Inilabas ng Southern Police District (SPD) ang actual video ng pag-aresto kay "alias Erin" na nangyari sa isang mall sa Pasay City noong Sabado, November 23, 2024.
Makikita sa video na inilabas ngayong Miyerkules, November 27, ang pagbabasa ng isang babaeng pulis kay "alias Erin" ng Miranda Rights.
Ang Miranda Rights doctrine ay binabasa o ipinapaalam sa isang taong inaaresto ang kanyang karapatang pantao.
Maririnig sa video ang sinabi ng pulis: "Narito po ako para po ipaalam at ihain po sa inyo ang warrant of arrest na in-issue ni Judge Gina Bibat Palamos ng Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City,
"Ito pong warrant niyo po ay para sa 14 counts under po siya Section 28 of R.A. 8799, on the Securities Regulation Code.
"Kayo po ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo, anuman po ang iyong sasabihin ay maaring gamiting pabor o laban po sa inyo.
"Kayo rin po ay may karapatan sa abogado, kung may kakayahan po kayo, may karapatan po kayong kumuha at pumili ng sarili po ninyong abogado, at kung wala po kayong kakayahan, bibigyan po kayo ng gobyerno."
Gayundin ang pagpili ng doktor para sa physical na pagsusuri.
Habang binabasa ng pulis ang Miranda Rights ni "alias Erin" ay nasa kabilang linya ng telepono ang abogado ng akusado dahil naringgan siyang nagsabi ng "Attorney..."

Read: Nino Muhlach, may update sa isinampang rape case ni Sandro
ABS-CBN NEWS CLAIMS NERI NAIG WAS ARRESTED
Direktang pinangalanan ng ABS-CBN News ang inaresto ng SPD — ang dating akres na si Neri Naig — base umano sa kanilang "multiple sources."
Bahagi ng artikulong inilabas nila ngayong araw: "Actress and businesswoman Neri Naig was arrested for alleged estafa and violation of the Securities Regulation Code, multiple sources confirmed to ABS-CBN News on Wednesday."

Read: Side A recalls how Joey Generoso left the band in 2015
FROM ALIAS NERI TO ALIAS ERIN
Ibinalita ng Southern Police District sa kanilang Facebook page nitong Martes ng gabi, November 26, 2024, ang pag-aresto nila sa isang actress-businesswoman.
Ngunit hindi nila direktang pinangalanan ang aktres na itinago lamang sa "alias Erin."
Ayon sa post ng pulisya, nangyari ang pag-aresto kay "alias Erin" sa basement ng isang convention center sa Pasay City noong Sabado, November 23.
Nagkaroon daw ng "manhunt" para mai-serve dito ang warrant of arrest para sa 14 counts of violation of Securities Regulation Code, hiwalay na kasong estafa, at syndicated estafa.
Ayon pa sa impormasyon, "Rank #7" sa listahan ng mga wanted sa police "station level" ang naarestong akusado.
Nakasaad ding aabot ng PHP1,764,000 ang buong halaga ng piyansa para sa paglabag sa Securities Regulation Code; at walang nakasaad na piyansa para sa kasong estafa.
Dahil walang bail o piyansa sa estafa cases, ibig sabihin, ikukulong ang naarestong actress-businesswoman.
Nag-issue na rin daw ng "commitment order" ang huwes na ang ibig sabihin, may kulungan nang naatasang pagdalhan sa naaresto.
Ang kabuuang pahayag ng Southern Police District (published as is): "A manhunt operation led by personnel of Sub-Station 10 Pasay City Police in coordination with Warrant and Subpoena Section, resulted in the arrest of alias Erin, a 41-year-old actress and businesswoman, at a basement convention center located in a mall in Pasay City on Saturday (November 23) at 2:50 PM.
"The accused, who is listed as Rank #7 (Station Level) for November 2024, was apprehended after a warrant of arrest was served for 14 counts of violation of Securities Regulation Code (Section 28 of R.A. 8799), docketed under Criminal Cases No. R-PSY-24-01653-CR to R-PSY-24-01654-CR and R-PSY-24-01829-CR to R-PSY-24-01840-CR issued by Hon. Gina Bibat Palamos, Acting Presiding Judge of the Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City, on September 18, 2024, and October 16, 2024. Bail was set at P126,000.00 for each of the counts; and Estafa under Article 315 Par 2(a) in relation to PD 1689 (Syndicated Estafa) docketed under Criminal Case No. R-PSY-24-01652-CR issued by Hon. Ronald August L. Tan, Acting Presiding Judge of RTC Branch 112, Pasay City dated September 17, 2024, with no stated bail.
"A commitment order has already been issued by the court."

Ang naunang impormasyong nailabas ng Southern Police District sa Facebook ay may nakalagay na "alias Neri."
Kalaunan, pinalitan ito ng "alias Erin."

Read: SPD reports arrest of actress-businesswoman “alias Erin”
Lumabas ang impormasyon mula sa pulisya ilang araw matapos maiulat sa online news sites ang diumano'y pagkaaresto sa dating aktres at ngayon ay negosyanteng si Neri Naig.
Read: Neri Naig clarifies P1K weekly meal plan: "Kunin ang mga sayote and other gulay sa bakuran."
NEWS ABOUT NERI MIRANDA'S ARREST
Noong November 24, 2024, sinabi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang tungkol sa diumano'y pagkaaresto ni Neri.
Sabi ni Ogie: "May nagpasa lang ng impormasyon na ito sa amin na last November 23 ay inaresto ng Pasay City Police sa kasong paglabag sa section 28 of the RA 8799 o ang tinatawag na the securities and regulations code ng Securities and Exchange Commission ang aktres at tinaguriang 'Wais na Misis' na si Neri Naig Miranda.
"Di pa malinaw kung anong eksakto ang dahilan at kung sino ang mga nagrereklamo. Kung totoo man ito ay mas magandang mapakinggan din ang panig ni Neri.
"Ang iniisip ng aming source ay baka may nakabanggan o nakatransaksiyon si Neri na di niya nakasundo sa negosyo kaya umabot sa kasuhan.
"Sana ay mapakinggan natin ang bersyon ni Neri at ng mga nagreklamo sa kanya."
Read: Neri Miranda spends quality time with family in Canada
Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa nagbigay ng anumang pahayag si Neri at ang asawa niyang si Chito Miranda.
Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
READ MORE:
- Chito Miranda receives brand new pickup truck as birthday gift from wife Neri Naig
- Neri Miranda gifts husband Chito Miranda with a small yacht on his birthday
- Neri Miranda’s "hello puson and cellulite" post cheered on by netizens
- Netizens drawn to Neri Miranda's flawless kili-kili in "motherhood" Instagram post
- Neri Naig tells the story of "Ang labanos"; it is the story of being bullied
