PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7 categorically denies Gerald Santos was "pinag-initan," "na-ban"

GMA-7 addresses Gerald Santos claim he was banned by network.
by Bernie V. Franco
Published Aug 20, 2024
GMA Logo and Gerald Santos
GMA Network, through its Legal Department, answers Gerald Santos's allegation point for point regarding his sexual harassment complaint against a musical director he worked with during his early years in the TV network.
PHOTO/S: GMA / Gerald Santos via YouTube

#GeraldSantosControversy3 #PEPCoverage

Trigger Warning: Mention of sexual harassment, sexual abuse

Isa-isang sinagot ng Legal Department ng GMA-7 ang mga alegasyon ni Gerald Santos, 33, na isiniwalat ng singer sa YouTube vlog nito noong August 8, 2024.

Part 2 ito ng mga rebelasyon ni Gerald kaugnay ng sinasabi niyang sexual harassment na naranasan niya sa kamay ng isang musical director ng sinalihang singing competition sa GMA-7 noong 2005-2006.

Si Gerald ay 15 anyos lang noon.

Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15

Ang mga alegasyon ni Gerald ay pumapasok sa formal complaint na idinulog niya sa GMA management noong 2010.

Ipinadala ng Legal Department sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang sagot ngayong Martes ng umaga, August 20, 2024.

GMA ASSERTS IT ADDRESSED GERALD'S 2010 COMPLAINT IMMEDIATELY

Unang nilinaw ng GMA Network ang alegasyon ni Gerald na "napapag-initan" siya at hinaharang ang dapat sana'y mga proyekto niya matapos niyang magsumite ng formal complaint sa management noong 2010, hanggang sa "ni-release" siya ng GMA dahil ginusto niya ito noon ding 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gerald Santos: “It took four years for me to speak up about this issue, kasi nga po lumala na po nang lumala yung panggigipit po sa akin sa Network.

“Nung ako po ay continuous na nagre-refuse dito sa taong ito, ng kanya pong mga advances sa akin, ay palala po nang palala yung aking nagiging situation sa Network.

“Unti-unti ay nararamdaman ko po talaga na ako po ay napapag-initan.

“At yung aking pong mga supposed to be na mga projects ay nahaharangan po, especially yung mga theme songs ng teleserye, dahil ultimately ako po ay singer.”

GMA: First of all, ang diumanong insidente na tinutukoy ni Gerald Santos ay naganap noong December 2005. Hindi po ito naganap sa programa o event ng GMA. Hindi rin po dumaan sa GMA Artist Center ang naturang event.

Walang katotohanan ang sabihing pinag-initan si Gerald Santos sa loob ng Network, pati ang sinasabi niyang paghaharang ng mga supposedly proyekto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung pinag-initan siya, sana hindi na siya nanalo at naging champion. Kung totoo ang sinasabi niya na napaka-powerful nung taong yun at galit na galit sa kanya, di sana hindi na siya nanalo.

Pagkatapos niya manalo, magkakasunod ang mga proyekto niya sa GMA.

We cast based on merit and performance.

Also, the person he is referring to that he allegedly refused the advances of has no power in casting in the show where he was contracted in, and no power at all to influence his casting in other GMA shows and projects.

Read: Gerald Santos on why he is speaking up amid Sandro Muhlach issue

Gerald Santos: "Nung dinulog po namin ito sa itaas, sa pinakamataas na management ng GMA, according to them they will conduct an investigation about the issue."

GMA: "Mabilis na inaksyunan ng GMA ang complaint ni Gerald. Agad itong nagsagawa ng imbestigasyon matapos matanggap ang reklamo niya noong 2010.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Matapos na mapag-aralan ang lahat ng panig, agaran ding ipinatupad ng Network ang nararapat na parusa sa inakusahan.

"Tinerminate ng GMA ang kontrata ng inakusahan noong June 2010, at hindi na rin siya muling kinuha o binigyan ng trabaho pagkatapos nito."

Gerald Santos: "And while still investigating, maybe for just two to three months, ako po ay ni-release ng GMA."

GMA: "Importante ring linawin ang sinasabi ni Gerald na 'And while still investigating, maybe for just two to three months, ako po ay ni-release ng GMA.'

"Siya mismo ang humiling ng early release noong 2010 mula sa kanyang management contract, na pinagbigyan naman ng Network.

"Lumalabas pa siya noon sa Sunday show ng GMA. Nasa amin lahat ng sulat at records para magpatunay nito. At matapos nito ay agad din siyang lumabas sa TV5.

"Noong May 2013, nagpadala pa sila ng manager niya ng sulat sa Network na nagsasabi na nag-expire na daw ang contract nila sa TV5 ng April 2013 at bukas daw sila na magtrabaho muli sa GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GMA ON GERALD'S CLAIM HE WAS BANNED BY GMA

Sinagot din ng network ang pahayag ni Gerald na na-ban siya sa Entertainment Group ng GMA-7 noon at hindi binigyan ng trabaho.

Gerald Santos: "And sabi ko nga po, parang ako po ay banned.

"May mga nagsasabi na nakapag-guest naman daw ako sa GMA.

"Actually from 2010 to 2024, maybe ang aking naging guesting lamang po sa GMA ay nasa apat or lima.

"And dahil po yan sa news department. Nakakapag-guest po ako sa news department or sa mga game shows, hindi po sa entertainment department.

"Dahil diyan po sa entertainment department, diyan po yung may mga nabangga po ako."

GMA: "Walang katotohanang banned siya sa GMA. Dahil na nga rin lumipat na siya sa ibang istasyon, natural lang din na hindi na siya ang priority ng GMA pagdating sa mga programa nito.

"Lumabas siya sa Family Feud na Entertainment Program, na- feature din siya sa 24 Oras at sinali din siya sa Himig ng Pasko nung 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi siya banned ngunit wala na rin naman kaming responsibilidad na ilagay siya sa mga programa namin dahil wala na kaming kontrata sa kanya. Pero nakakapag-guest naman siya."

Gerald Santos: "After kong matanggal sa SOP, sa Party Pilipinas, ako po ay napapunta sa Walang Tulugan, kay Kuya Germs.

"At masasabi ko po na isa si Kuya Germs sa mga nakipaglaban po sa akin. Siya lamang po yung nag-go against the flow kahit na ang dami pong galit na galit sa akin noon sa network."

GMA: "For the information of all, ang show po ni Kuya Germs na Walang Tulugan ay under GMA Entertainment din.

"So hindi totoo na hindi siya lumalabas sa mga programa ng Entertainment Group.

"Kung talagang powerful at galit na galit sa kanya ang mga taong sinasabi niya, sana pati kay Kuya Germs wala siya."

GMA OFFICIAL STATEMENT

Una nang naglabas ng official statement ang GMA-7 matapos magbigay ng testimonya ni Gerald sa Senate hearing nitong Lunes, Agosto 19, 2024. Ito ang buong pahayag ng GMA Network:

“Naninindigan ang GMA Network laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi kinukunsinti ng GMA ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga artista, personalidad, empleyado, independent contractors, at iba pang stakeholders nito.

“Alinsunod dito ang naging aksyon ng network matapos nitong matanggap ang formal complaint ni Gerald Santos noong 2010.

“Agad nagsagawa ng imbestigasyon at matapos nito ay agaran ding ipinatupad ng network ang nararapat na parusa sa inakusahan.

“Tinerminate ng GMA ang kontrata ng inakusahan, at hindi na rin siya muling kinuha o binigyan ng trabaho pagkatapos nito.

“Ngunit ang nilalaman ng formal complaint na inihain ni Gerald noong 2010 ay naiiba sa akusasyon niya ng rape na binanggit niya sa Senado.

“Ngayon lang din nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng GMA ang bagay na ito.

“Nais ding linawin ng GMA ang naging pahayag ni Gerald na natanggal siya sa network.

“Siya mismo ang humiling ng early release mula sa kanyang management contract noong 2010, na pinagbigyan ng GMA.

“Sa parehong taon ay agad din siyang lumabas sa ibang TV network. Dagdag pa rito, sumubok ding bumalik si Gerald sa GMA matapos ang kanyang kontrata sa TV5 noong 2013.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: GMA-7, naglabas ng statement sa mga alegasyon ni Gerald Santos

gma statement on gerald santos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Network, through its Legal Department, answers Gerald Santos's allegation point for point regarding his sexual harassment complaint against a musical director he worked with during his early years in the TV network.
PHOTO/S: GMA / Gerald Santos via YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results