Ngayong hindi aktibo sa showbiz si Angelica Panganiban dahil sa pag-aalaga ng anak at pamilya, binalikan niya ang mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Sa Instagram nitong nakaraang December 3, 2024, ibinahagi ni Angelica ang collage ng ilang larawan noong bata pa siya.
Kabilang dito ang tinatawag niyang "modeling era" kung saan nagwagi siyang Little Miss SM 1993, second runner-up.

Read: Angelica Panganiban: Better in Time
Sa caption, sinabi ni Angelica na ito ang pangarap ng kanyang yumaong inang si Annabelle Panganiban para sa kanya.
Iba raw kasi ang gusto niya noon.
Saad niya, "In my modeling era [sparkles emoji] presenting, your little miss SM 2nd runner up 1993, Angelica Panganiban. [woman bowing emoji]
"Dito nag simula ang lahat ng pangarap ni mama para sakin. Yes, pangarap niya. Ang pangarap ko lang nung 6 yrs old ako ay makapag laro sa kapit bahay na hindi ako hahanapin kahit madilim na. [Shoutout sa mga kalaro ko sa Balut, Tondo]"
Ang naging talent daw niya ay ang pagtula ng "The Owl and the Pussy-Cat", isang nonsense poem ni Edward Lear.
Dagdag niya, "Tumula nga pala ko ng “the owl and the pussycat” para sakin talent portion. Talo ako malamang. Yung mga kasamahan ko nag doble kara, nag magic, super dance at birit. Walang placing ang tulang ambag ko. And I,, Thank You!!"
Read: Angelica Panganiban's mother Annabelle passes away at 61
View this post on Instagram
Sa kanya namang Instagram Story, tila pinuproblema ngayon ni Angelica kung makakabalik pa ba siya sa showbiz.
Hindi na raw kasi niya kaya ang puyatan.
Biro niya, "7:41inaantok ka na.. makakabalik pa ba ko sa mundo ng showbiz na bidabest ang puyatan?"

Read: How Dennis Trillo, Jennylyn Mercado's film company was born
ANGELICA PANGANIBAN SHOWBIZ HISTORY
Nagsimula sa showbiz si Angelica nang mapasama siya sa pelikulang Antipolo Massacre, taong 1994, na ang direktor ay si Carlo J. Caparas.
Nasundan ito nang mapabilang siya sa cast ng Kadenang Bulaklak ni Joel Lamangan at sa Chito Roño’s critically-acclaimed drama film na Separada.
Nakitaan ng galing ng mga manonood si Angelica sa naturang pelikula kaya naman nagawaran siya ng Best Child Actress award.
Mas lalong yumabong ang career ni Angelica dahil sa pagiging bahagi niya ng ABS-CBN’s children’s comedy variety show, Ang TV.
Mas lalong hinangaan si Angelica ng publiko, lalo na ang mga kabataan, dahil sa film adaptation ng Japanese cartoon series, Sarah… Ang Munting Prinsesa, taong 1995.
Ginampanan niya ang role na Becky, ang batang helper na naging kaibigan ni Sarah Crewe, played by Camille Prats.
Mula noon, isa na sa hinahangaang personalidad sa showbiz si Angelica.
