Hindi malilimutan ni Ai-Ai delas Alas ang petsang Oktubre 14, 2024.
Ito ang araw na nakatanggap siya ng text message mula sa asawa niyang si Gerald Sibayan na nakikipaghiwalay sa kanya.
Katuwiran umano ni Gerald, gusto niyang magkaroon ng anak at hindi na siya masaya.
Madaling-araw sa Pilipinas, 2 A.M., nang matanggap ni Ai-Ai ang mensahe mula kay Gerald na nasa Amerika.
Hindi makapaniwala si Ai-Ai sa nabasa niya ngunit napagtanto niya kinalaunan na seryoso si Gerald.
Read: Ai-Ai delas Alas, hiwalay na sa asawang si Gerald Sibayan
AI-AI DELAS ALAS ON BREAKUP WITH GERALD SIBAYAN
Ngayong Lunes, Nobyembre 11, ang ika-60 kaarawan ni Ai-Ai.
Kinumpirma ng Comedy Queen sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda ngayon ding araw na hiniwalayan siya ni Gerald sa pamamagitan lamang ng text message.
Mula noon, hindi na sila nagkita o nagkausap nang personal.

Nang bumalik si Ai-Ai sa tahanan nila sa Amerika ni Gerald noong Oktubre 27, wala na rin ang kanyang estranged husband, na karelasyon niya sa loob ng sampung taon.
Ikinasal sina Ai-Ai at Gerald noong 2017 pagkatapos ng tatlong taong relasyon bilang magkasintahan.
“Oo, hiwalay na kami. Sinabi niya na gusto niya magkaanak, hindi na siya happy,” pagbabahagi ni Ai-Ai kay Boy.
“Medyo confused ako, shocked.
"'Bakit ngayong oras na ito? Sana hinintay mo muna akong makauwi sa Amerika.' Maraming bakit."
Pagpapatuloy ni Ai-Ai, "In fairness, wala naman talaga kaming pinag-aawayan.
“Actually, sa buong [panahon] ng pagsasama namin, bilang sa daliri yung... discussion nga, e, hindi away. So, parang nagulat ako.
“Why ngayon? Anong meron sa October? Anong meron sa araw na ito? Bakit madaling-araw dito [sa Pilipinas]?
“Sumasagot ako sa chat niya, pero nag-sink sa akin nung umaga na.
"Siyempre, initial reaction ng asawa, nagalit muna ako. Sini-sink ko muna, ano ba itong nangyari?"
Read: Ai-Ai delas Alas, hiniwalayan ni Gerald Sibayan sa text message?

AI-AI ON BIG AGE GAP WITH GERALD
Nang makipagrelasyon si Ai-Ai kay Gerald noong 2014, alam daw niya ang sitwasyong kanyang pinasok.
Hindi siya apektado sa sinasabi ng mga taong hindi magtatagal ang kanilang pagsasama dahil tatlong dekada agwat ng mga edad nila — si Ai ay 60 na ngayon at si Gerald naman ay 30.
Read: 17 Filipino celebrity couples with big age gaps (female edition)
Para kay Ai-Ai, tulad ng marami, sumugal siya sa pag-ibig at pinaniniwalaan niyang totoong may panghabambuhay na relasyon.
Saad niya, “Actually, nung nagpakasal ako kay Gerald, nire-ready ko naman ang sarili ko sa ganitong magiging sitwasyon.
“Kasi alam ko na bata pa si Gerald. Baka magbago yung isip.
"Pero alam mo yung, 'Sana huwag. Sana totoong may forever. Sana binigyan talaga ako ni Lord ng pagkakataon na magkaroon ng maganda, matagal na pag-aasawa.'
“So, nagulat ako na ‘Ah ngayon na pala yon.’
“Akala ko, kapag 35 years old na siya [makikipaghiwalay sa akin]. Ito na pala yon.”
Ayon kay Ai-Ai, hindi na siya nakipag-usap kay Gerald pagkatapos ng kanilang palitan ng mensahe sa text bilang respeto raw sa sarili niya.
“Hindi na ako nakipag-usap kasi yung messages namin, parang wala nang pag-uusapan pa. Nasabi na niya na ‘Ito na yung firm decision ko.’”
Read: Ai-Ai delas Alas, Gerald Sibayan celebrate 10th anniversary in California
AI-AI ON WANTING TO HAVE A BABY WITH GERALD
Ano ang kanyang reaksiyon sa text message ni Gerald na hindi na ito masaya at gusto na nitong magkaroon ng anak?
Sagot ni Ai-Ai, “Yun ang tampo ko, the word is tampo.
"Kasi alam naman niya na bago niya ako pakasalan, hindi na ako magkakaanak, but I really tried my best.
“Meron kaming in vitro [fertilization]. Kahit mahina yung eggs ko, tina-try ko na mag-IVF.
“And then, meron kaming tatlong embryo, may name yon—si Graine, Gale... Meron pa kaming isa, si Gold. Meron pa kaming isang embryo.”
Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Ai-Ai ang pagpatak ng kanyang luha.

Pagpapatuloy niya, “Sabi ko sa kanya, kapag nagkapera kami, isu-surprise ko sana siya na ilalagay ko yung baby para meron kaming anak. Para magkaroon kami ng baby.
“Siguro yun ang nag-trigger sa kanya na ayaw niya ng surprise na bibigyan ko siya ng baby. Kasi, di ba, may isa pa kaming embryo, si Gold?
“Pero sinabi niya na nasasaktan siya na nawala yung dalawa naming baby.
“Sabi ko pa nga sa kanya, 'May isa pa tayo, si Gold. Anak mo rin yon. Yun ang i-try natin [na mabuo],' pero ayaw niya.”
Nagawa pang magbiro ni Ai-Ai na sigura ay ang gusto ni Gerald na anak ay pabilog, hindi pahaba.
Read: Ai-Ai delas Alas, dalawang beses nabigong makabuo ng baby via in vitro fertilization

IS THERE A THIRD PARTY?
Sumunod na tanong ni Boy kay Ai-Ai, “Hindi na siya [Gerald] masaya, saan nanggagaling?”
“Actually, hindi ko alam,” sagot ni Ai-Ai.
“Sabi ko nga sa yo, never naman kaming nag-away. Always discussion lang at bihirang-bihira yun.
"O siguro, baka hindi ko lang napapansin dahil nandito ako [sa Pilipinas]. Siya naman, busy sa work.”
Diretsahang tanong: may third party?
“Aahhh, bilang asawa, di ba ang mga asawa malalakas ang [pakiramdam]? Ako, ramdam ko meron. Ramdam ko. Gut feel.
"Pero it doesn’t matter kung meron o wala. Kasi nung sinabi niya na firm na siya sa decision, wala na naman akong ilalaban, di ba?
“Kapag lumaban pa kasi ako, kunyari nag-stay ako, alam ko naman ang magiging ending. Yung dignity at self-worth ko, mawawala na yon.
“Nagtira naman ako kasi alam ko na mangyayari uli yon. Kasi nung 2019, nag-cheat na rin siya noon," pagbubunyag ni Ai-Ai.
Dagdag niya, “So, parang may trust issues na ako. At siguro, isa yon sa minsan hindi ko alam na pagtalak ko sa kanya.
"O minsan, yung hindi naman mahigpit, pero yung tanong na, ‘Nasaan ka na? Sabi mo, 12 midnight nandito ka na.'”
AI-AI SAYS SHE DID NOT ASK FOR AN EXPLANATION FROM GERALD
Humingi ba siya ng paliwanag tungkol sa gusto ni Gerald na magkaroon ng anak at hindi na siya masaya?
Saad ni Ai-Ai, “Hindi ko na itinanong. Sa totoo lang, hindi naman sa nag-aano ako na ‘O ikaw na yung magaling.’
“Tinray ko naman ang lahat ng gusto niya, like gusto niya palagi akong nagluluto, so nagluluto ako. Gusto niya malinis ang bahay.
“Kumbaga, tinray ko naman ang lahat ng best ko.
"So, nung sinabi niya yon, ano pa ang… hindi naman puwedeng kapag gusto niyang maging masaya, tumambling na lang ako every day. Ano pa ba ang hindi ko ginawa, e, parang nagawa ko na lahat.”
Tanggap daw ni Ai-Ai na may kinalaman ang malaking agwat ng edad nila ni Gerald sa desisyon nitong iwanan siya.
Aniya, “Siguro nag-iba na yung priorities niya tapos baka nakakita siya ng mas magiging masaya siya, kaya malaking factor din yon.
“Alam na niya ngayon how to fly. Parang kasi dati, ako yung nagmamaniobra, kasi ako talaga yung medyo matanda sa kanya.
“So ngayon, meron na siyang karapatan to fly, nagwo-work na siya. Nandoon na siya sa Amerika.”
Read: Ai-Ai delas Alas, husband Gerald Sibayan "begin a new journey" in Virginia, USA