Kung makakausap ni Judy Ann Santos ang eight-year-old self niya, ano kaya ang sasabihin niya?
“Na maganda ang buhay,” umpisang sinabi ni Judy Ann, na walong taong gulang kasi noong nagsimula ang karera niya bilang artista.
Dugtong niya, “Magiging napakakulay ng buhay niya, and magugulat siya kung ano yung inilatag ni Lord na path sa kanya, as in magugulat talaga siya!
“Na okay, lahat ng inisip mo nung bata ka, hindi iyan mangyayari, kasi may mas magandang ibibigay sa iyo si Lord, na mas mare-realize mo na, ‘Ah okay, kaya pala ako nagkaroon ng magandang pamilya kasi iyon yung hindi ko na-experience, hindi ko alam yung pakiramdam na may buong pamilya."

Read: Judy Ann Santos classic TV shows you can watch online
Bago siya mas lalong magpakalalim, nilinaw niya na gusto lang niyang i-remind ang younger Juday na maging mas masaya sa kanyang buhay.
Aniya, “But hindi ko siya… wala akong bubog dun ha, sa tunay na salita, para sa akin, e, ganun, e, nangyari.
“At saka bata pa ako, hindi ko pa siya alam prosesuhin, nagtrabaho ako, na-busy ako, so para kay eight years old na Juday, ‘Enjoy-in mo lang kung paano mo in-enjoy ang pangkalahatan.’
“Yung pain na pagdadaanan mo, gugulong ka sa kakatawa pag matanda ka na kasi para kang tanga,” at tumawa si Juday.
Read: Judy Ann Santos recounts being snubbed by a "bagets love team"

JUDY ANN SANTOS TALKS ABOUT CHUBBY FACE
On a lighter note, gustong i-assure ni Juday ang kanyang sarili na hindi siya dapat maging affected kapag merong nagde-describe sa kanya bilang "siopao."
Pagpapatuloy pa niyang pahayag, “May mga bagay na mangyayari sa iyo na hindi mo ine-expect, at saka, ‘Day, maniwala ka’t sa hindi, liliit ang mukha mo pagtanda mo! Ha! Ha! Ha!
“Gaganyanin mo yung mga nagsabing siopao, ‘Haler!’
“Hahaha! At papayat ka in time, kapit ka lang, Juday,” ang tawa pa rin nang tawang wika ng aktres.
Read: Judy Ann Santos sees younger self as Esperanza: "Tama lang noong tinawag akong siopao"

JUDY ANN SANTOS ON DREAM ROLE
Sa dami ng mga nagawa na ni Judy Ann, may role pa ba siyang gustong gawin na hindi pa niya nagagawa o wala na?
Lahad niya, “Hindi naman sa wala na, wala lang akong maisip ngayon kasi naniniwala ako na napakarami ng mahuhusay na mga bagong writers, at saka kahit yung mga beterano nating mga writers ngayon, ang lilikot ng mga utak!
“Na-e-excite ako sa kung ano yung character na maisip nilang puwede kong gawin or puwedeng maging challenge sa akin or nakikita nilang puwedeng ako yung gumawa.
“Hindi sarado ang utak ko sa ganun, kasi nga sa Koreanovelas nga iba-iba sila ng characters, pero tumatawid, hindi ba?
“’Di hamak naman na mas bilib ako sa writers natin, dahil iba rin naman ang talino at husay ng mga writers na Pilipino, ganun din sa mga directors.
“So I’m just waiting kung ano yung puwede nilang ilatag sa akin na feeling ko mae-excite ako.
“Kasi ganun na ako tumanggap ng… well ganun naman ako tumanggap ng trabaho before, pag naramdaman ko yung kuwento at naramdaman ko yung character, kung drama yan pag naiyak ako okay.
“Pag natakot ako mas okay, depende sa genre. Kung ano yung maramdaman ko then I’ll do it. Pero pag hindi kumirot ang dibdib ko at ang dami kong questions, yung gut ko na yung nagsasabi sa akin na parang mas iba dapat ang gumawa nito, kasi hindi ako nakuha nung istorya nung binasa ko.”
Read: Why migrating to New Zealand is a possibility for Judy Ann Santos and family
