Dinepensahan ni Heart Evangelista ang pagpapasuot niya ng multi-million-peso worth luxury-brand necklace sa kanyang alagang aso.
Noong nakaraang linggo, ipinost ng actress and fashion influencer sa Instagram ang larawan ng kanyang alagang asong si Panda na suot ang Serpenti Viper necklace mula sa luxury jewelry brand na Bulgari.
Ang presyo ng high-end necklace ay tumataginting na PHP11 million.
Sa comments section, nagsunud-sunod ang batikos ng netizens kay Heart.
Sa isang punto, sinabi ng ibang netizens na “disrespect” daw ito sa craftmanship ng kilalang fashion brand na pinasuot sa kanyang alaga.
Marami rin ang pinaratangan siyang “insecure” at gumawa umano ng “shade” o patama kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na napiling Philippine brand ambassador ng Bulgari noon lamang June 2024.
Read: Bulgari hosts exclusive dinner for Pia Wurtzbach
Ang suot na kuwintas ng aso ni Heart ay inihambing sa suot na Serpenti emerald and diamond necklace ni Pia sa kanyang post noong June.
Ang kuwintas ni Pia ay tinatayang nagkakahalaga ng 220,000 Swiss francs - 325,000 Swiss francs, o katumbas ay PHP14 million – PHP21 million, ayon sa international auction house na Sotheby's.
Ang ipinasuot na kuwintas ni Heart sa kanyang aso at ang necklace ni Pia ay kabilang sa Serpenti collection ng Bulgari.

Hindi rin kaila ang pagbabangga sa kampo nina Heart at Pia kasunod ng paglipat ng glam team ng Kapuso actress sa beauty-queen-turned-influencer earlier this year.
Read:
- Is this Pia Wurtzbach's comeback to Heart Evangelista’s “Don’t Give The Enemy A Seat At Your Table” post?
- WHAT PEP KNOWS: Pia Wurtzbach glam team "no hold departure order"; bumped off from two flights
HEART EVANGELISTA reacts on necklace on panda
Nitong weekend, nag-Instagram Live si Heart at nagsalita ukol sa kuwintas na ipinasuot sa alagang aspin.
Malinaw na nakarating kay Heart ang batikos sa kanya dahil sa Bulgari accessory na ipinasuot sa alagang si Panda.
Katuwiran ng aktres, “I own the necklace, you know. I can do whatever I want, then pull it out.
“Basically, Panda owns the necklace. So, hindi siya loan. So, she can do whatever she wants with it.”
Sa isa pang punto ng IG Live, ipinagmalaki pa ni Heart ang Fendi collar na suot ng aso.
Sabi pa ni Heart, “So, Panda is my most spoiled baby girl. So, I [don’t] understand why people are making it such ano… that I put diamonds on her…”
Katuwiran ni Heart, mainam daw ipasuot sa kanyang alaga ang mamahaling mga alahas.
Sabi niya, “Actually, she’s the best person to put diamonds on. You know why? Because she’ll bite you if you go near her. So, hindi puwedeng manakaw.
“So, sometimes I do that also, I put diamonds on her and that’s fine because hindi siya puwedeng makuha kasi mananakawan kayo ng daliri.”
Rason pa niya sa tulad ni Panda na rescued dog, “These are aspins or rescued dogs, they deserve the world…
“So, we’d like to alleviate their look, and, why not? I mean, siya naman ang totoong tagapagmana.
“Minana niya yon. So, she can do whatever she wants. I don’t understand what the deal is, like, di ba?” pagtukoy sa alagang si Panda.
Kasunod nito ay kinausap ni Heart si Panda.
Sabi nito sa alaga, “Bakit di puwedeng magsuot ng Fendi? Bakit hindi puwedeng magsuot ng diamonds?
“Ba’t mo pagbabawalan yan, e, di naman niya pinull out yon, pagmamay-ari naman niya yon, di ba, anak?
"Pan, di ba, di ba? Inaaway niyo siya. Bakit niyo inaaway si Panda?”
Sundot pa ni Heart, “Oo naman, ‘no, royalty kaya yang si Panda.”
Halatang may nais ipunto si Heart sa kanyang pahayag dahil makikita rin sa kanyang IG Stories ang sunud-sunod na pagre-repost niya ng posts ng netizens na pinasuot ng branded jewelries, collars, and ribbons ang kani-kanilang alagang aso at pusa.
