Dinumog ng daan-daang fans ng American pop band na LANY ang isang fast-food brand sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig nitong Biyernes, October 11, 2024.
Ito'y matapos sorpresang mag-ala service crew ang LANY members na sina Paul Klein at Jake Goss.
Sa kumakalat na video sa social media, makikitang napuno ng fans ang labas at loob ng Jollibee BGC Triangle Drive branch dahil sa pag-aabang ng mga itong makita nang malapitan ang LANY bago ang nakatakda nilang concert sa Philippine Arena sa Bulacan ngayong Sabado, October 12.
Read: David Chua clarifies being spotted with Cristine Reyes at LANY concert
Bukod sa pagse-serve ng mga order at pagbibigay ng autograph, nagmistulang pre-concert din ang kanilang pagbisita sa Jollibee dahil dito pa lang ay pinatugtog na ang hit tracks ng LANY gaya ng "XXL" at "Cause You Have To," na sinabayan ng kanilang fans.

LANY OVERWHELMED BY PINOY FANS' LOVE AND SUPPORT
Halos hindi naman makapaniwala ang LANY sa dami ng Pinoy fans nilang nagpunta sa BGC para magpakita ng suporta at pagmamahal.

Sa Instagram, in-upload ng LANY ang pinagsama-samang video clips sa isinagawa nilang sorpresa.
Read: Ellen Adarna steps out in public to watch LANY at Cebu musicfest
Ngunit kabaliktaran ang nangyari, dahil tila sina Paul at Jake ang nasorpresa nang dumugin sila ng daan-daan nilang tagahanga.
Mababasa sa caption ng LANY (published as is), "mahal kita sobra! see ya tomorrow [Philippine flag]."
LANY'S UPCOMING SHOW IN THE PHILIPPINES
Samantala, bukod sa Philippine Arena sa Bulacan, nakatakda ring dalhin ng LANY ang kanilang A Beautiful Blur: The World Tour sa Waterfront Cebu City Hotel & Casino sa October 13, 14, at 15.
Noong November 2022 huling bumisita ang LANY sa Pilipinas nang isagawa nila ang kanilang five-day sold-out concert sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Read: Maine Mendoza, Arjo Atayde brave traffic and rain to catch LANY concert
