PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong finds hosting The Voice Kids "emotionally difficult"

Dingdong Dantes looks forward to the "chemistry and bardagulan" of the coaches.
by Arniel C. Serato
Published Sep 17, 2024
Dingdong Dantes on hosting The Voice Kids
The Voice Kids host Dingdong Dantes on contestants leaving the show: "The best that we can do is just really comfort them and assure them that this is not the end of their dreams. Marami pa pupuwedeng mangyari and maaaring siguro isang magandang experience ito para sa kanila na makapagtanghal sa entablado."
PHOTO/S: Arniel Serato

Nagsimula nang umere ang The Voice Kids sa GMA-7 nitong nakaraang Linggo, September 15, 2024.

Ayon sa host ng singing search na si Dingdong Dantes, maraming dapat abangan ang viewers sa show.

"Napakarami. Coming from the success of the previous season, nakita natin kung gaano siya magiging exciting in all aspects.

"Dahil nakita natin siyempre yung chemistry and bardagulan ng ating mga hosts [coaches].

"Pero right now, siyempre mayroon tayong bagong [coaches] kaya very exciting to see yung sagutan nila, papaano nila pupunuin yung bago nilang aalagaan.

"But more importantly, looking forward tayo dito dahil kids nila."

Ang mga coach ng The Voice Kids ay sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at Pablo at Stell ng SB19.

Ayon kay Dingdong, iba ang dating kapag mga bata na ang pag-uusapan dahil sa murang edad ay makikita na ang direksiyon ng pangarap na nais nilang tahakin.

"Di ba, nakita natin kung papaano yung dynamics nung previous season?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ngayon, mas magiging interesting siya dahil pag bata na ang involved, iba talaga yung nagiging emotion, e.

"Iba yung nagiging affinity natin sa pinapanood natin lalung-lalo na kapag nakikita natin at nararamdaman natin yung kanilang sincerity, nararamdaman natin yung kanilang eagerness na makamit talaga yung pangarap nila, na maging isang singer.

"So, para sa akin, ito yung ultimate na aabangan talaga natin."

Read: Dingdong Dantes turns down movie offer for MMFF 2024

DINGDONG DANTES: "this is not the end of their dreams."

Ayon pa kay Dingdong, hindi madali ang pagiging host ng The Voice Kids dahil mga bata ang sangkot sa timpalak.

Kaya hindi raw niya masasabing napaghahandaan o pinaghahandaan niya ito.

Pero may kaunti na rin daw siyang idea sa mangyayari lalo pa't may mga bata na ring sumali noon sa The Voice Generations.

Sabi ng Kapuso actor-TV host, "Sa tingin ko, never ka magiging handa talaga sa mga ganitong klaseng sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit nung experience ko sa last season, merong mga kids na rin kasi na sumali.

"Unfortunately, wala masyadong nakapasok talaga, umabot hanggang dulo.

"So, doon pa lang may snapshot ka na sa anong pupuwede mangyari kapag The Voice Kids.

"And talagang, emotionally, ano siya, emotionally difficult.

"Because, siyempre, ang gusto natin, especially sa mga bata ay makamit talaga nila yung pangarap.

"Ayaw natin natin ma-disappoint sila. At yun yung mga nangyayari talaga backstage.

"Kaya, kung paano ako maghahanda sa paparating sa Blinds, hindi ko talaga alam.

"I guess, yun talaga yung isang bahagi ng show na alam natin kailangan mangyari.

"Pero, the best that we can do is just really comfort them and assure them that this is not the end of their dreams.

"Marami pa pupuwedeng mangyari and maaaring siguro isang magandang experience ito para sa kanila na makapagtanghal sa entablado."

Kaya importante raw talaga ang gabay ng mga coach na sina Billy, Julie Anne, Stell, at Pablo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
The Voice Kids host and coaches
Photo/s: Arniel Serato

Read: Julie Anne San Jose: the lone female coach in The Voice Kids

Saad ni Dingdong, "And I think, yun yung magiging role talaga ng ating mga coaches na maipaliwanag sa kanila that, you know, this is a journey.

"This is an experience that not everybody will have.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero, in the process of doing all these, marami kang matututunan sigurado.

"Lalung-lalo na bilang isang bata."

Mapapanood ang The Voice Kids tuwing Linggo ng 7:05 P.M. sa GMA.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Voice Kids host Dingdong Dantes on contestants leaving the show: "The best that we can do is just really comfort them and assure them that this is not the end of their dreams. Marami pa pupuwedeng mangyari and maaaring siguro isang magandang experience ito para sa kanila na makapagtanghal sa entablado."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results