayroon nang 913 comments at 121 shares.
Dagdag ni Lady (published as is), "Una’t sa lahat, di po marami ang pera ng atleta ng Pilipinas????
"Kelangan po nila maka-medal para magkaron ng mediyo disenteng allowance.
"Kulang pa po para sa mga supplements, proteins & nutritious food na need nila monthly.
"If magkaron man po sila ng incentives, di naman din po ganon kalakihan unless world competition yan just like Olympics.
"Pero dekada ang kelangan mo bago ka makarating sa Olympics."
At kung malaki ang naitutulong ng coaches at trainers sa pisikal na pangangatawan at paghasa ng skills ng isang atleta, hindi rin daw matatawaran ang naibibigay na tulong ng kasintahan o asawa ng atleta para sa humusay ito sa kinalalahukang sport.

"Pero malaki po ang role ng partners nila para sa psychological support at mas maging mentally strong & emotionally prepared sila sa bawat laban," pahayag ni Lady.
"Kaya partner po nila ang in-charged diyan."
Magkatuwang daw nilang sinusuong ang "emotional rollercoaster" at "highs of victories" at "lows of defeats" na karaniwang nararanasan ng isang atleta matapos ang kumpetisyon.
"Pero we need to act strong kasi di kame pwede maging mahina sa harap ng mga partners namen, kasi samen sila humugot ng tapang," paliwanag ni Lady.
Dugtong pa niya, "Essential ang role namen bilang partner because their body should be as strong as their mind and this requires a strong support system coming from their partners."
Malaking hamon din daw ang kawalan ng oras ng atleta sa kanilang partners dahil sa higpit ng schedule ng mga ito sa training.
"Minsan birthday, pasko or anniversary, wala sila kasi bakbak sila sa training.
"So madalas, mag isa kame sa mga lakad at mga importanteng okasyon."
Idiniin din ni Lady na sariling pera nila ang ginagastos nila para makasama sa mga out of town games at international competitions na sinasalihan ng mga atleta.

Bukod sa ticket at pamasahe ay kasama rin sa sariling gastos nila ang accommodation at pagkain dahil hindi ito covered ng allowance ng manlalaro na ibinibigay ng Philippine Sports Commission o PSC.
"Hahaha wala naman ako pinaglalaban, naawa lang ako sa mga partners na nahuhusgahan," himutok ni Lady.
"Marami sakripisyo, haba ng pasensya at matinding suporta ang binibigay namen sa mga partner namen na atleta, Kaya wag kayong judgemental."
CHLOE SAN JOSE REACTS
Shinare naman ni Chloe sa Facebook niya ang mahabang post ni Lady.
Read: Chloe San Jose being pitted against Caloy Yulo's coach-therapist
Reaksyon ni Chloe: "couldn't be more accurate, thank you for this ate Hergie & Lady."
Hindi kaila sa marami na umani ng batikos at panghuhusga si Chloe sa publiko dahil sa relasyon nito kay Carlos.
Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline
Dahil sa pambihirang panalo ni Carlos ay dumagsa rin ang premyo nito mula sa gobyerno at pribadong sektor.
At dahil sa hindi maayos ang relasyon ni Carlos sa kanyang ina dahil diumano sa usaping may kinalaman sa pera ay agad na ibinaling ng marami ang atensyon kay Chloe.
Read: Angelica Yulo, paano matatanggap ang girlfriend ni Carlos Yulo?
Hinala ng iba ay bad influence diumano ito kay Carlos, at tiyak na makikinabang ito sa kasikatan at pera na inaani ni Carlos.
Read: Chloe San Jose replies to spotlight-hogger accusation of netizen
Samantala, nagpadala naman ng suporta ang ilan para kay Chloe matapos nitong ishare ang post ni Lady.
"It's easy for people to bash because they don't know what you're going through, they don't know the sacrifices and love you have for your partner. I admire you because you're so brave. It's not easy, but I know you'll get through it! You got this, Kulowi!" komento ng netizen.
Hirit naman ng isa: "You were judged differently by the people Chloe, Caloy loves you cos you are a good person.
"I hope the rift between the family will be heal. And I hope you will be the bridge of Caloy and family reconciliation.
"If the mother doesn’t like you, just be nice to her. For sure matatanggap ka rin nya in the future at maiisip nila mali ang naging judgement nila sayo."