PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyline Alcantara, Kobe Paras to make "special announcement"

Kyline Alcantara and Kobe Paras to make "special announcement" on September 25.
by Arniel C. Serato
Published Sep 24, 2024
kobe paras kyline alcantara
Fans of Kyline Alcantara and rumored boyfriend Kobe Paras are in for a treat after the Kapuso star and the basketball star posted cozy photos on Instagram.
PHOTO/S: @itskylinealcantara / @_kokoparas on Instagram

Nagkagulo ang mga tagahanga ni Kyline Alcantara at rumored boyfriend nitong si Kobe Paras dahil sa larawang ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram account ngayong gabi ng Martes, September 24, 2024.

Sa post ni Kyline ay makikitang nakapostura ang dalawa na parang may importanteng okasyon.

Medyo nakaharap si Kobe na nakayakap ang kaliwang kamay sa beywang ni Kyline.

Si Kyline naman ay medyo nakatalikod at nakahawak sa dibdib ni Kobe.

Caption ng Kapuso actress sa kanyang post, "Together, with him. Special announcement. 9.25.24"

Read: Kyline Alcantara “kandong” video with Kobe Paras goes viral

Sa ibinhagi namang larawan ni Kobe ay naka-back hug sa kanya si Kyline.

Caption dito ng basketball star at commercial model, "save the date for a special reveal 9.25.24"

View this post on Instagram

A post shared by kobe (@_kokoparas)

KYLINE ALCANTARA, KOBE PARAS FANS SPECULATE

Sa comments section ng post ni Kyline ay kanya-kanyang espekulayon ang netizens kung ano ang "special annuncement" na tinutukoy ng aktres.

Sabi ng isa sa unang nagkomento, "Buntis ka na ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis naman itong sinalungat ng mga tagahanga ng Shining Inheritance actress.

Kyline Alcantara fans

Tanong naman ng isa, "Ano yan Kyline? Don't tell you are......."

"Excited for the announcement kung ano man yan Ky," ang komento ng isa pang fan.

Hula ng isa kung ito na ba yung ginawa nilang proyekto.

Aniya, "Ang movie ba to? Or yung relationship na? Huhuhu.@e di na naman ako makakatulogggg. lloveyou both guys."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro ng isa, "Kasalanan na ba? Hehehe charut lang pero wait kami"

Ayon sa isa pa, "Halaaaa ano kaya yan? nakakaexcite"

Kyline Alcantara fans

Read: Kyline Alcantara refuses to reveal real score with Kobe Paras

JACKIE FORSTER: "WHAT'S THE MEANING OF THIS?"

Sa comments section naman ng post ni Kobe ay nag-iwan ng nakatutuwang komento ang kanyang nakatatandang kapatid na si Andre Paras at inang si Jackie Forster.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Andre, "suit and tie right? [heart emoji]"

Tila kinastigo naman ni Jackie si Andre at sinabing, "@andreparas what’s the meaning of this"

kobe paras post

Kabilang pa sa nagkomento rito ay si Sam YG at si Kyline mismo.

kobe paras post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KYLINE-KOBE PROJECT

May kinalaman kaya ang announcement ni Kyline bukas sa personal nilang buhay? O ito ay tungkol sa proyektong ginawa nilang dalawa sa ibang bansa.

Sa ulat ng 24 Oras noong August 16, 2024, nagpasalamat si Kyline na pumayag si Kobe na makasama niya sa hindi pinangalanang proyekto.

Pero sa China raw ang shooting nito.

Sabi ni Kyline, "We're ready to explore a lot of things in life and I'm thankful that he said yes kasi I'm excited po to work with him."

Looking forward daw siya sa bonding nila habang nasa China sila.

Aniya, "Definitely the food trip kasi yun po talaga yung bonding namin."

Hindi pa man umamin kung ano ang real score nila, hindi naman daw nila ma-describe ang kanilang nararamdaman sa isa't isa.

Paglalarawan ni Kyline, "It's a different feeling po, so I don't know the exact words to describe it. Lumalabas na lang siya through actions, through our auras, I guess, I cannot find the exact words."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kyline Alcantara, Kobe Paras to fly to China for shoot

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans of Kyline Alcantara and rumored boyfriend Kobe Paras are in for a treat after the Kapuso star and the basketball star posted cozy photos on Instagram.
PHOTO/S: @itskylinealcantara / @_kokoparas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results