Nagbabala si Miss Cosmo Philippines 2024 Ahtisa Manalo sa netizens tungkol sa isang fake Telegram account na gumagamit umano ng kanyang pangalan.
Ginagamit daw ito upang makalikom ng pondo para sa mga biktima umano ng bagyong Kristine na kasalukuyang nananalasa sa bansa.
Babala ni Ahtisa sa kanyang Instagram Broadcast Channel ngayong Miyerkules, October 23, 2024, , "FAKE ACCOUNT ALERT I would like to warn the public of the circulating fake Telegram account posing as me. Please beware of messages from the number 0954-443-7246.
"If contacted, kindly report the account and please do not entertain it to avoid scams and misinformation of any kind. Thank you and stay vigilant!"

Read: Ahtisa Manalo asks fans to stop bashing Miss Cosmo 2024 winner
AHTISA MANALO: "Mag-ingat po tayo sa mangloloko."
Sa kanyang Facebook account, kinondena ni Ahtisa ang taong nasa likod ng pekeng Telegram account.
Ikinagalit niyang may mga taong nananamantala gayong may kalamidad ngayon sa bansa.
Sinabi rin ni Ahtisa na sila ay tumutulong lamang sa paglikom ng pondo sa mga organisasyong lehitimong gumagawa ng donation drive.
Aniya: "ATTENTION PLEASE Nasa kalagitnaan po tayo ng kalamidad ngayon, pero bakit may mga taong katulad nito na mapagsamantala at mangloloko?
"Hindi po sa akin ang account na ito at hindi po kami nanghihingi ng donations directly.
"Kaya po kami nagshe-share ng mga donation drives ng mga org like Angat Buhay para sa kanila po kayo mag donate. Kami po ay amplifier lamang ng mga pangagalingan ng tao, hindi taga tanggap ng donasyon.
"Mag ingat po tayo sa mangloloko. Salamat at ingat po ang lahat."
Kasama rin sa post ang mga screenshots ng taong nasa likod ng scam account.
Dagdag pang post ni Ahtisa, "The name of the scammer who created a fake Telegram account using my name and picture to ask for “donations”.
"Be careful of “Jonathan Monuz Misal” using the number 0954-443-7246 everyone!
"This is not me and don’t fall for this scam. Keep safe everyone!"
Read: Ahtisa Manalo sprains ankle after Miss Cosmo "technical incident"
CJ OPIAZA SADDENED BY TYPHOON KRISTINE DEVASTATION
Samantala, time-out muna si Miss Grand Philippines 2024 CJ Opiaza sa ongoing Miss Grand International 2024 pageant sa Thailand upang manawagan sa mga Pinoy na magtulungan.
Saad niya sa kanyang Instagram Story kagabi, October 22, 2024, "Hello, y'all! I know everyone is in the hype of tonight's preliminary show.
"But I'd like to take this opportunity to call everyone's attention to use their social media platforms as well in seeking for help and calling out for rescue for our kababayans, particularly in the Bicol Region, who are experiencing the wrath of Bagyong Kristine (Trami).
"Let us offer our sincerest and deepest prayers. I am hoping that everyone is safe back home"

Tila hindi mapakali si CJ dahil muli na naman siyang nag-post sa kanyang Instagram Story ngayong Miyerkules.
Nanawagan siya sa lahat na makipagtulungan sa mga non-government organizations (NGOs) na nanawagan ng donasyon.
Sana raw ay magtulungan ang lahat lalo sa ganitong panahon.
Saad niya, "Hello, again everyone! I am deeply saddened by the devastation and the loss of lives caused by the typhoon Kristine.
"I am calling for everyone's attention, let us please offer our prayers for the departed and express our heartfelt condolences to those bereaved families.
"There are specific Philippine NGO's and charitable institutions who's calling for donations for the victims of the typhoon.
"Kindly tap these organizations to volunteer or donate. As one nation, hand-in-hand, let us be there for one another, especially in times like these."

Ayon sa post ng isang content creator mula sa Bicol region, ito na raw umano ang pinakamataas na pagbaha sa kanilang lugar in 30 years.
Sabi nito, "Lubog po sa Baha. Ito na yata pinaka mataas na water level in 30 years. Yung mga hindi binabaha dati ngayon oo na. We need aid/help."
