PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Imperial glad her mother is safe in Albay amid typhoon

Barbie Imperial: "Nagpapasalamat ako sa Diyos na okay ang nanay ko."
by Arniel C. Serato
Published Oct 24, 2024
Barbie Imperial worried about her family in Bicol
Actress Barbie Imperial raises funds for her kababayans in Bicol region which was devastated by the wrath of typhoon Kristine.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ilang araw ring nag-alala ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa, lalung-lalo na sa lalawigan ng Albay na kanyang pinagmulan.

Nasa Albay ang ina ni Barbie nang manalasa ang bagyo at binayo nang husto ang buong Bicol region.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Barbie na ang kanyang inang si Marilyn "Bing" Imperial ay nakatira malapit sa mga kamag-anak niya roon.

Biglang tumaas umano ang tubig-baha at umabot sa kanilang bahay.

Sa awa ng Diyos, nasa ligtas na kundisyon na sila at maayos na ang lagay.

Kuwento ni Barbie, "Yung iba kong mga auntie, sobrang binaha na yung bahay nila.

"Yung mom ko actually nandun mag-isa lang siya kaya medyo kinakabahan talaga ako for her, wala kasi siyang kasama."

Dagdag pa niya, "Nagpapasalamat ako sa Diyos na okay ang nanay ko but I feel bad for all my kababayan."

Read: Barbie Imperial posts Bible verse about “truth”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARBIE IMPERIAL ASSURES KABABAYANS OF HER HELP

Sa kanyang post sa Instagram ngayong Huwebes, October 24, 2024, sinabi ni Barbie na nalulungkot siya sa kinahihinatnan ng kanyang mga kababayan sa Bicol.

Kaya naman nangako si Barbie na tutulong siya sa kanyang mga kababayan.

Sabi niya, "Nakakalungkot isipin ang pinsalang dulot ng #BagyongKristine. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at kailangan nila ang ating tulong. Sama-sama tayong bumangon.

"Mahal kong Bicol, andito po ako para sainyo. #BangonBicol #BangonOragon"

Sa kanyang Instagram Story, sinabi ni Barbie na mahigit sa PHP100,000 na ang nalikom niyang pera para sa kanyang mga kababayan.

Pahayag niya, "Php 81,896 na po ang nalikom naming pera para sa mga kababayan nating Bicolano. Bibilhin po namin ito ng mga pagkain, bigas, de lata, at iba pang mga pangangailangan. Magsisimula na po kami mag repack bukas para maiabot natin agad ang tulong.

"Maraming salamat po sa mga nag donate. Diyos Mabalos! #BangonOragon"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Barbie Imperial raises funds for typhoon Kristine's victims
Photo/s: Courtesy: Instagram

Ginawa na rin ni Barbie ang paglikom ng pondo noong tumama ang super typhoon Rolly noong November 2020.

Nasa PHP600K ang naipong donasyon noon ni Barbie.

Read: Barbie Imperial worried about family in Bicol; raises PHP600K for hometown in Catanduanes

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Barbie Imperial raises funds for her kababayans in Bicol region which was devastated by the wrath of typhoon Kristine.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results