JERRY OLEA
Ganado ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa kanyang mini-concert nitong Oktubre 30, 2024, Miyerkules ng gabi, sa ballroom ng Diamond Hotel Philippines sa Roxas Boulevard, Malate, Manila.
Kaugnay ito sa paglulunsad sa kanya bilang 34th Ginebra San Miguel Calendar Girl.
"Obra Maestra (Masterpiece)" ang tema ng 2025 calendars ng GSM, na merong anim na visual composition.
In-introduce ng host na si Paolo Abrera ang bawat pag-awit ni Julie Anne, sa saliw ng nine-piece orchestra with three back-up singers. May back-up dancers din siyempre.
Pagkatapos ng bawat production number ni Julie Anne ay may pausok at saka inire-reveal ang bawa’t litrato.
Iba-iba ang estilo o konsepto ng bawa’t visual composition, na iba’t iba rin ang produktong pino-promote na ipinatikim sa mga panauhin.

SIX LAYOUTS
Ipinagdiriwang ng Ginebra San Miguel ang kanilang ika-190 anibersaryo.
Ang iconic label nito ay likha ng National Artist na si Fernando Amorsolo.
Inspired ng nasabing logo ang first layout, kung saan ang pasiklab ni Julie Anne ay isang anghel na kalaban ng diyablo.
Sa second layout para sa GSM Blue Flavors na margarita, light gin, mojito at gin pom, naka-milk white si Julie Anne bilang Galatea.
Sa Greek mythology, si Galatea ay estatwang nililok ni Pygmalion sa ivory alabaster, na kapagkuwan ay nabuhay.
Parang si Machete na ginampanan nina Cesar Montano at Gardo Versoza sa Seiko movies, at ni Aljur Abrenica sa Kapuso telefantasya.
Sa ikatlong layout na para sa Primera Light Brandy, bughaw ang two-piece ni Julie Anne bilang Terpsichore, muse of lyric poetry and dance.
Sa fourth layout para sa Chinese wine na Vino Kulafu, ang peg ni Julie Anne ay si Diana, ang Roman goddess of hunting and the wild. Sa Greek mythology, equated si Diana kay Artemis.
Take note na ang pangalan ni Wonder Woman bilang Amazona ay Princess Diana of Themyscira. Ang civilian identity niya ay Diana Prince. Ang Wonder Woman Day ay Oktubre 21.
Sa fifth layout para sa GSM Premium Gin, karagatan ang background at may mga perlas sa suot ni Julie Anne. Inspired iyon ng painting ni Sandro Botticelli na The Birth of Venus, na nasa Uffizi Gallery sa Florence, Italy.
Siyempre, hindi naman puwedeng walang saplot ang Asia’s Limitless Star, na mahabang buhok ang tatakip sa kanyang hiyas at nakabuyangyang ang kaliwang boobey.
At ang sixth layout na para sa Antonov Vodka ay inspired naman ng 1814 oil painting ni Jean-Auguste-Dominique Ingres na Grande Odalisque.
Ayon sa Wikipedia, “An odalisque was a chambermaid or a female attendant in a Turkish seraglio, particularly the court ladies in the household of the Ottoman sultan.
“In western European usage, the term came to mean the harem concubine, and refers to the eroticized artistic genre in which a woman is represented mostly or completely nude in a reclining position, often in the setting of a harem.”
Siyangapala, kagaya ng mga nakaraang taon ay may QR code ang 2025 Ginebra San Miguel calendar. Kapag in-scan ang QR code gamit ang smartphone, may mapapanood na video clip kaugnay sa signature cocktail mixes ni Julie Anne.
GORGY RULA
Malaking karangalan para kay Julie Anne San Jose na mapiling 2025 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel.
“Nakakakaba but at the same time nakaka-excite because this is the first time that I’m doing this,” lahad ng Asia’s Limitless Star sa audion-visual presentation (AVP).
“Parang rebirth para sa akin bilang isang babae na maipapakita ko yung ibang side ko. ‘This is the moment…’ Basta, this is the moment.”
Kabilang sa naging calendar girls ng GSM sina Marian Rivera (2009 at 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heusaff (2012), Pia Wurtzbach (2019), Sanya Lopez (2020), Christelle Abello (2021), Chie Filomeno (2022), Yassi Pressman (2023), and Heaven Peralejo (2024).
Para maihanay sa mga ito, pag-amin ni Julie Anne, “Nape-pressure ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Na-pressure ako but at the same time, I feel proud.
“Kasi, to stand along side these women, women of influence, talagang nakaka-proud. Parang nakaka-proud maging babae.”
Read: Heaven Peralejo: "Hindi naman pag naka-bikini ka, you cannot be a lawyer or anything like that."
DIFFERENT PERSONAS
Ikinalugod ng Asia’s Limitless Star na nabigyan siya ng pagkakataon na i-portray ang iba-ibang persona sa kalendaryo.
“Yung mga artworks, or yung mga masterpieces ng iba’t ibang mga iconic artists natin,” saad ni Julie Anne.
“Parang meron siyang resemblance sa akin as an artist. So there’s me as a singer, as a dancer, as a performance host, as an actress, ahhmm as an influencer.
“Parang iba-iba siya, and I get to be anything I want to be pagdating sa craft ko.”
Ayon sa publicist ng Ginebra San Miguel 2025 Calendar na si Ed Uy, ang anim na kinanta ni Julie Anne sa kanyang launch ay "Simula" (Primera Light Brandy), "Choose What's True" (GSM Blue), "See You At The Club" (Antonov Vodka), "Kul-Disyon Sa Naay Ambisyon" (Vino Kulafu), "Free" (GSM Premium Gin), at "Lamang Ang May Tapang" (Ginebra San Miguel).
Waley sa repertoire ang "Dancing Queen."
Read: Julie Anne San Jose, na-bash sa pagpe-perform sa simbahan
NOEL FERRER
Kakaibang Julie Anne San Jose ang tampok sa 2025 calendar.
“Stronger, bolder and more confident in her own skin,” paglalarawan ng Asia’s Limitless Star sa sarili.
Ano ang pakiramdam niya matapos makita ang anim na visual composition?
Napangiti si Julie Anne, “Ako, sobrang saya ho. Ahhh sobrang thrilled, sobrang honored. I’m very, very happy...
“Thank you guys so much for the trust, and you know to represent a brand that has support with incredible and exceptional women is truly an honor.
“And you know, sobrang na-amaze din ako personally. Parang… wow, ako?! Parang hindi ako makapaniwala. Ako ba yun?! Hi! Hi! Hi!
“It’s amazing to see the final outcome and how everything came together, you know. Talagang team effort lahat. Collective effort.
“And I’m so, so thankful ahhmm sa entire team who pushed me to do my best, who supported me and made me feel comfortable and confident throughout the process.
“So it’s such a huge honor!” bulalas ni Julie Anne, sabay flying kiss sa photographer ng kalendaryo.
Looking forward ang Kapuso actress-singer-host na magtungo sa iba’t ibang panig ng banda para magkonek sa mga kapwa ka-Barangay.
“To promote the brand through drinks and music. So yeah, I heard there’s a musicfest, I’m so excited and I’m hoping to be part of it,” sambit ni Julie Anne.
