PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas takes a subtle swipe at Chloe San Jose

She also answers back netizen who mocks her personal life.
by Bernie V. Franco
Published Nov 22, 2024
Ai-Ai delas Alas and Chloe San Jose
Comedy Queen Ai-Ai delas Alas (left) indirectly comments about Chloe San Jose (right). Ai-Ai may not have directly responded to Chloe's post against Ai-Ai, but the actress's daughter and friend hit back at Chloe.
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas on Facebook / Chloe San Jose Instagram

May pahapyaw na pahayag si Ai-Ai delas Alas kay Chloe San Jose, girlfriend ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Recently, may Facebook post ang direktor na si Darryl Yap ukol sa sagutan nina Chloe at Sophia delas Alas, ang nag-iisang anak na babae ni Ai-Ai.

Batay sa caption ay kinatigan ni Darryl si Ai-Ai sa gitna ng palitan ng salita nina Chloe at Sophia.

Read: Who is Sophia delas Alas?

Sambit ni Darryl, bakit magagalit si Chloe sa naunang pahayag ni Ai-Ai na “girlfriend ka pa lang” gayong ito naman ang katotohanan?

Nagkomento si Ai-Ai sa post ni Darryl tungkol kay Chloe.

Sabi ni Ai-Ai: “hahahahahaa baby D [Darryl] .. nakupo d ka nya kaya pati yang anak ko nakupo ulit”

Mahihinuhang sa kabila ng pananahimik ni Ai-Ai, nais niyang ipunto na hindi uubra si Chloe sa mga kakampi ng aktres, tulad ni Darryl at anak na si Sophia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Darryl Yap Post
Ai Ai delas Alas comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang pasaringan nina Ai-Ai at Chloe nang maglabas ng opinyon si Ai-Ai ukol sa hidwaan sa pagitan nina Carlos at Chloe at sa pamilya ng athlete, partikular na ang ina nitong si Angelica Yulo, noong September 2024.

Payo ni Ai-Ai, huwag makipag-away si Chloe sa ina ni Carlos lalo pa't girlfriend pa lamang siya.

Nang pumutok naman ang balitang hiwalay na si Ai-Ai sa asawa nitong si Gerald Sibayan just recently, may post si Chloe na nag-viral na halatang pasaring kay Ai-Ai.

Read: Ai-Ai delas Alas, hiwalay na sa asawang si Gerald Sibayan

Komento ni Chloe (published as is): “back to you mamang, not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x –it’s just the universe’s law”

Read: Chloe San Jose defends "back to you" remark on Ai-Ai delas Alas

Nanatiling tahimik lang dito si Ai-Ai, pero hindi ang kanyang anak na babae na si Sophia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinagtanggol ni Sophia ang ina laban kay Chloe. Hinamon pa ni Sophia ang girlfriend ni Carlos kung talagang matapang daw ito.

Read: Anak na babae ni Ai-Ai delas Alas, may hamon kay Chloe San Jose

AI-AI RESPONDS TO MOCKERY

Usapang social media pa rin, hindi pinalampas ni Ai-Ai ang pangungutyang ginawa sa kanya ng isang netizen pagdating sa pakikipagrelasyon.

Itinutuon ngayon ni Ai-Ai ang oras sa sarili kasunod ng kumpirmasyong break na sila ng kanyang asawang si Gerald matapos ang sampung taong pagsasama.

Sinisikap maging abala ni Ai-Ai bilang bahagi ng kanyang pagmu-move on.

Read: Ai-Ai delas Alas “moving forward,” “lumalaban” after breakup

Sunud-sunod ang kanyang posts tungkol sa kanyang pagwo-workout para ituon ang oras at atensiyon sa sarili.

Sa isang recent post, kalakip dito ang pagsali ni Ai-Ai sa dance class sa gym studio.

Bagamat makikitang nag-e-enjoy si Ai-Ai na ngumingiti pa sa video, malalim ang caption niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya, “Mahabang proseso pero pipilitin kong maging mabilis at prodaktibo... hindi lamang para sa akin kundi sa iba pang kagaya kong may pinag dadaanan .. laban lang izumba naten yan”

Makahulugang hashtags niya sa post: #loveyourself, #movingforward, #withdignityandintegrity

Ai Ai Facebook post

Pero may komento na kinutya si Ai-Ai na kanya namang sinagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabigat ang mga salitang pinakawalan ng isang female netizen sa comment nito.

May bahid ito ng panghuhusga sa personal na buhay ng Kapuso actress.

Komento nito (published as is): “then hanap na naman ng ibang lalaki Naku sana nadala kana sa edad mo ngayon dapat self care, family care and most of all of your spiritual walk ang iprioritize mo, life is fleeting.”

Mahinahon ang sagot ni Ai-Ai na may patutsadang suporta ang kailangan niya ngayon.

Sagot niya, “kung wala kang magandang sasabihin might as well no support nalang .. this is not easy ..”

Kinatigan naman si Ai-Ai ng kanyang fans, at tumanggap ng kritisismo ang pakialamerang netizen.

Ai Ai delas Alas comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedy Queen Ai-Ai delas Alas (left) indirectly comments about Chloe San Jose (right). Ai-Ai may not have directly responded to Chloe's post against Ai-Ai, but the actress's daughter and friend hit back at Chloe.
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas on Facebook / Chloe San Jose Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results