PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban's mother Annabelle passes away at 61

Annabelle Panganiban passes away on August 20, 2024.
by Arniel C. Serato
Published Aug 21, 2024
Angelica Panganiban's mom Annabelle dies
Actress Angelica Panganiban announces the passing of her mother, Annabelle Panganiban, on August 20, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Pumanaw na ang ina ni Angelica Panganiban na si Annabelle Panganiban noong August 20, 2024, Martes.

Siya ay 61 years old.

Sa Instagram ngayong gabi ng Miyerkules, August 21, ibinahagi ni Angelica ang isang anunsiyo tungkol sa pagkmatay ng kanyang ina.

Nakasulat sa announcement:

"IN LOVING MEMORY OF ANNABELLE "EBELA" PANGANIBAN

"FEBRUARY 03,1963 - AUGUST 20, 2024

"Wake and memorial service will be held at

"AETERNITAS CHAPELS AND COLUMBARIUM (beside St. Peter Parish, Commonwealth)

"Starting August 22,2024"

Walang inilagay na detalye si Angelica kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng ina.

Bumuhos naman kaagad ang pakikiramay ng celebrity friends ni Angelica.

Kabilang sa kanila sina John Arcilla, Carla Abellana, Angeline Quinto, Neri Miranda...

Celebrity condolences for Angelica's mom
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayundin sina Dominic Roque, Enchong Dee, Carol Banawa, Miles Ocampo, at Coney Reyes.

Celebrity condolences for Angelica's mom

Nagpaabot din ng kanilang pakikiramay sina Barbie Imperial, Bea Alonzo, Bela Padilla, Kim Chiu, Camille Prats, Pauleen Luna, at JC de Vera.

Celebrity condolences for Angelica's mom
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Celebrity condolences for Angelica's mom

May mensahe rin sina Rocco Nacino, Candy Pangilinan, Jolina Magdangal, Jugs Jugueta, Regine Angeles, at DJ Chacha.

Celebrity condolences for Angelica's mom
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Angelica Panganiban, Gregg Homan wed anew in Siargao

ANGELICA AND ANNABELLE RELATIONSHIP

Huling nag-post si Angelica tungkol sa inang si Annabelle noong second wedding ng aktres sa asawang si Gregg Homan noong April 20, 2024 sa Siargao.

Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang ina dahil pinalaki raw siya nito nang tama.

Mensahe ng aktres sa ina (published as is): "Mama, alam ko kung gaano ka kasaya. Nauwi ako sa tamang tao.

"Madalas tayo mag biruan, sinasabi mo na alagaan ko si gregg at UMAYOS AKO [winking face emoji] ang sagot ko naman, maaa, dead na dead yan sakin [face with tears of joy emoji]

"pero ang totoo, hindi ako magiging sapat na mama ni bean ngayon at may bahay ni gregg kung hindi mo ko napalaki ng tama.

"Lahat ng meron ako ngayon ay pasasalamat ko sayo.

"Ikaw ang kayamanan ko na kaya kong ipagmalaki kahit kanino dahil ang lahat ng aral na napulot ko sayo ang ipapamana ko sa pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ako perpekto at ideal na anak. Matigas ang ulo ko at madalas nilalaban ko ang mga gusto kong subukan.

"Pero hindi mo ko pinigilan o sadyang wala ka na lang nagawa.

"Salamat at hinayaan mo kong subukin ang lahat para sa ikakatapang ko. Mahal kita ma. [heart emoji]"

Read: Angelica Panganiban on Gregg Homan: “Tinapos niya ang sad girl era ko.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban announces the passing of her mother, Annabelle Panganiban, on August 20, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results