PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo elated about working with Kapuso A-listers

"Talagang nakikita mo yung growth nila..."
by Rommel Gonzales
Published Aug 24, 2024
dennis trillo
Dennis Trillo considers himself lucky working alongside some of the Kapuso network's A-listers, including Alden Richards, David Licauco, Barbie Forteza and Sanya Lopez, in the historical drama Pulang Araw. He remarks, "Feeling mo, ka-level ka rin nila."
PHOTO/S: @dennistrillo on Instagram

Gumaganap si Dennis Trillo bilang si Colonel Yuta Saitoh ng Japanese Imperial Army sa Pulang Araw, na kinabibilangn rin nina Barbie Forteza as Adelina dela Cruz, Sanya Lopez as Teresita Borromeo, David Licauco as Hiroshi Tanaka, at Alden Richards as Eduardo dela Cruz.

dennis trillo pulang araw
Dennis Trillo in Pulang Araw
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Dennis, kumusta bilang katrabaho ang apat na stars?

Buong kababaang-loob na sinabi ng aktor, “Masarap yung pakiramdam na makatrabaho yung mga superstars, di ba? Feeling mo ka-level ka rin nila.

“Lalo na masarap makatrabaho ang isang Alden Richards, first time ko siyang nakatrabaho.

"Makikita mo talaga yung passion niya every time magkaeksena kayo, yung energy niya, energy level niya, parang hindi siya napapagod, e."

Bulalas pa ni Dennis,“Talagang ibang klase din si Alden Richards.”

At mabilis niyang idinagdag, “At siyempre, si Barbie at David, lalo na si Sanya.

Masaya ako na makatrabaho sila ulit dahil nakatrabaho ko na sila noon, pero habang lumilipas yung panahon talagang nakikita mo yung growth nila.

“Si David, lalo na, talagang lagi rin niyang ini-improve yung sarili niya, malaking improvement na yung nakita ko sa kanya simula noon hanggang ngayon.”

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
dennis trillo
Photo/s: @dennistrillo on Instagram

Dennis admits LESS BONDING MOMENTS with PULANG ARAW co-stars

Kapag break sa set ng Pulang Araw, may bonding moments ba sila ng mga kapwa niya artista?

Lahad ni Denns, “Ako kasi pag nasa set talagang nandun lang ako sa tent, nagbabasa lang ng script.

Talagang hindi ko nilulubayan, kasi kapag may ginawa akong ibang bagay nakakalimutan ko na siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, ayun, pag nasa set talagang hindi ako masyadong nakakapag-bond.

"Ngayon lang naman, p
ero dati nung mas madadali yung mga eksena sa ibang programa.

"Pero ngayon, parang wala akong masyadong bonding moment sa kanila, sa set na lang pag nag-i-eksena na.”

DENNIS CHERISHES ROLE IN historical drama

Historical ang tema in Pulang Araw sa direksyon ni Dominic Zapata at napapanood weeknights sa GMA Prime.

Ano ang masasabi ni Dennis na bahagi siya ng Pulang Araw?

Aniya, “Well, natutunan ko dito, ayun nga, bukod doon sa napakahirap na experience ng mga Pilipino nung panahon na yun.

“Siyempre ayaw na natin mangyari yun, kaya iyon siguro, yung pag-iwas sa mga giyera sa buhay.

"Maging peace-loving tayong mga tao, pahalagahan natin lahat ng mga tao sa paligid natin.”

Si Dennis ba ang gumagawa ng mga stunts niya sa teleserye?

Wika niya, “Well, so far, ano pa lang naman, wala pa talaga yung mga mahihirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, halos lahat naman ako pa yung gumagawa, parang wala pa akong nakikitang stunt double ko.

“So iyon, abangan na lang natin kasi mayroong eksena na kukuhanan kami sa giyera talaga.

"So, doon pa lang siguro talagang magiging maaksyon yung mga eksena.”

Papayagan ba ni Dennis na panoorin ng mga anak niyang si Calix ang Pulang Araw, gayung salbahe ang papel niya sa serye?

Panganay ni Dennis si Calix, magsi-seventeen years old sa Setyembre at anak niya sa dating karelasyon na si Carlene Aguilar.

“Well, ako ni-recommend ko siya dun sa anak ko kasi high school siya, e. So, makaka-relate siya dun sa tema ng history nung mapapanood niya.

Actually, yung Maria Clara at Ibarra pinanood niya din yun, dahil time din na pinag-aralan nila yung Noli Me Tangere nung pinalalabas yun.

“At ngayon, itong Pulang Araw siyempre ire-recommend ko rin sa kanya dahil wala rin siya masyadong alam dun sa mga nangyayari ng panahon ng Hapon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti na mamulat siya dun sa mga katotohanang naganap noon, maganda man o hindi maganda, pero yun talaga yung history, e.

“Iyon yung bumuo sa pagkatao natin e, kaya tayong mga Pilipino ngayon may sariling kalayaan.”

DENNIS ON EMBRACING HIS KONTRABIDA ROLE

Ano sa palagay ni Dennis ang magiging reaction ni Calix pag nakita nito ang karakter niya sa Pulang Araw?

“Siyempre medyo matatakot siguro siya ng konti, kasi talagang wala pa talaga ako nakikita na matinong ginawa nung character ko dun,” pakli ni Dennis.

“Pero sobrang proud ako dahil talagang… talagang binigay namin talaga lahat nung oras namin para paghandaan na maging maganda lahat ng dialogue at yung pagbuo ng character.”

Maraming umiidolo kay Dennis, na sanay siyang nakikita na positibo ang ginagampanang mga papel sa telebisyon at pelikula.

Pero heto nga at kontrabida siya sa Pulang Araw ng GMA, ano sa palagay niya ang magiging reaction ng kanyang mga fans tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro madadala lang nila sa mapapanood nila dun sa character na ginampanan ko ay yung determination niya na makamit o makuha yung isang bagay.

“Siguro iyon lang yung nakikita ko sa ngayon, sa lahat ng mga nagawa naming eksena.

"Yun lang... iyon lang talaga sa ngayon.”

dennis on HIS SECRET TO LOOKING GOOD AND YOUTHFUL

Mabigat din ang role ni Dennis bilang family man sa totoong buhay.

Stepfather siya ni Alex Jazz, sixteen years old, na anak ng misis niyang si Jennylyn Mercado sa dati nitong karelasyong si Patrick Garcia.

Bunsong anak naman nina Dennis at Jennylyn si Baby Dylan, two years old.

Sa kabila ng kanyang pagiging busy sa pamilya at sa trabaho, kapansin-pansin ang pananatili ng kaguwapuhan at kabataan ni Dennis. Ano ang sekreto niya?

Napangiti ang aktor bago tumugon, “Siguro yung pagkakaroon ng… pagiging kuntento mo sa buhay.

Maging kuntento ka kung anong meron ka, maging masayahin ka, maging positive ka sa lahat ng bagay. Always look at the brighter side of life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo considers himself lucky working alongside some of the Kapuso network's A-listers, including Alden Richards, David Licauco, Barbie Forteza and Sanya Lopez, in the historical drama Pulang Araw. He remarks, "Feeling mo, ka-level ka rin nila."
PHOTO/S: @dennistrillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results