May relasyon ba ang modelong si Kirk Bondad at former Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Lou Yanong?
Ito marahil ang tanong ng netizens na nakakita sa latest post ni Kirk sa kanyang Instagram.
Noong October 10, 2024, nag-share si Kirk ng ilang larawan kung saan kasama niya si Lou.
Nasa Coron, Palawan sila at nagbabakasyon.
Sabi ni Kirk sa caption, "Going back for those chicken fingers #yumsters [heart emoji]"
Naka-tag din dito ang hotel na kanilang tinuluyan.
View this post on Instagram
Komento ni Lou, "Agreed [nerd face, heart emojis]"

May nauna na ring in-upload na video si Kirk noong October 8, 2024, kung saan makikitang nag-eehersisyo sila ni Lou.
Caption ni Kirk, "Before you know it, you’ll see us doing vlogs"
View this post on Instagram
Walang post si Lou na kasama niya si Kirk, pero may post siya tungkol sa bakasyon sa Palawan.
View this post on Instagram
May isang netizen na nagkomentong, "My 2 beautiful (heart emoji) loves"
Tugon ni Lou, "heart, cherries, face a blowing a kiss emojis"

Marami namang netizens ang nagpaabot ng suporta sa dalawa, kung sakali ngang may namamagitan sa kanila:

Read: PBB alumna Lou Yanong mulls over joining Miss Universe Philippines
KIRK BONDAD, LOU YANONG PAST RELATIONSHIPS
Taong 2020 ay winakasan ni Lou Yanong at Andre Brouillette ang kanilang relasyon.
Nabuo sa Pinoy Big Brother: Otso (November 10, 2018 to August 4, 2019) ang LouDre loveteam nina Andre at Lou.
Sinubaybayan at sinuportahan ang LouDre ng kanilang mga tagahanga na nalulungkot dahil hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa.
Read: Andre Brouillette at Lou Yanong tinapos na ang kanilang relasyon
Samantala, naghiwalay naman si Kirk at ex-girlfriend na si Miss Eco International 2022 Kathleen Paton noong March 2023.
Read: Kirk Bondad announces breakup with beauty queen Kathleen Paton
Noong September 2023, nagdesisyon si Kirk na manatili munang single dahil pakiramdam niya ay unfair sa babae kung makikipagrelasyon siya sa puntong iyon ng kanyang buhay.
Read: Kirk Bondad prefers to be single after breakup with beauty queen Kathleen Paton
Wala pang pormal na announcement sina Kirk at Lou tungkol sa real score nila.
