Nagkaroon ng isyu sa Strings & Voices concert nina Noel Cabangon at Joey Generoso.
Ito ay dahil tumanggi ang former Side A lead vocalist na si Joey na kantahin ang hit song na "Forevermore"—isang halimbawa ng kasabihang "walang forever."
Ang Strings & Voices concert na itinanghal sa BAL Theatre, San Leandro, California, noong Oktubre 19, 2024.
Read: Side A and more than 50 bands sing for Yolanda victims

Nasaksihan ng U.S.-based Filipino-American talent manager na si Oliver Carnay ang insidente, at siya ang nagbigay sa Cabinet Files ng impormasyon tungkol sa nangyari.
Lahad ni Oliver: “May clamor ang mga nanood ng concert na kantahin ni Joey G. ang 'Forevermore' sa finale. Kasi naman, bakit nga wala ang 'Forevermore,' yun ang alam nilang signature song ni Joey G.
“Onstage, sinabi ni Joey na hindi na niya puwedeng kantahin ang 'Forevermore' dahil pinagbawalan siya.
“E, nanood ng concert si Medwin Marfil [former lead vocalist ng True Faith] dahil sa U.S.-based na rin siya.
“Umakyat si Medwin sa stage at siya ang nagpasimuno na kumanta ng 'Forevermore.' Tapos, si Noel Cabangon ang nagtuloy then nag-duet sila.
“Nung kinukumbinsi nila si Joey G. na makikanta, umuurong siya. Ayaw niya, hindi niya talaga kinanta ang 'Forevermore.'”
Read: Joey Generoso of Side A releases solo album; will have Zia Quizon as guest in his August 15 concert
JOEY G. NOT ALLOWED TO SING "FOREVERMORE" ANYMORE
Nakasama at nakausap ni Oliver si Joey G. sa cast party pagkatapos ng concert kaya nalaman niya ang ilang detalye tungkol sa pagtanggi ng former lead vocalist ng Side A na awitin ang kantang sumikat nang husto noong 1995.
“Magkasama kami sa cast party at dito nga namin napag-usapan ang isyu kaya ko nalaman na pinagbabawalan siyang kantahin ang 'Forevermore.'
“May U.S. and Canada tour din ang Side A. Nauna silang magkaroon ng show sa Los Angeles noong October 6.
“Sinabihan na si Joey na huwag na nitong kantahin ang 'Forevermore.' Nakiusap ang Side A, si Joey Benin kasi ang nag-compose ng kanta.
"E, matagal nang kinakanta ni Joey G. ang 'Forevermore.' Bakit ngayon lang siya sinabihan?” ani Oliver, na nagtataka tulad ng mga tagahanga ni Joey G. dahil hindi nito puwedeng awitin ang kantang pinasikat niya pero maaaring kantahin ng ibang mga singer.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Joey Generoso at Joey Benin kaugnay ng isyung ito.
Read: Andrew E., relevant pa rin sa music industry after 34 years