Manghang-mangha ang Filipino-American singer-songwriter and actress na si Olivia Rodrigo sa galing ng pagkanta ng Pinoy fans na dumalo sa kanyang sold-out GUTS World Tour concert sa Pilipinas.
Noong October 5, 2024, naganap ang concert ni Olivia sa Philippine Arena sa Bulacan, kunsaan tinatayang 55,000 katao ang nanonood.

Read: Marian Rivera on daughter Zia's Olivia Rodrigo concert experience
Ilang linggo matapos makabalik ni Olivia sa U.S. ay nakapanayam siya ng American comedian-host na si Jimmy Fallon sa programa nitong The Tonight Show Starring Jimmy Fallon nitong Miyerkules, October 30.
Dito ay napag-usapan nila ang karanasan ni Olivia nang magtanghal siya sa Pilipinas.
Pagmamalaki ni Olivia, na-enjoy niya ang pananatili sa bansa ng ilang araw lalo na't ito ang unang beses niyang makapunta rito.
Aniya: "I got to go to the Philippines recently, which was really cool.
"I'm Filipino and I'd never been [in the the country].
"It was so special and everyone was so great."
Read: Olivia Rodrigo arrives in PH for GUTS concert with boyfriend
Olivia had nothing but praise for Filipinos' singing
Pinuri rin ni Olivia ang galing sa pagkanta ng kanyang Pinoy fans.
Aniya, hindi niya sukat-akalaing totoo ang mga nababasa at napapanood niyang husay ng mga Pilipino pagdating sa karaoke.
Hanggang sa masaksihan daw niya ito sa kanyang concert nang sabayan siya sa pagkanta ng audience.
Pahayag niya: "There's a rumor that they're, like, really good at karaoke.
"Everyone in the Arena, they were, like, singing in harmony.
"It was, like, insane! They were singing my lyrics back to me—perfectly on pitch, perfectly on key.
"It was awesome. Yeah, they were great."
Read: Elijah Canlas honors late brother at Olivia Rodrigo concert
OLIVIA trieS lots of Filipino food
Bukod sa pag-e-enjoy ni Olivia sa bansa kasama ang kanyang fans, isa rin daw sa na-enjoy niya ang pagkain ng Filipino food.
Aniya kay Jimmy, "Filipino food is incredible."
Pagdating na pagdating ni Olivia sa bansa ay agad niyang tinikman ang kilalang dessert ng Pilipinas, ang halo-halo.
Makikita ito sa kanyang Instagram Story nitong October 3.
Ani Olivia, "Halo-halo secured!!! So excited to be in the Philippines."

Olivia donates PH concert proceeds to Jhpiego Philippines
Mabilis na-sold out ang concert ni Olivia dahil PHP1,500 lang ang inilabas na presyo nito.
Bagsak-presyo o "kababayan rate" kung tawagin ito ng Livies (tawag sa fandom ni Olivia).
Read: Olivia Rodrigo fans storm online to get concert tickets
Noong October 6, personal na nagtungo si Olivia sa headquarters ng Jhpiego Philippines para kumusthain at personal na iabot ang donasyong bigay niya rito.
Read: Olivia Rodrigo donates PH concert proceeds to Jhpiego Philippines
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang kinita ng GUTS concert ni Olivia ay napunta sa Jhpiego via Fund 4 Good.
Ang Jhpiego ay isang nonprofit organization na nangangalaga sa kalusugan ng mga bata at kababaihan sa bansa, lalo na sa underserved at conflict affected areas.
Read: TikToker apologizes for flash incident at Olivia Rodrigo concert
