Muling nagbabalik sa paggawa ng horror movie si Lorna Tolentino matapos ang 29 taon.
Ang huli niyang ginawang horror movie ay ang Patayin sa Sindak si Barbara noon pang taong 1995.

Ngayon, isa siya sa mga bida sa Espantaho, official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Ang batikang horror film director na si Chito Roño ang direktor ng dalawang pelikula.
Read: Janice de Belen reacts to rumored breakup of John and Priscilla
LORNA TOLENTINO on co-stars: "Lahat talaga professional."
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lorna sa pictorial ng Espantaho noong November 12, 2024, kinumusta namin ang pakikipagtrabaho niya kina Judy Ann Santos at Janice de Belen.
Saad ni Lorna, "Sobrang honored and blessed ako na nakatrabaho si Juday because, child star kasi si Juday.
"So, alam din niya yung, parang, kailangan para mag-work ang scene, kailangan, hindi ka puwedeng madamot. Kailangan you're a giving person.
"Kailangan para maging effective bawat isa sa inyo, kailangan nagtutugma kayo.
"Yung magsu-swak yung emotions ninyo, parang nagkakatulungan na gumanda yung eksena at mabuhay nang husto at maramdaman ng tao, para mas maging realidad, katotohanan yung eksena."
Sabi naman niya tungkol kay Janice, "Everybody is like that, I think, because first of all, puro matatagal nang artista ang nakasama, ang nandidito sa Espantaho.
"Swak na swak na lahat kasi parang walang, walang diva, walang attitude.
"Lahat talaga professional."
Sina Lorna, Judy Ann, at Janice ay pare-parehong nagsimula sa showbiz industry bilang child stars.
Read: May love life ba si Lorna Tolentino? “Saging lang ang may puso.”
LORNA TOLENTINO EXPLAINS WHAT ESPANTAHO IS ALL ABOUT
Sa kabilang banda, kumusta naman ang pagbabalik niya sa horror genre?
Tugon ni Lorna, "Iba, e. Iba ngayon. Iba yung 1995.
"Unang-una na, daanin na natin sa digital ang camera ngayon. Twenty-nine years. Almost thirty years to be exact.
"Ipagpalagay mo nang 2025 na dadating, so thirty years, di ba?
"Ano na, technical na lang, ang dami nang pinagbago.
"Sa prosthetics na lang, ang dami na nga.
"Yung CGI na sinasabi nila na effects, ang dami nang pinagbago.
"So parang, siguro mas madali because pagdating sa... ay, yung prosthetics lang, mahirap na rin yung pagdating sa technology.
"Pero pagdating sa yung hirap pa rin sa pag-arte, sa lahat, siyempre ano pa rin, ganun pa rin."
Read: Lorna Tolentino reveals praying for the right one: “Yung tama yung ibibigay Niya.”
Ano ang role niya sa Espantaho?
Kuwento ni Lorna, "I'm the mother of Monet, my name is Rosa.
"Tapos, protective ako sa anak ko, kasi may sakit si Juday dito, si Monet.
"So, talagang ipaglalaban ko siya kahit saan, sobra.
"For me, this is a mother-daughter love story."
Ano ba ang ibig sabihin ng Espantaho?
Saad ni Lorna, "Espantaho is a scarecrow. Ang bahay nila ay malapit sa palayan.
"So, yung palayan ay isa sa mga minana nila na ari-arian ng kanyang ano....
"Puwede ko ba sabihin, yung first family and the second family? Isa na yun sa mga secret.
"May first family at may second family. At kami ni Juday yung second family.
"Ang first family ay si Janice, si Mon Confiado, at si Chanda Romero."

Ang Espantaho ay mula sa Quantum Films. Ipapalabas ito simula sa December 25.
