Si Victoria Kjaer Theilvig ng bansang Denmark ang itinanghal na Miss Universe 2024.
Ito ang kauna-unahang Miss Universe crown na naiuwi ng Denmark sa kasaysayan ng prestigious pageant.
Ginanap ang Miss Universe 2024 coronation night ngayong araw, November 17, 2024 (Philippine time) sa Mexico City Arena (Arena CDMX), Mexico.

Dinaig ni Victoria ang mahigit 120 kapwa niya kandidata mula sa iba't ibang bansa, kabilang na rito ang pambato mg Pilipinas na si Chelsea Manalo.
Pumasok so Chelsea sa Top 30 ngunit bigo na siyang makaabante pa sa Top 12.
Read:
- Chelsea Manalo fails to enter Top 12 of Miss Universe 2024
- Chelsea Manalo advances to Miss Universe 2024 Top 30
MISS UNIVERSE 2024 RUNNERS UP
Kung si Victoria ang kinoronahang Miss Universe 2024, si Chidimma Adetshina ng Nigeria naman ang first runner-up.

Nakamit ng bansang Mexico sa katauhan ng kanilang pambato na si Maria Fernanda Beltran Figueroa ang second runner-up.

Third runner-up si Opal Suchata Chuangsri ng Thailand.

Habang fourth runner-up naman si Ileana Marquez Pedroza ng Venezuela.

Ngunit bago sila koronahan ay masusi silang pinili ng mga hurado.
Sina Denmark, Nigeria, Mexico, Thailand, at Venezuela, ang nakapasok sa Top 5 para sumagot sa final question-and-answer round.
Read: Miss Universe 2024 winning answer
Sa ika-73rd edition ng Miss Universe, sina Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang nagsilbing host, habang sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at American actress na si Zuri Hall naman ang backstage correspondent.
Read: Details of Chelsea Manalo's Miss Universe 2024 finals evening gown
