PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Side A on forbidding Joey Generoso from singing “Forevermore”

Side A members air side on forbidding Joey G from singing their banner song.
by Bernie V. Franco
Published Nov 16, 2024
Side A and Joey G.
Former Side A bassist Joey Benin, who composed the hit song "Forevermore," confirms that he asked Joey Generoso (right) not to sing the band's banner song since the latter already left the band.
PHOTO/S: Side A on Instagram / Joey G on Facebook

Nagsalita na ang ilang miyembro ng Side A ukol sa isyung pagbabawal kay Joey Generoso na kantahin ang kanilang hit song na “Forevermore.”

side a then & now
Itinerary of Side A's recent USA/Canada tour 2024

Ang Side A ay ang sumikat na banda noong dekada '90 at vocalist nila si Joey, aka Joey G., bago ito nag-solo noong 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga napasikat nilang kanta ay “Set You Free,” “So Many Questions,” “Tuloy Pa Rin Ako,” at ang “Forevermore” na tunay na tumatak sa kanilang mga fans.

Kahit hindi si Joey G. ang original na vocalist, highly identified siya sa mga kantang pinasikat ng banda.

Pero may lumutang na isyu nang tumanggi si Joey G. na kantahin ang “Forevermore” sa isang U.S. concert kasama si Noel Cabangon noon lamang October 2024.

Hindi nasuway si Joey G. na kantahin ang banner song na ito ng Side A kahit anong pilit sa kanya at ang ibinigay niyang dahilan ay pinagbawalan na siya.

Naglabas ng saloobin ang ilang miyembro ng Side A kaugnay ng isyu sa isang recent press con para sa kanilang upcoming November 30 concert.

Read: Joey Generoso pinagbawalang kantahin ang "Forevermore" sa concert

SIDE A MEMBERS SPEAK UP

Isang miyembro ng press ang inusisa ang banda sa isang recent presscon ukol sa isyung pinagbawalan umano nila si Joey G na kantahin ang "Forevermore."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang sumagot ang drummer na si Ernie Severino at kinumpirmang pinagbawalan si Joey G ni Joey Benin na kantahin ang “Forevermore.”

Si Joey Benin ang dating bass guitarist ng Side A at ang composer ng “Forevermore.”

Paliwanag ni Ernie, nang lisanin ni Joey G ang Side A at nagtayo ng sarili niyang grupo ay patuloy niyang kinakanta ang “Forevermore” at iba pang kantang pinasikat ng Side A.

Pakiramdam daw ni Ernie ay hindi ito fair dahil aktibo pa rin ang Side A.

“’Yung playlist namin nagkakapareho, e,” katuwiran ni Ernie. “So, parang iniisip ko, e, ‘Nag-solo ka na, e.’

“So nagiging confusing, parang nagiging dalawa yung Side A. ‘Tapos every time na lalabas siya, laging meron caption na, ‘formerly of Side A’ and it keeps happening many, many times. Pinapabayaan lang namin.

“And then, eventually, it came through Joey Benin’s attention na parang, ‘Teka, tigilan na natin ito.’ Parang ayusin natin na wag nang ganoon kasi hindi okay.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Giit ni Ernie, “Confusing, 'tsaka parang hindi tama. Nagsolo siya ‘tapos he’s still singing the same Side A playlist, hindi lang ‘Forevermore,’ even the other songs which was arranged and pinaghirapan din ng other members ng Side A.”

Sumunod namang nagsalita ang gitarista ng grupo na si Pido Lalimarmo.

Nilinaw ni Pido na hindi sila ang nagbawal kay Joey G na kantahin ang “Forevermore.”

Paliwanag niya, “If people think na kami as Side A ang nagsabi na huwag niyang kanta(hin), no. None of us ever said anything about it, and none of us had the right to say that…

“Kasi legally, dito sa atin, ang may kaparatan lang po sa amin is the composer himself, which Joey Benin masterfully explained.”

Tinukoy niya ang official statement na inilabas ni Joey Benin na nauna na niyang inilabas.

Nilinaw rin ni Pido na hindi isyu sa kanila nang magpaalam si Joey G na magsosolo ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Pido, “Nagsabi naman siya nang maayos, and he gave us enough time. Hindi naman yung biglaan, ‘Bahala kayo.’

“I’d like to remember na he left on good terms kami, na maayos kaming sinabihan na it’s time to go solo.”

Read: Chelsea Manalo enchants as a princess in a Manny Halasan gown at Miss Universe 2024 preliminaries

JOEY BENIN’S OFFICIAL STATEMENT

Kaugnay ng isyung ito, nauna nang naglabas ng isang mahabang official statement si Joey Benin.

Dito ay sinabi niyang personal niyang hiniling kay Joey G na huwag nang kantahin ang "Forevermore" at iba pang kanta ng Side A.

Nilinaw rin niyang maganda ang ugnayan at “brotherhood” nila ni Joey G.

"I reached out to JoeyG and his management to express my concern that his solo performances of Side A songs, particularly 'Forevermore,' were causing confusion among the audience regarding the identity of Side A,” parte ng pahayag niya na inilabas ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And so, I talked to him and encouraged him to co-write with other songwriters, work with arrangers para makatulong sa kanya in establishing his own identity.”

Ipinaliwanag dito ni Joey Benin na maraming effort ang ibinubuhos ng lahat ng miyembro ng isang banda para matapos ang isang kanta.

"My point is, what people hear is a finish product of a well-crafted song that was birthed out of passion, dedication and hardwork by the whole band.

“The lead vocalist understandably usually gets a lot of the credit, but that's totally okay with all of us; that’s part of being in a band.

“When one gets the credit, we all feel good because we know we all contributed to it,” sabi ng bassist and composer.

Bilang panghuli, ipinahayag ni Joey Benin ang kanyang hangad para kay Joey G at sa Side A.

"First, I hope that Joey G will have a good solo career that would not affect Side A, meaning he will be known to have his own songs as JoeyG and not singing Side A songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Second, that Joey G and Side A would get to settle their differences and be reconciled.

"Third, that all of the members of Side A will be on one stage someday performing and creating that wonderful music that God has gifted all of us."

Sinabi rin ni Joey Benin sa kanyang pahayag na maaari pa ring kantahin ni Joey G ang “Forevermore” at iba pa nilang pinasikat na kanta kapag kasamang magpe-perform ang Side A.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Side A bassist Joey Benin, who composed the hit song "Forevermore," confirms that he asked Joey Generoso (right) not to sing the band's banner song since the latter already left the band.
PHOTO/S: Side A on Instagram / Joey G on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results