Kumalma ang #KyBe, tawag sa fans ng rumored couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, nang malamang isa palang mini-series ang pagsasamahan ng dalawa at hindi ang kung anumang inaakala ng iba.
Miyerkules ng gabi, September 25, 2024, naganap na ang inaabangang "special announcement" nina Kyline at Kobe.
Una muna itong lumabas sa Instagram page ng online gaming site na Mobile Legends Philippines.
Ayon sa anunisyo: "Meet our stars na maghahatid ng saya sa inyong mga screens!
"@itskylinealcantara, @_kokoparas, at @criseldalvarez ang magdadala ng drama, comedy, at marami pang iba sa ‘Miss Legends’!
"Abangan ang aming exciting mini-series na mapapanood sa aming official pages mula September 28 hanggang October 1, 2024, every 12 PM at 6 PM!"
View this post on Instagram
Ni-repost ito ni Kyline sa kanyang Instagram Story.
Caption niya, "Watch out for our exciting mini-series that will be available on our official pages from September 28 to October 1, 2024 every 12 PM and 6PM."

Ni-repost din ni Kobe sa kanyang Instagram Story ang announcement.

Makakasama nila sa online series si Criselda Alvarez.
Read: Kyline Alcantara “kandong” video with Kobe Paras goes viral
KYLINE ALCANTARA, KOBE PARAS CHINA SHOOT
Noong September 24, 2024, nagkagulo ang mga tagahanga nina Kyline at Kobe dahil sa ipinost nilang sweet photos together sa Instagram.
May iaanunsiyo raw sila kinabukasan, September 25.
Ngunit lumikha ito ng kalituhan sa fans dahil puro sweet photos ito ng rumored sweethearts.
Hinuha ng iba, may kinalaman ang announcement sa personal nilang buhay.
Pero sinalungat ito ng ilan na may nalalaman sa proyektong pagsasamahan ng dalawa.
Sa isang panayam sa 24 Oras noong August 16, 2024, sinabi ni Kyline na may pagsasamahan silang proyekto ni Kobe, at sa China ang shooting nito.
Malaki rin daw ang pasalamat niya sa rumored boyfriend dahil sa pagpayag nitong makasama sa nasabing proyekto.
Sabi ni Kyline, "We're ready to explore a lot of things in life and I'm thankful that he said yes kasi I'm excited po to work with him."
Read: Kyline Alcantara, Kobe Paras to fly to China for shoot
