Nakapambahay lang na nag-audition si Ney Dimaculangan upang maging bagong bokalista ng sikat na bandang Orient Pearl.

“Wala pa nga yata akong brief noon,” pabirong bulalas ni Ney.
Hindi rin daw kita ang kanyang mukha at pawang kamay lang niya ang kita sa naturang blind audition video ni Ney.
Sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ney kung bakit kamay lamang ang ipinakita niya sa kanyang blind audition video…
“Hindi pa ako naghilamos nun e,” pakli ni Ney.
“Iyon lang, kagigising ko lang nun, e. Or matutulog na?
“Parang ganun. Sabi ko wala nang mukha.”
Gusto ba niyang sorpresahin ang grupo?
“Hindi naman… parang gusto kong marinig nila yung boses ko, hindi yung kung napakaguwapo ko ba,” at tumawa si Ney.
Pagpapatuloy pa niya, “So gusto ko yung boses lang kasi yung boses lang naman ang hinahanap nila, e.”
Dagdag pang sinabi ni Ney, “Ang bilis ng pangyayari, nagpa-audition kasi sila online.
“Then sabi ko, ‘Sige nga.’ Nakapambahay pa ako noon. Nag-video ako. Sinend ko, may tumawag na parang ini-invite na ako na makipagkita.”
“Ganoon ang nangyari, galing pa ako ng Pangasinan.
“Eventually, nag-usap-usap kami. Nakapag-jam naman kami and wala naman silang reklamo. They decided na ito na ang start.”
At kung pamilyar ang pangalan ni Ney, iyo ay dahil galing siya sa sikat ring banda, ang 6cyclemind.
Kinumusta namin kay Ney ang dati niyang banda.
Aniya, “Ah nandiyan pa, 6cyclemind is still around and ang kanilang vocalist is si Tutti Caringal, yung dating drummer, siya ngayon yung vocalist and nagpe-play pa rin naman sila.”
Read: Iconic ‘90s band Teeth reunites for series of bar shows
ORIENT PEARL UNVEILS NEW BAND LINEUP, SONGS

Ang Orient Pearl ay mina-manage ngayon ni Jaworski Garcia ng Blacksheep Records Manila.
Binuo noong 1993, phenomenal hit ng grupo ang kantang "Pagsubok."

Abril ngayong 2024 ay kinausap nina Leo Awatin (founder at lead guitarist ng grupo) at Ryan Gomez (bassist) ang mga orihinal na miyembro na sina Dexter Panlilio (keyboardist) at Naldy Padilla (vocalist), ngunit hindi na nakapag-commit ang dalawa na muling sumali sa Orient Pearl. Nasa Canada na si Dexter at si Naldy ay may iba nang mga plano.
Ang bago nilang single na “Hari” ay available na sa mga digital platforms na tulad ng Spotify, Apple Music, Deezer, YouTube Music at marami pang iba.
Nakapanyam namin ang buong grupo nitong Nobyembre 7 sa 12 Monkeys Bar sa Estancia Mall, Pasig City.
Read: Eraserheads turns back the clock at "Huling El Bimbo" reunion concert
NEY SHRUGS OFF COMPARISONS TO FORMER VOCALIST
Samantala, alam ni Ney na hindi maiiwasang ikumpara siya kay Naldy.
Lahad niya, “Matic naman iyan.
“Sabi ko nga, you cannot please everyone, so automatic na response ng tao yun even though kahit maganda minsan, natural lang iyan.
“So you just have to make sense kung tama ba yung comment nila and you can use it positively.
“Or if it’s a negative thing, exit na lang sa kabila. So ganun na lang and basta as long as your intention is pure, wala kang sinasagasaang tao, I guess iyon yung pinakamahalaga.”
NEY HAPPY TO BE PART OF ORIENT PEARL
Masaya si Ney na maging bokalista ng Orient Pearl.
“Nostalgic. Orient Pearl been a part of my musical journey. Bata pa ako, nandiyan na sila.
“I am honored to be part of a band that I love and adore.
“I really don’t know kung ano ang ine-expect nila at mabibigyan ko ba ng justice. Ang sa akin, give me time na angkinin ko muna yung kanta.
“Kapag inangkin mo na yung kanta, lalabas sa puso mo yun. Sabi ko nga sa bashers, give us time and give us a chance.
“Malay niyo magustuhan niyo,” ang nakangiting sinabi pa ni Ney.
Bukod kay Ney, ang banda ay binubuo ngayon ng mga datihan at bagong miyembro na sina Budz Beraquit (keyboardist), Leo Awatin (founder and lead guitarist), Ryan Gomez (bassist), at Third Caez III (drummer).
Read: 6cyclemind members have a brush with mischievous spirits
ORIENT PEARL THANKS FANS FOR THEIR LOYALTY
At ayon sa leader ng grupo na si Leo, “Hindi naman kami nag-disband. Nagkaroon lang kami ng iba’t ibang priorities noon. Itong pagbabalik namin, may obligasyon kami.
“Maraming nagme-message sa amin na na-inspire sila ng 'Pagsubok.' Kaya itong pagbabalik namin ay bilang pasasalamat dahil hanggang ngayon pala ay may nakikinig pa sa amin.
“We are making a comeback mainly for the fans. We owe it to them. They have been asking us to release new songs for the longest time so, here we are and we’re back for good.”
Ayon pa sa grupo, “Since 'Pagsubok,' a lot of fans have told us that our music helped them survive tough times. So, with this comeback, that is our goal, to continue and further cement that legacy.
“People first heard us in the ‘90s. Now, most of them are fathers, mothers. Now, we want to reach out to their children, to the new generation and inspire them as well.”
ORIENT PEARL MEMBERS CLAIM THEY NEVER DISBANDED
Nagpapasalamat din ang Orient Pearl na hindi sila nalilimutan ng publiko.
Anila, “Nagpapasalamat kami dahil hanggang ngayon pinapakinggan nila, new generation, alam yung kanta kahit saan ka magpunta, kahit saang bar.
“Kahit saan… yung mga batang makausap mo, kilala nila yung kanta. E, paano ba namin kayo pasasalamatan?
“Magpapakita uli kami, buhay pa kami, nandito kami, gagawa kami ng bagong kanta para sa inyo.
“Gusto namin kayong ma-motivate. Kung mahilig kayo sa music, musician kayo, di ba? Gawin niyo yung gusto niyo, gawin niyo yung pangarap ninyo sa buhay.
“Yun ang gusto namin. Ibig sabihin, there’s no stopping us. So, iyon yung mga message na gusto naming ipalabas.
“Malaki ang utang na loob namin sa mga taong nakikinig sa mga kanta namin, na ginawa namin noon.
“Ito yung time na makakapagpasalamat kami kasi bigla kaming nawala noon, e. Di ba?
“Wala kang Orient Pearl, sikat pa noon, e. Di ba? So, siguro at that time, at that year, napagod kami. Pero na-realize namin na kailangan nating ibalik sa masa,” pahayag pa ng grupo sa pamamagitan ni Leo.
Pagpapatuloy pa ni Leo, “Actually, hindi naman kami na-disband e, wala kaming ganun.
“Hindi kami nag-away-away. Para bang meron kaming…
“Twenty years ago, more than twenty years, parang hinanap lang namin mga bawat sarili kung saan kami pupunta, ganun ang nangyari.
“Hanggang sa nawala na kami dahan-dahan, and we have different lives and then, iba-iba na tinakbo namin, so that's it.
“Ganun ang nangyari sa Orient Pearl, but we are here now to prove something. Even though ang kalaban namin yung mga mas younger version sa amin, mga bagong artist ng banda, but we are willing, puwede kaming sumabay sa kanila.
“Hindi ko sinasabing our music is uso ngayon but let's see kung anong mangyayari in the future with our new vocalist.”
Ano ang feeling na bago ang kanilang bokalista na nanggaling rin sa sikat na grupo?
“First time na nag-meet kami tapos naka-jam namin kaagad si Ney,” lahad ni Leo.
“Talagang na-shock din ako, na-starstruck ako sa kanya, lalong-lalo na kaming dalawa ni Third, nagtitinginan kami habang nag-eensayo.
“Tapos, tinututugtog namin yung kanta niya na 'Upside Down.' So iba yung feeling na meron kang pronta kesa doon sa nangangapa kami kung sinong kukunin namin… manghihiram kami.
“So sa aming sobrang positive yung pagdating talaga ni Ney.”
