Sa may sukdulan ng pelikulang The Kingdom nagtagpo sina Lakan Makisig, karakter ni Vic Sotto, at Sulo, karakter ni Piolo Pascual.
Doon pa lang nakapag-bonding ang dalawang aktor.
“Sumobra ang bonding namin. Rurok na yung naging bonding namin!” bulalas ni Bossing Vic sa mediacon noong Nobyembre 29, 2024, sa Novotel Manila Araneta City, Cubao, Quezon City.
Sa naunang panayam kasi ni Vic sa Cabinet Files, nasabi niyang hindi sila nakapag-bonding ni Piolo during shooting.
Pero hindi siya by choice.
Ang kuwento ni Vic that time, "Hindi puwede, e. If you watch the movie, hindi kami magkaibigan. So ako talaga, I tried staying away.
“Iba kasi yung best friend mo tapos ganito ang eksena, ang hirap.
"Mas believable yung eksena na first time kaming magkikita, may drama sa likod ng buhay niya, may drama sa likod ng buhay ko, magkikita kami, mas effective.
“But we are friends, hindi lang kami nagba-bonding.”
Read: Vic Sotto, hindi nakipag-bonding kay Piolo Pascual sa shooting
During the mediacon, nag-agree si Piolo, “Yeah, just like what Bossing said, it was really hard to mingle with everyone, not just with each other, because we had to be in our character, be focused.
"So even sa set, tig-iisa-isa kaming tent. Kasi kailangang naka-focus kami sa gagawin namin."
Most of the time, seryoso raw sila sa pagiging in character dahil ganun din si Vic.
Ang kuwento ni Piolo, “Ahhh, it was a fun film to shoot, but it was really hard because of the lines, because of the costumes, because of the set, because of the pressure.
“So I think we were all doing some sort of a method just for us to get into our character and make sure na hindi kami magbe-break ng character.
“So we never had a chance to talk with each other. We never had the chance to bond. And it worked well for the film.
“Kasi kinailangan namin iyon para in the end, pag nagkita na kami, makikita namin iyon, kung ano talaga yung kailangan namin sa isa’t isa."

Read: Vic Sotto first serious film ang The Kingdom; paano napapayag?
VIC SOTTO'S FANBOY MODE ON
Ano ang natuklasan nina Piolo at Bossing Vic sa isa’t isa matapos silang magkaroon ng pagkakataon na mag-bonding?
Mabilis na tugon ni Bossing Vic, “Ako, isa lang ang nadiskubre ko. I’ve heard about this guy before. Magaling daw na artista, ganyan-ganyan.
"Napatunayan ko that he is a seriously good actor.
"As a matter of fact, in one of the sequences that we were together, medyo pinapanood ko siya nung wala akong take, medyo nag-fanboy mode ako, e.
"Totoo yun, totoo, totoo. Pinapanood ko lang siya. Ang galing! Ang hahaba ng dialogue, pero hindi siya nagkakamali!’
"Ako, kapiraso lang, buma-buckle pa, e. Yun, napatunayan ko na seriously good actor."
Ang bilib na bilib pang sabi ni Bossing, “Not just a good actor, he’s a good person in and out. Magaling ito!"

Read: Piolo Pascual raves about Vic Sotto's dramatic prowess
PIOLO PASCUAL'S REACTION
Naging speechless si Piolo sa tinuran ni Vic.
"Thank you, Bossing,” pakli ni Piolo.
“Hindi ka na po alam yung sasabihin ko. Ahhh one thing, I discovered about Bossing, you know, you’re not gonna last long in this business if your heart is not in the right place.
"And I must say, sa nakita ko, yung dedication sa craft, yung commitment niya sa trabaho, yung sa pagmamahal niya not just sa trabahom but sa buong paligid niya, sa environment niya, yung professionalism.
"You know you’re not gonna last long in this business staying on top if you are not that good of a person, if your heart is not good.
"And that’s what I saw. Napakabait na tao ni Bossing. Sobra!"
Sambit ni Vic, “Thank you."
COMEDY FILM AFTER AFTER THE KINGDOM?
Sa The Kingdom, ginawa ni Bossing Vic ang forte ni Piolo na drama.
Inaya ba ni Bossing Vic si Piolo na gumawa naman ng pelikulang comedy kasama siya?
Natatawang sagot ni Piolo, “Sabi niya kanina. Kung gaano raw siya nahirapan dito, ako naman daw ang mahihirapan pag nag-comedy. So, yeah.”
Sambit ni Bossing Vic, “That’s my next dream movie, a comedy film with Piolo Pascual… pinahirapan ako, e!
“Siya naman ang pahihirapan ko ngayon!”
Kakasa ba si Piolo sa hamon ni Bossing Vic na mag-comedy sa next movie nila together?
Sagot ni Piolo, “Wala naman akong choice!” *
Magaling bang umiyak si Bossing Vic?
Mabilis na sagot ni Piolo, “Ah, magaling po siya talaga, e. Magaling po talaga si Bossing.
"Ako nga minsan, kaya nara-rattle ako, e. Kaya hindi ako puwedeng tumingin. Hindi ako puwedeng mag-break ng character."
Dugtong niya, "Kasi gusto ko sanang magpa-picture muna. Kaso hindi puwede.
"Kaya kanina lang kami nakapagpa-picture. Kanina lang!"
Now, it's Bossing's turn to say what it was kay Piolo bilang tao, bilang artista?
Pahayag ni Bossing Vic, “First of all, I wanna thank him for being what he is. For accepting the film.
"And this is parang… sa akin, ito, isa sa mga milestones ng aking career sa showbiz. Doing a film with a good actor like Piolo Pascual and the rest of the cast. “
Na talagang seryoso. Ako’y namulat, e, sa totoong mundo ng pelikula. So I just wanna thank him. He’s a good guy. “Ahhmm yung ilang eksena na pinagsamahan namin, e, nakatatak dito sa puso ko, e.”
