Hindi makapaniwala si Judy Ann Santos na magiging sentro ng usapan sa social media ang teenager niyang anak na si Lucho Agoncillo, 13.
Bukod kay Lucho, may dalawa pang anak si Judy Ann at asawang si Ryan Agoncillo — sina Yohan at Luna.
Nag-viral si Lucho sa TikTok kamakailan dahil sa mga larawan niyang lumabas sa social media.
Tinawag pa nga siyang "heartthrob" ng iba.
Read: Trending Heartthrobs: Oliver Moeller, Andres Muhlach, Lucho Agoncillo
Reaksiyon ni Judy Ann dito: "Talaga ba? Ay, di ko alam. Sa TikTok?
"Parang alam ko kung saan siya nag-viral. Nung nag-comeback ang Judy Ann's Kitchen [JAK].
"Kasi part sila ng first episode namin. Yung pilot, oo.
"Kasi three years ako hindi nag-JAK. Tapos nakita na siya uli, malaki na siya.
"Kasi, di naman sila nakikita nung pandemic, e.
"Parang yung huling picture pa ni Lucho nung pandemic, botsok na botsok pa siya, e.
"Tapos nung bumalik na siya sa football, nung nagluwag na yung quarantine and all, bumalik na siya dun sa fitness routine niya.
"Kasi matakaw naman talaga siya at saka maayos matulog.
"So, yung shoot-up talaga nung growth hormones niya, kahit kami nagulat, e.
"Kasi nung pandemic, araw-araw kayo nagkikita. Pero every time, nagugulat kami na nakikita namin, lumalaki talaga yung mga anak namin.
"Right in front of our own very eyes.
"Parang, 'Tumangkad na naman ba tong mga to? Lumaki na naman ba tong mga to?'
"Parang, 'Nasa isang bahay lang naman tayo, ah.'
"Ang ano niya talaga, yung gusto mo siya, 'Teka, Lord, Lord, Lord. Please, hindi pa ako ready, help me.'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawang broadsheet editors si Judy Ann sa pictorial ng Espantaho noong November 12, 2024.
Ang Espantaho ay enrty ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries
JUDY ANN ON LUCHO'S IDEAL GIRL
Sa patuloy na pakikipagkuwentuhan namin kay Judy Ann, natanong sa kanya kung may girlfriend na ba si Lucho.
Sagot niya, "Alam mo, wala. Hindi pa siya... though I'm pretty sure naman, nagkaka-crush.
"May mga binabanggit naman siya sa akin. Pero parang mas maraming nag-aano sa kanya, yung nagpapahiwatig. Ayaw niya nung ganun."
View this post on Instagram
Ano ang mga gusto ni Lucho sa isang babae?
Ayon kay Judy Ann, "But si Lucho lang talaga, parang he just finds it na mas interesting ang babae kapagka... hindi niya type yung laging nagsi-cellphone, ayaw niya yan.
"Ayaw niya yung laging nagse-selfie."
Makaluma ba si Lucho?
Sagot niya, "Maaari. Ayaw niya nang bongga yung... ayaw niya ng maraming make-up.
"Ayaw niya yung... oo, ayaw niya.
"Ayaw niya nung ano, ayaw niya ng... gusto niya palagi mabango.
"E, kasi palagi nakasiksik sa akin, e.
"So, palagi ako inaamoy."
May ipinayo na ba siya kay Lucho tungkol sa panliligaw?
Saad ni Judy Ann, "Wala pa. Kasi wala pa naman din siya masyadong... magkukuwento lang siya.
"Minsan nga inaano ko siya, e, 'O, babe, is there like someone already?' 'Supposedly, but I don't like her anymore.'
"May ganun. May mga ganun lang, 'Oh, okay, ang bilis.'
"Basta pag may nakita siyang hindi maganda, hindi kasi siya bumabase basta lang sa looks.
"May ganun siya. Yung... kasi sa lahat naman sa kanila, siyempre yung Luna hindi pa naman masyado nakakaano, e.
"Especially kay Yohan, yung inaano namin, 'You know, don't just judge their looks. You know, kilalanin mo, kaibiganin mo.'
"And then, you have to know kasi kung puro ang intention."
Ayaw bang mag-artista ni Lucho?
Sabi ni Judy Ann, "Parang walang hilig, beh. Mas athlete talaga yung mindset niya.
"Mas gusto niya talagang maging professional football player.
"At least, sa mga pagkakataon.
"Very ano naman, masipag naman mag-aaral.
"Kasi ang usapan naman namin, 'You know, you can do both, pero pag may nag-fail sa class mo, sa subjects mo, mag-i-step back yung football.'
"So he knows how to balance everything, same thing with Yohan and Luna.
"Very open naman sila sa mga bagay-bagay."
Read: These videos of Lucho and Luna Agoncillo will complete our day
READ MORE:
