PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julie Anne San Jose: from Maria Clara to calendar girl

Julie Anne still considers Marian Rivera her main inspiration
by Rose Garcia
Published Nov 4, 2024
Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose on transitioning from the shy and demure Maria Clara to the sexy and daring GSM Calendar Girl 2025: "It’s a total change. It’s total 360 coming from Maria Clara to calendar girl of Ginebra San Miguel. It’s a totally different world. So ako naman, as an artist, I really like to portray different roles. I like to do different things. I like to innovate."
PHOTO/S: Rose Garcia

Ang pagkagulat ng karamihan nang ipakilala na ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose bilang 2025 Ginebra San Miguel Calendar Girl ay nanggagaling sa pagkakakilala sa kanya bilang isang wholesome singer/actress.

julie anne san jose calendar girl
Julie Anne San Jose
Photo/s: Julie Anne San Jose Facebook

Malaking pagbabago ito sa imahe ni Julie Anne na nakilala rin bilang si Maria Clara sa GMA-7’s primetime series na Maria Clara at Ibarra, dahil ngayon ay kabilang na rin siya sa hanay ng mga nagseseksihan na calendar girl at endorser ng kilalang inumin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
julie anne san jose gsm calendar girl
Julie Anne San Jose during her GSM Calendar Girl launch
Photo/s: Jerry Olea


Nang makausap ng media si Julie Anne sa launching niya sa Diamond Hotel, aminado naman siya na hindi niya ito naisip na mangyayari o magagawa noon.

“Parang hindi ko po siya lubos maisip or ma-imagine before… but I’m just happy and right now, nao-overwhelm ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Today is a big day for me and siguro, it’s also a surprise para sa inyong lahat. Actually, sa sarili ko rin. Sobrang surreal ng moment na ito,” masayang pahayag ni Julie Anne.

Read: Julie Anne San Jose is the new Ginebra CALENDAR GIRL

JULIE ANNE SHAPES UP FOR HER BIG ENDORSEMENT

Kabilang sa naging preparasyon ni Julie bago ang naging pictorial niya, ang pag-eehersisyo.

Ayon dito, “I really do cardio when I can, pero siguro po, sa tulong din ng busy schedules, nakatulong din po yon para ma-maintain ko ang weight ko.

“Kasi, hindi po talaga ako tumataba. Nabawasan din po dahil sa mga performance, I dance, I move a lot, nakatulong din po yung mga schedules.

“And as much as possible Din po, tina-try ko na makatulog nang maaga. Eight hours of sleep and I eat lots of vegetables din.”

JULIE ANNE TRANSITIONING TO SEXY IMAGE SOON?

Sa kabila ng pagiging ‘in good taste’ ng bawat layout ng calendars niya, marami pa rin ang nagtatanong kung simula na raw kaya ito ng sexy image niya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose
Photo/s: Rose Garcia

Paglinaw niya, “Para po kasi sa akin, ang pagiging sexy ay hindi lang nakikita sa katawan or sa physical aspect.

“Ang pagiging sexy ay nakikita sa character ng isang tao. Kung papaano niya dalhin ang kanyang sarili…

“Kung papaano niya i-voice-out ang mga opinyon niya…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung papaano siya makapagbigay ng inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng craft or pamamagitan ng kung ano ang kaya niyang gawin.”

Read: Julie Anne San Jose, "nape-pressure" sa pagiging calendar girl

RAYVER PROUD OF JULIE ANNE’S ENDORSEMENT

Ang boyfriend ni Julie Anne na si Rayver Cruz ay buung-buo rin ang suporta sa pagiging sexy calendar girl niya. Kahit daw noong una pa lang niyang ipinaalam dito.

Saad niya, “Noong una ko palang na sinabi sa kanya, sobrang na-excite po siya para sa akin. Sobrang proud na proud po siya at palagi niya pong sinasabi sa akin na, ‘kaya mo yan.’ ‘It’s something new’ at para makita rin daw ng mga tao na may different side pala si Julie.

“Talagang happy siya para sa akin and wala siya rito, pero you know, abot-abot din po ang support niya.”

WHAT WOULD MARIA CLARA SAY?

Nanghingi na rin daw si Rayver ng kopya ng apat na version ng kalendaryo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din ni Julie na natatawa kung sakali raw, ano kaya ang posibleng maging reaksyon ni Maria Clara kung makikita ang mga sexy calendar pictorial niya?

“Jusmio!” natawang sabi niya.

“Siguro ganoon ang sasabihin, magiging reaksyon niya. It’s a total change. It’s total 360 coming from Maria Clara to calendar girl of Ginebra San Miguel. It’s a totally different world.

“So ako naman, as an artist, I really like to portray different roles. I like to do different things. I like to innovate. I like to improve myself when it comes to my craft. So, I really want to mas hasain pa kung ano pa yung makakapagpabuti para sa craft ko.

“Siguro, in my own little way as a calendar girl, I would be able to reach out to different people as well and somehow change their lives.”

JULIE ANNE STILL CONSIDERS MARIAN AS HER MAIN INSPIRATION

Marami ng mga sikat na female actress, beauty queens ang naging Ginebra Calendar Girl. Pero sa lahat sa kanila, tinanong namin si Julie kung kanino siya pinaka-nainspire?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Marian Rivera
Marian Rivera as GSM Calendar Girl 2014
Photo/s: PR

Lahad niya, “Lalayo pa ba ako? Siyempre, kay Ate Marian (Rivera). Since twice siya naging calendar girl, sabi ko, ‘Wow!’ Nakita ko kasi yung mga layout and pictures before, so talagang through the years, parang walang nagbago. I mean, she’s still Marian Rivera. You know, I’ve always loved her, talagang I’ve always looked up to her talaga ever since noong nag-start siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, nakaka-proud nga, e, kasi you know, coming from the recent success of Balota, talagang marami siyang nai-inspire na mga tao, especially mga teacher at mga estudyante. Talagang nakaka-proud.

“Going back sa pagiging calendar girl, katulad nga ng sinabi ko, I want to reach out din. Actually, isa yun sa mga nilo-look forward ko. I’m excited to go to different places in the Philippines to be with Ka-Barangays and celebrate with them.”

JULIE ANNE ADVICE TO SEXUAL HARASSMENT VICTIMS

Sa huli, nabanggit nga ni Julie na tinatawag niyang ‘rebirth’ ang pagiging calendar girl niya. Braver, stronger her ang gusto niyang makita sa kanya ng mga tao.

At sa usaping sexual harassment sa mga kapwa niya kababaihan, hiningan namin siya ng stand niya rito, lalo na sa mga babaeng lumalantad na sila ay ‘biktima?’

Pakli niya, “Ako po, it’s not really in my position para po… kasi ako po, hindi ko man po napagdaanan ang mga ganitong klaseng bagay, naniniwala po kasi ako na lahat po talaga ay may hangganan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala pong ibibigay ang Panginoon na mga pagsubok sa buhay natin na hindi natin kayang lagpasan.

“And of course, with the support of our family, with the support of our loved ones, don’t be afraid to seek help.

“Seeking help doesn’t mean weakness, it’s a sign of being strong as a person. Mas gusto mong maging better pa ang mga bagay sa paligid mo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on transitioning from the shy and demure Maria Clara to the sexy and daring GSM Calendar Girl 2025: "It’s a total change. It’s total 360 coming from Maria Clara to calendar girl of Ginebra San Miguel. It’s a totally different world. So ako naman, as an artist, I really like to portray different roles. I like to do different things. I like to innovate."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results