Isang sweet na mensahe ang ibinahagi ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake para sa kanyang nobyong si Bobby Ray Parks Jr. nitong nakaraang Father's Day, June 18, 2023.
Sa Instagram Stories ni Zeinab, nag-post siya ng black-and-white photo nila ni Bobby Ray, kalakip ang mensahe ng kanyang pasasalamat dito.
Ayon sa kilalang vlogger, hindi pa man ganap na ama si Bobby Ray ay ginagawa na nito ang tungkulin ng pagiging ama sa anak niyang si Bia.
Si Bia, 2, ay anak ni Zeinab sa dati niyang partner, ang rapper na si Skusta Clee.
Mensahe ni Zeinab kay Bobby Ray (published as is), “Happy father’s day din sa partner kong nag papakatatay para sa kin thankyou @ray1parks."
Malaki rin ang pasasalamat ni Zeinab kay Bobby Ray dahil sa pagiging mabuti nitong partner sa kanya.
Saad ni Zeinab, "sa mundong meron ako, sa dami ng dinadala ko hindi pwedeng hindi ako baby minsan at salamat sa diyos kasi binigyan niya ko ng partner na hindi na papa-sakitin yung ulo ko pagdating sa mga walang kwentang bagay at magpapaunawa sakin ng dapat kong gawin."
Dagdag pa niya, "best father ka sa dog mo kay (rj) at sakin.
"alam ko soon sa future kids mo kasi mabuti kang lalaki at may paninindigan ka sa buhay."

Ilang saglit pa'y ni-repost ito ni Bobby Ray sa kanya ring Instagram Stories.
Aniya, "Grabe Bel, sobrang na touch ako at kinilig ng slight [laughing in tears and black heart emoji] i love you."

SKUSTA CLEE: "WALA KANG KWENTANG TATAY"
Samantala, matapos mag-post ni Zeinab ng Father's Day message kay Bobby Ray ay nag-post si Skusta Clee sa Facebook ng tila pahaging sa post ng dating nobya.
Ani Skusta, hindi man siya perpektong karelasyon ay kaya niyang magpakatatay sa kanyang anak.
Walang binanggit na mga pangalan ang rapper ngunit malinaw na ang tinutukoy niya ay ang pagiging ama sa anak nila ni Zeinab.
Mababasa sa kanyang post (published as is), “Wala kang kwentang tatay”
"Try nyo ibigay. Hindi ako perfect na ka relasyon I know matagal na! Pero 100% na kayang kaya kong maging tatay sa anak ko.
"Ayaw lang kasi alam ko pano maging tatay. Pero ays lang naniniwala ako sa oras."

March 2022 nang maghiwalay sina Zeinab at Skusta.
Dati na ring naibahagi ni Zeinab na ang pambababae umano ni Skusta ang naging mitsa ng kanilang breakup, at pagkalaglag ng ikalawang anak pa sana nila.
Read:
- Zeinab Harake: "Kahit pangit ngayon ay nagloloko."
- Did Zeinab Harake take a swipe at ex-partner Skusta Clee?
- Skusta Clee posts "Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala"; Zeinab's friends react
- Crowd chants “cheater” during Skusta Clee gig at Clark musicfest
- Zeinab Harake recalls darkest moment after breakup with Skusta Clee
ZEINAB-BOBBY RAY ROMANCE
Noong May 8, 2023 isinapubliko nina Zeinab at Bobby Ray ang espesyal nilang relasyon.
Ito'y matapos mag-post ni Bobby Ray sa Instagram ng video tampok ang sweetness nila ni Zeinab.
Makikita sa video na maingat niyang inaayos at sinusuklay ang buhok ni Zeinab habang ito ay nakayuko.
Dito rin niya ibinuking na nililigawan niya ang kilalang YouTuber.
Aniya sa video, "Buti na lang ako yung nanliligaw no? Ikaw yung walang patience. e."
Kinilig at natawa naman si Zeinab sa sinabi ni Bobby Ray.
Kapansin-pansin din sa huling parte ng video ang nagbabadyang paghahalikan ng dalawa ngunit hindi ito natuloy.
Maging si Zeinab ay proud ding flinex si Bobby Ray sa kanyang Instagram Stories.
Sa parehong araw, ipinost niya ang silhouette picture ni Ray habang nasa basketball court.
Read: Zeinab Harake, former PBA player Bobby Ray Parks Jr. flex each other on Instagram
May 11, 2023, muling pinakilig ni Bobby Ray ang netizens nang magkomento siya sa Instagram post ni Zeinab.
Sa IG post ng YouTuber, makikita ang sexy-photo niya kuha sa dalampasigan ng isang beach.
Kapansin-pansin na ni-like ito ni Bobby Ray at nag-iwan siya ng komento.
Aniya, "Sheeesssshhh sagutin mo na po ako soon please."
Read: Bobby Ray Parks Jr. tells Zeinab Harake: "Sagutin mo na ako soon please."
June 25, 2023, naisyu ang pagkakamabutihan nina Bobby Ray at Zeinab nang may isang netizen na inakusahan ang YouTube vlogger ng pagiging "kabit."
Mariin itong pinabulaanan ni Bobby Ray at agad na ipinagtanggol si Zeinab.
