PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Jeffrey Hidalgo prefers not to have his third eye opened

Jeffrey hopes Danny Tan gets to air his side amid sexual harassment allegations
by Rommel Gonzales
Published Oct 26, 2024
Jeffrey Hidalgo
Singer/actor/director Jeffrey Hidalgo explains why he's not keen on having his third eye opened: “I actually wouldn’t know how I would react kung open yung third eye ko, pero happy na ako na wala siya, at least wala akong takot. Actually, hindi ako madaling matakot, e.”
PHOTO/S: c/o Rommel Gonzales

Ang singer, aktor at direktor na si Jeffrey Hidalgo ay kabilang sa pelikulang Nanay, Tatay.

Jeffrey Hidalgo
Jeffrey Hidalgo
Photo/s: Vivamax

Ito ay isa sa mga kasali sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto Horror Film Festival.

Tinanong naming si Jeffrey tungkol sa role niya rito.

Jeffrey Hidalgo
Photo/s: Viva Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Sa Nanay, Tatay, ako si Tatay Lino, ako yung tatay ng mga bata dito sa film.

“Yung kuwento, mag-asawa kami ni Andrea del Rosario. Namatayan kami ng anak tapos kinupkop namin yung mga tatlong bata na humihingi ng tulong sa amin.

“Tapos, nung nasa bahay na sila, may nagpaparamdam.

“Hanggang dun lang ang sasabihin ko.”

Multo ba ang isa sa mga bata?

“Basta, kaya nga panoorin niyo na lang, para may aabangan kayo, pero iyon yung premise,” ang nakangiting sabi pa ni Jeffrey.

Read: Jeffrey Hidalgo, excited sa movie project with Geneva Cruz for 2024

JEFFREY SAYS PLAYING FATHER ROLES A CINCH, THANKS TO REAL-LIFE EXPERIENCES

Hindi na maalala ni Jeffrey kung pang-ilan na ito sa mga role niya bilang tatay.

“Hindi naman first, siyempre alam mo naman, papunta na tayo dun sa mga daddy roles,” at natawa siya.

May anak na ba siya sa tunay na buhay?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabilis niyang sagot, “Wala pa.”

Sigurado ba siya?

Tumawa muna si Jeffery bago sinabing, “Sa last na check ko, wala naman.”

Paano niya naiarte ang maging tatay ganoong hindi pa siya ama sa tunay na buhay?

Lahad niya, “Although wala naman akong anak, parang tumatayo kasi akong tatay sa madami namang mga other people.

“May time din… kasi may kapatid din ako na medyo mas bata. E, umalis din yung mom ko, so parang, naging father-head din ako in a way sa mga kapatid ko.

“Tapos recently, yung pamangkin ko, si Sam, he's been here for a year.

“So in a way, ako din yung tumatayong guardian niya, so medyo may idea naman ako how it is to be a father.”

JEFFREY NOT KEEN ON HAVING HIS THIRD EYE OPENED

Naka-experience na ba si Jeffrey sa tunay na buhay ng multo?

Pag-amin niya, “Actually wala pa, wala pa yung first-hand. Sabi nga nung manager ka, si Lou Gopez… si Lou naman sobrang nakakakita siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam niya na yung third eye ko sobrang sarado, wala akong nararamdaman.

“Minsan nakikita niya katabi ko na raw pero ako hindi ko nararamdaman.”

So kailangang mabuksan ang third eye ni Jeffrey…

“Ayoko! Okay na ako dito,” bulalas niya.

Takot siya?

“Hindi naman, pero parang... I actually wouldn’t know how I would react kung open yung third eye ko, pero happy na ako na wala siya, at least wala akong takot.

“Actually, hindi ako madaling matakot e,” pagmamalaki niya.

Mula sa Viva Films at Happy Infinite Productions, Inc. at Studio Viva production, ang Nanay, Tatay ay sa panulat at direksyon ni Roni Benaid kung saan mga artista rin sina Aubrey Caraan, Heart Ryan, Elia Ilano, Billy Vileta at Xia Vigor.

Mula rin sa Viva Films at Viva Studio, JPHLiX Films, BLVCK Films at Pelikula Indiopendent ang Pasahero.

Kasali rin sa festival ang dalawang foreign horror film na The Thorn: One Sacred Night mula sa Indonesia at ang Japanese film na House Of Sayuri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood ang mga entries sa Sine Sindak 2024 exclusively sa mga SM Cinemas mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5.

JEFFREY THANKFUL FOR NOT HAVING EXPERIENCED SEXUAL HARASSMENT IN SHOWBIZ

Samantala, dumaan din si Jeffrey sa pagiging teenager at pagiging binata sa showbiz, at uso ngayon ang issue ng sexual harassment.

May personal experience na ba siya tungkol dito?

Aniya, “Wala.

“Thankful ako na I didn't have to go through that, may mga almost, may mga nagpaparamdam.

“Pero I think, sabi ko nga baka maybe hindi din sila masyado ganun ka-persistent when it comes to me, kasi nga because of my background.

“Alam nila na siyempre galing ako kay Mr. C, Ryan Cayabyab, tapos yung educational background ko din.

“So maybe nai-intimidate din yung iba na gumawa ng mga ganung bagay sa akin.”

JEFFREY HOPES DANNY TAN GETS TO AIR HIS SIDE ON SEXUAL HARASSMENT ISSUE

Sangkot ang pangalan ng musikerong si Danny Tan sa nabanggit na isyu, at dahil singer si Jeffrey ay nakatrabaho na niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Nakaka-work ko siya.”

Ano ang pagkakakilala niya kay Ginoong Tan?

“Okay naman, wala nga akong alam, nagulat nga ako nung may ganung issue na lumabas pala,” dagdag niya.

Maraming beses niya itong nakatrabaho.

Paglinaw niya, “Yeah, but from my interaction with him, wala, clueless ako.

“Hindi ko alam na may ganun pala siya.”

Bagamat marami nang naglabasang balita tungkol dito, wala pa talagang nakakaalam tungkol sa eksakto at detalyadong kaganapan kunsaan sangkot si Danny.

Dalangin ni Jeffrey, “Yes. Iyon din yung sinasabi ko palagi.

“Parang at the end of the day, we have to hear the other side of the story. So sana magsalita na rin siya.”

Read: Jeffrey Hidalgo on Danny Tan sexual harassment charges

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer/actor/director Jeffrey Hidalgo explains why he's not keen on having his third eye opened: “I actually wouldn’t know how I would react kung open yung third eye ko, pero happy na ako na wala siya, at least wala akong takot. Actually, hindi ako madaling matakot, e.”
PHOTO/S: c/o Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results