PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLACKPINK'S Jennie denies rumors linking her to GOT7's BamBam

Jennie and Bmbam spotted dining together at a restaurant in Los Angeles.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 19, 2024
BLACKPINK'S Jennie denies dating rumors with GOT7's BamBam
BLACKPINK's Jennie (left) denies that she's dating GOT7 member BamBam (right) after they were spotted together in Los Angeles, California.
PHOTO/S: @jennierubyjane/bambam1a on Instagram

Mariing itinanggi ng OA Entertainment ang kumakalat na espekulasyong may namamagitan kay Jennie ng K-pop supergroup na BLACKPINK at sa GOT7 member na si Bambam.

Ang OA o Odd Atelier Entertainment ang talent management na pagmamay-ari mismo ni Jennie.

Itinatag niya ito noong November 2023, matapos magdesisyong hindi na mag-renew ng solo contract sa dati niyang talent management, ang YG Entertainment.

Bagamat bumukod na ng talent management, ang group contract ng BLACKPINK ay nasa pangangalaga pa rin ng YG Entertainment.

Read: BLACKPINK members renew exclusive contract with YG Entertainment for group activities

JENNIE AND BAMBAM DATING RUMORS

Nitong September 17, 2024, nagsimulang ma-link sa isa't isa sina Jennie at Bambam nang kumalat online ang kanilang mga larawan na magkasamang kumakain sa isang Japanese restaurant sa Los Angeles, California.

Dahil sa pagsasama ng dalawa, nabigyan ito ng ibang kulay na, diumano, sina Jennie ay Bambam ay lihim na magkarelasyon.

BLACKPINK'S Jennie denies dating rumors with GOT7's BamBam
Photo/s: Screengrab @X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa ito tuluyang paniwalaan, minabuti ng OA Entertainment na magsalita para itanggi ang kumakalat na espekulasyon tungkol sa dalawang K-pop stars.

Read: Sandara Park, Got7's BamBam spotted at Gerry's Grill: "Shot puno"

Sa inilabas nilang maikling pahayag nitong Huwebes, September 19, nilinaw ng OA Entertainment na sina Jennie at Bambam ay magkaibigan lang.

Parehas lang daw na nasa L.A ang dalawa at nagkayayaang lumabas para kumain noong mga panahong nakunan sila ng litrato.

Pahayag ng OA Entertainment (ayon sa English translation ng Soompi.com), "The two, who have been friends for a while, met up for a meal in the United States."

BLACKPINK JENNIE AND BTS V RUMORED RELATIONSHIP

Hindi ito ang unang pagkakataong na-link si Jennie sa kapwa niya K-pop star.

Na-link na rin si Jennie sa BTS member na si V.

Noong December 2021, nagsimula silang maiugnay sa isa't isa matapos i-follow ni V si Jennie sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasundan pa ito noong May 2022, nang mag-viral ang kanilang mga larawang diumano'y magkasamang nagbabakasyon sa Jeju Island.

Nang hingan ng Soompi.com ng pahayag ang talent agency ni Jennie na YG Entertainment tungkol dito, ang tugon nila ay: “We have nothing to say [regarding this matter].

“We will inform you if we have a different response to share.”

Lalong umigting ang espekulasyong may espesyal na relasyon sina V at Jennie nang maispatan silang magkasama at magka-holding-hands-while-walking (HHWW) sa Paris, France, noong May 2023.

Read: BTS V, BLACKPINK Jennie allegedly spotted holding hands while walking in Paris

BTS V, BLACKPINK Jennie spotted HHWW in Paris
Photo/s: Screengrab @Amar Taoualit TikTok
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hanggang noong December 6, 2023, muli silang naintriga na, diumano, hiwalay na ang K-pop superstars na sina V at Jennie.

Ayon sa ulat ng South Korean media outlet na JTBC, napagdesisyunan daw nina V at Jennie na maghiwalay bago pa pumasok sa mandatory military services si V sa December 11, 2023.

Read: BTS' RM, Jungkook, V, and Jimin commence military enlistment process

Nagbigay ito ng palaisipan sa fans nina V at Jennie lalo na't wala naman silang direktang kumpirmasyon sa kanilang relasyon.

Read: BTS V, BLACKPINK Jennie reportedly break up ahead of V’s military enlistment; netizens react

JENNIE PAST RELATIONSHIPS WITH K-POP IDOLS

Ang kumpirmadong nakarelasyon ni Jenni ay ang EXO member na si Kai at ang BIGBANG member na si G-Dragon.

Pagpasok na pagpasok ng 2019, noong January 1, pinaputok ng Dispatch ang balitang nagdi-date sina Kai (Kim Jong In) at at Jennie Kim.

Parehong kinumpirma ng SM Entertainment at YG Entertainment ang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero makalipas lamang ang ilang linggo, noong January 25, kinumpirma ng SM Entertainment na nagtapos na ang relasyon nina Jennie at Kai.

Kinumpirma ito ng SM Entertainment, ang management company ng EXO, pagkatapos lumabas sa SBS funE ang balitang break na sina Kai at Jennie, ngayong Biyernes, January 25.

Pahayag ng SM: “It is true that Kai and Jennie have recently parted ways.”

Hindi isiniwalat ng SM ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawang K-Pop stars.

Ngunit ayon sa mga lumabas na reports, nagdesisyon sina Kai at Jennie na mag-focus sa kanilang trabaho para na rin sa kani-kanilang grupo at sa kanilang fans.

Tumagal lamang ng halos apat na buwan ang kanilang relasyon.

Read: EXO's Kai and BlackPink's Jennie break up after four months of dating

Taong 2021 naman nang mapabalita ang relasyon ni Jennie kay G-Dragon.

Si G-Dragon, 35, ang rapper, singer-songwriter, at record producer na tumatayong leader ng K-pop group na BIGBANG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BLACKPINK’s Jennie, BIGBANG’s G-Dragon are dating “for about a year now”—report

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BLACKPINK's Jennie (left) denies that she's dating GOT7 member BamBam (right) after they were spotted together in Los Angeles, California.
PHOTO/S: @jennierubyjane/bambam1a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results