Na-stranded si Chito Miranda at ang kanyang mga kabanda sa Parokya ni Edgar sa Sorsogon dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Kristine.
Nitong Miyerkules, October 23, 2024, nag-upload ng litrato si Chito sa Instagram, kung saan makikita sila ng kanyang mga kabanda habang naliligo sa ulan.
Read: Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee returns onstage; netizens react
Aniya, na-cancel ang kanilang flight pabalik ng Maynila. Hindi rin daw sila pinayagang makapaglibot pa sa Sorsogon dahil patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan doon.

Isa ang Bicol region sa pinakaapektado ng bagyong Kristine. Itinaas na sa signal No. 2 ang northeastern portion ng Sorsogon, kunsaan naroroon sina Chito.
Mababasa sa caption ni Chito (published as is): "Stranded kami sa Sorsogon.
"Di kami maka-uwi. Canceled lahat ng flights. Delikado din daw mag-roadtrip.
"So naligo nalang kami sa ulan. Stay safe, everyone!!!"
PAROKYA NI EDGAR'S PERFORMANCE IN "Concierto sa Kasanggayahan"
Nasa Sorsogon ang Parokya ni Edgar dahil isa sila sa mga nag-perform sa "Concierto sa Kasanggayahan" noong October 21, 2024.
Bahagi ito ng selebrasyon ng 50th Kasanggayan Festival.
Kasamang nag-perform ng Parokya ni Edgar ang OPM singer-rapper na sina Skusta Clee at Flow G.
TYPHOON KRISTINE
Samantala, sa latest forecast ng PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) as of 11 A.M., bahagyang bumilis at lumakas ang bagyong Kristine na inaasahang magla-landfall bukas, October 24, sa Isabela o Northern Aurora.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 200 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, at 255 kilometro, silangan ng Baler, Aurora.
Aabot sa 85 kilometro kada oras ang taglay nitong lakas ng hangin, habang aabot naman sa 105 kilometro kada oras ang bugso nito.
Tinatahak nito ang direksiyong pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay nakataas na ang Tropical Cyclone Wind signal No. 2 sa ilang lugar sa Luzon gaya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Mainland Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Northern portion of Zambales, at Northern portion of Bulacan.
Gayundin ang Metro Manila, Pampanga, Bataan, Cavite, Laguna, Rizal, Northern portion of Quezon including Polillo Islands, Camarines Norte, Northern and eastern portions of Camarines Sur, Catanduanes, Albay, at ang Eastern portion of Sorsogon.
Signal No. 1 naman ang mga lugar sa Luzon gaya ng: Batanes, Batangas, Occidental Mindoro including Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Calamian Islands, The rest of Sorsogon, Masbate including Ticao and Burias Islands.
Sa Visayas naman ay ang Aklan, Capiz, Antique including Caluya Islands, Iloilo, Guinaras, Northern portion of Negros Occidental, Northern portion of Negros Oriental, Northern and central portions of Cebu, Bohol, The rest of Eastern Samar, The rest of Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte.
Apektado rin ang mga lugar sa Mindanao gaya ng Dinagat Islands at Surigao del Norte including Siargao - Bucas Grande Group.
