Sapul sa isang kuhang video ang pagpigil ng isang lalaki sa pinaghihinalaang snatcher ng cellphone sa San Pablo, Laguna.
Napag-alaman na ang lalaking pumigil sa suspek ay isa palang mixed martial arts (MMA) fighter, former Pinoy Big Brother housemate, at naging kinatawan ng Pilipinas sa isang international male pageant.
Ito ay si John Adajar.
Nangyari ang insidente noong August 26, 2024.
Nakunan sa video si John na nakadagan sa nakadapang suspek hanggang sa dumating ang police patrol car.

JOHN adajar pins SUSPECTed snatcher DOWN
Kuwento ni John, nasa loob siya ng isang coffee shop sa San Pablo nang marinig niyang may nagkakagulo sa labas ng establishment.
“Nalaman ko na there is a snatcher,” sabi ni John sa ulat ng Frontline Pilipinas noong September 15, 2024, Linggo.
Nang maabutan ang suspek, pinigilan at hinawakan daw ni John ang mga kamay nito habang nakadapa sa kalsada.
“When I came sa scene… yung lalaki na humahabol sa snatcher sinabi doon sa tricycle driver na pababain because snatcher daw.
“So, this guy [suspect], bumaba siya ng tricycle and then he ran away.”
Sinundan daw ni John ang suspek, na umamba na tila may bubunutin.
Iyon daw ang naging hudyat ni John para pigilan ang suspek gamit ang kanyang nalalaman sa self-defense.
Lahad ng former PBB housemate, “So what I did, binilisan ko na yung takbo ko, and then I tackled him, took him down, and then pinned him, and then waited for the police.”
Matapos mapigilan ang suspek, makikita sa video ang babaeng nabiktima ng snatcher papalapit sa kinaroroonan nina John.
Mapapanood ding may barangay officials na tumulong na hawakan ang suspek, at di nagtagal ay dumating ang police patrol.
Bumaba ang mga pulis, dinampot ang suspek, pinosasan ito, at isinakay sa police patrol car.
Sinabi naman ng San Pablo City Police na kasong theft ang isasampa laban sa suspek.
Inamin ni John na kinabahan siya nang makaharap ang suspek subalit nangibabaw raw ang kagustuhang makatulong.
Sabi niya, “I have fear. Takot ako.
"I actually have a son… pero by [that] time kasi, parang, siyempre, parang nakikita ko na lang na kaya ko naman siguro ito.
“I just wanted to step in and help the girl.”

Sa kanyang Facebook page, ni-repost ni John ang news report ukol sa pagpigil niya sa suspected snatcher.
Sabi niya caption, ang kanyang ginawa ay hindi pagyayabang kundi patunay na may mga taong gusto lang tumulong sa kapwa.
Caption niya rito: “Posting my video catching a criminal isn't intended to be a flex but to serve as a reminder that there are people willing to risk their lives to protect others and there's hope for humanity. Cheers!”
WHO IS JOHN ADAJAR?
Si John ay naging housemate ng PBB: Kumunity Season 10 (2021-2022), kunsaan si Anji Salvacion ang itinanghal na Big Winner.
Siya rin ay isang modelo at naging kinatawan ng Pilipinas sa Mister Supranational 2021 sa Poland, kunsaan nakapasok siya sa Top 20.

Si John ay naging welterweight world champion sa Universal Reality Combat Championship noong 2018.
Bukod pa rito ay nagkaroon na rin siya ng acting projects, tulad ng Can't Buy Me Love.
