Trigger Warning: This article includes mention of suicide and death
Nagpaabot ng pagmamahal at pagdamay ang Chinese singer na si Jackson Wang sa kagrupo niya sa K-pop group na GOT7 na si BamBam, matapos mag-post sa social media ng huli tungkol sa kamatayan.
Noong September 30, 2024, naalarma ang mga Ahgase (tawag sa fandom ng GOT7) matapos sagutin ni BamBam ang isang comment ng kanyang fan nang mag-tweet ito sa X (dating Twitter) ng: "i hope you have good night."
Read: BLACKPINK'S Jennie denies dating rumors with GOT7's BamBam
Batid ng nasabing fan na kasalukuyang may pinagdaraanan si BamBam kaya naman pinayuhan niya itong panandaliang magpahinga sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa ibang tao sa kanyang paligid.
Buong komento ng fan, "Please be okay [praying sign emoji]. Surround yourself with people that want nothing but best for you and makes you happy.
"Take a step back away from the spotlight if you're exhausted. Hope you find comfort in us [green heart emoji]."
Mabilis itong nireplayan ni BamBam ng (published as is), "people around me is the reason i'm dying."

BAMBAM'S ALARMING POSTS ON INSTAGRAM
Bukod sa pagre-reply sa X, sunud-sunod ding nag-post si BamBam sa kanyang Instagram Stories na labis na ikinaalarma ng kanyang mga tagahanga dahil may bahid umano ito ng pagpapakamatay.
Kabilang na rito ang: "I’ll be gone for good, 2025."

At "I just want to sleep and don’t wake up so I can finally rest."

Dahil dito, muling binalikan ng kanyang fans ang mga post ni BamBam sa Instagram sa mga nagdaang linggo.
Dito ay nakita nila ang litrato ni BamBam na ipinost niya noong September 19, na may caption na: "don't forget life is yours before is too late."
Jackson reaches out to BamBam
October 1, muling nag-post si BamBam sa X ng kantang "Changes" ni Justin Bieber.
Ang kantang "Changes" ay tungkol sa pagmu-move on mula sa madilim na nakaraan ng isang tao.
Read: Sandara Park, Got7's BamBam spotted at Gerry's Grill: "Shot puno"
Paniniyak ni Jackson, hindi nag-iisa si BamBam sa kung anuman ang pinagdaraanan nito ngayon.
Handa raw damayan si BamBam ng kanyang grupo at kanilang fans kung sakali mang kailangan nito ng makakausap.
Payo pa ni Jackson, imbes na makinig si BamBam sa mga negatibong sinasabi ng iba ay mas mainam na ipagwalang-bahala na lang niya nito at mas pagtuunan ng pansin ang mga mas nagpapasaya sa kanya.
Mababasa sa comment ni Jackson (published as is): "People closely around us specially the industry. The only thing they care about is living their life like you are living urs.
"Different intentions. It’s facts, it’s reality. We all go through it, just different aspects. Dont take it negatively, Sometimes just gotta be more selfish and get things right for urself.
"It’s not always a bad thing. We all have choices. Make them bam. Be at a place where you get appreciation. Dont forget who u r. Love you for who u r."
Dagdag pa niya, "One more thing, bam [red heart emoji] Ur audience love u, U da reason. Not anything else, Not the people, team, label, partners, or anyone else."
Ang GOT7 ay nag-debut noong 2014 sa ilalim ng JYP Entertainment, na siya ring namamahala sa TWICE, Stray Kids, ITZY, NMIXX, at Day6.
Binibuo ito ng pitong miyembro na may iba't ibang nationalities: ang South Koreans na sina JB, Jinyoung, Youngjae, at Yugyeom; ang American na si Mark; and Chinese na si Jackson; at ang Thai na si BamBam.
Nang matapos ang kontrata nila noong 2021 ay nagdesisyon ang lahat ng miyembro ng GOT7 na kumalas na sa pamamahala ng JYP, upang pagtuunan ng pansin ang kani-kanilang solo careers.
Ngunit nananatili sila bilang grupo na maaaring magsama-sama muli.
Read: GOT7 successfully holds first fanmeeting in the Philippines; Bambam sings "Ngiti"
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.
