PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EXPLAINER: Neri Naig's syndicated estafa and violations

Why was Neri jailed?
by Mark Angelo Ching
Published Nov 28, 2024
neri miranda and a screenshot of her arrest
Neri Naig Miranda was detained at Pasay City Jail following her arrest for syndicated estafa and Securities Regulation Code violations.
PHOTO/S: @mrsnerimiranda on Instagram; Screen Grab from Southern Police District

Nasa headlines ngayon ang pagkakakulong ni Neri Naig Miranda dahil sa 14 counts of violation of the Securities Regulation Code (SRC) at syndicated estafa.

Read: SPD releases actual video of “alias Erin” arrest

Inaresto ng Southern Police District ang former actress turned businesswoman sa Pasay noong Sabado, November 23, 2024.

Read: SPD reports arrest of actress-businesswoman “alias Erin”

May piyansa ang mga SRC violations ngunit non-bailable ang kasong syndicated estafa kaya nakapiit ngayon sa Pasay City Jail si Neri.

Sa pahayag ni Chito Miranda, asawa ni Neri, sa Facebook kagabi, Miyerkules, November 27, binanggit niya ang pangalang "Chanda" at ang kumpanyang "Dermacare."

Read: Chito Miranda defends wife Neri Naig; confirms Neri now in jail

Sa previous social-media posts ni Neri, matutukoy ang naging koneksiyon niya kay Chanda Atienza, na may-ari ng Dermacare, isang beauty clinic.

NERI MIRANDA'S VENTURES WITH DERMACARE

Noong October 2020, inilunsad si Neri bilang endorser at franchisee ng Dermacare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post sa Facebook noon ang beauty clinic ng mga pictures ng contract signing ni Neri kasama si Chanda.

neri miranda signed an endorsement contract with dermacare's chanda atienza
Neri Miranda with Dermacare's boss Chanda Atienza
Photo/s: Dermacare on Facebook

Deleted na ang post ngunit makikita pa rin ang mga larawan kung sisiyasatin sa Google Images.

Noong July 2021 naman ay masayang inanunsiyo ni Neri ang pagbubukas ng ilan niyang mga negosyo, kasama na ang branch ng Dermacare sa isang mall sa Tagaytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
neri miranda venture
A previous post of Neri Miranda announcing her latest business venture
Photo/s: @mrsnerimiranda on Instagram; Screen Grab from Southern Police District

SECURITIES REGULATION CODE VIOLATIONS

Bilang franchisee at endorser, ginamit ang larawan ni Neri sa Franchise Partner program ng beauty clinic noong October 2021.

neri miranda promoting franchise program of dermacare
Photo/s: Dermacare on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakuha ng PEP ang detalye ng Franchise Partner program mula sa website ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Nakasaad dito na magbibigay ang isang investor ng 250,000 pesos sa Dermacare.

In return, magbibigay ang Dermacare sa investor ng 31,500 pesos every quarter sa loob ng limang taon at mag-i-issue ng post-dated checks sa investor.

Kung susumahin, 630,000 pesos ang babalik na amount sa Franchise Partner, o 380,000-peso earning minus the initial 250,000-peso investment.

Hindi binanggit kung ilan ang nahikayat ng Dermacare na sumali sa programang ito.

Pero malinaw na marami sa mga Franchise Partners ang nadismaya dahil hindi natupad ang napagkasunduang kita.

Sa iba’t-ibang social-media platforms, may mga nakita ang PEP na posts and comments umano ng mga investors na nagreklamo sa pagtalbog ng mga checks na ibinigay ng Dermacare.

Marami rin sa mga investors ang nag-report sa SEC, ang ahensiya ng gobyerno na namamahala sa mga investments sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil diyan, noong September 8, 2023, may inilabas na SEC advisory na nagsasabing hindi na awtorisado ang Dermacare na tumanggap ng mga investment dahil hindi ito kumuha ng mga kaukulang permit mula sa ahensiya.

SEC advisory
Photo/s: SEC website

Ayon kasi sa SRC o Republic Act 8799, kailangang magrehistro sa SEC ang anumang negosyo o sinumang tao na tatanggap, magbebenta, o magpo-promote ng mga investment programs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Section 28 ng SRC, “No person shall engage in the business of buying or selling securities in the Philippines as a broker or dealer, or act as a salesman, or an associated person of any broker or dealer unless registered as such with the Commission.”

Bago lumbas ang SEC advisory, inanunsiyo ni Neri ang pagkalas niya sa Dermacare.

Saad niya sa isang Facebook post noong September 1, 2023:

“I would like to take this opportunity to inform you all that I am no longer affiliated or associated with Dermacare.

"It is important for me to make this announcement to ensure transparency and avoid any misunderstandings."

Ngunit kahit pinutol na niya ang koneksiyon sa Dermacare ay nadawit pa rin siya sa kasong isinampa ng SEC noong May 22, 2024.

Ayon sa balita, meron siyang 14 counts of violations, at bawat paglabag ay may kaukulang 126,000-pesos bail.

Ayon din sa Section 73 ng SRC, maaaring patawan ang dating aktres ng 50,000 pesos hanggang 5 million pesos na penalty, at pitong taon hanggang 21 taon na pagkakakulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ESTAFA VS SYNDICATED ESTAFA

Bayaran man ni Neri ang higit na 1.7 million pesos na piyansa para sa kanyang SRC violations ay hindi pa rin siya agad makakalaya dahil sa kasong syndicated estafa.

Ano muna ang estafa?

Ayon sa Article 315 ng Revised Penal Code (RPC), ito ay swindling o panloloko o pandaraya sa isang tao para makuha ang kanyang pera, ari-arian, o anumang bagay na may halaga.

Ang ilang mga aksiyon na tinuturing na estafa ng RPC ay ang pag-isyu ng tumalbog na tseke o ang pagpirma sa isang kontrata kahit walang balak na tuparin ito.

Hanggang 20 years na pagkakakulong ang maaaring kaharapin ng sinumang mapapatunayang guilty sa estafa.

Ano ang syndicated estafa?

Samantala, maaaring hatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang sinumang mapatunayang guilty sa mas mabigat na kasong syndicated estafa.

Ayon sa korte at sa Presidential Decree No. 1689, maaaring kasuhan ng syndicated estafa ang grupo ng lima o mas marami pang tao na nagtulungan upang mangulimbat ng pera mula sa mga investors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa malinaw kung sinu-sino pa bukod kay Neri ang idinawit sa kasong syndicated estafa.

WHY IS SYNDICATED ESTAFA NON-BAILABLE?

Kung estafa lamang ang kaso laban kay Neri ay maaari siyang magpiyansa.

Sa batas ng Pilipinas, bailable o maaaring magpiyansa ang mga suspek na sinampahan ng kasong mababa sa habambuhay na pagkakakulong ang parusa.

Pero dahil hanggang habambuhay na pagkakakulong ang parusa sa syndicated estafa ay hindi maaaring magpiyansa si Neri.

Gayunpaman, may mga pagkakataon kung saan nakapagpiyansa ang suspek na may parehong kaso.

Halimbawa na lamang ay ang nangyari kay Ricardo Cepeda, na nakauwi na noong September 2024, mula sa 11 months na pagkakakulong.

Read: Ricardo Cepeda: from incarceration to prison release

Pinirmahan ni Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid ang resolusyong pinapayagang magpiyansa ang aktor sa kaso niyang syndicated estafa.

Walang lumabas na klarong impormasyon tungkol sa halaga ng piyansa ni Ricardo, pero ito ang nakasaad sa dokumentong nakalap ng PEP:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Having posted cash bond duly approved by this Court, the Warden of the Cagayan Provincial Jail, Tuguegarao City, Cagayan, where the accused is ordered to RELEASE the accused on provisional liberty unless held for some other lawful cause."

Bukas ang PEP sa panig ng lahat ng sangkot sa balitang ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neri Naig Miranda was detained at Pasay City Jail following her arrest for syndicated estafa and Securities Regulation Code violations.
PHOTO/S: @mrsnerimiranda on Instagram; Screen Grab from Southern Police District
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results