PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pauline Mendoza denies attitude problem on the set

It has been more than a year since she broke up with Mayor Bryan.
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 9, 2024 | Updated Dec 9, 2024
Pauline Mendoza at the Green Bones presscon
Pauline Mendoza addresses and dismisses rumors suggesting unprofessional behavior at work stemming from personal issues.
PHOTO/S: @paulinemendoza_ on Instagram

Nagpapaka-busy ngayon sa kanyang showbiz career ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza.

Galing na rin sa kanya na medyo naging pabaya siya sa taong ito dahil sa kanyang personal na buhay.

Pero determinado na siyang babawi sa pagpasok ng 2025.

"Focus na po tayo ngayon sa career. I admit na there was a point in my life na medyo naapektuhan ako.

"Ayoko na pong mangyari iyon kasi pati ang family ko naapektuhan.

"Kaya ngayon, balik tayo sa pagiging masipag. I want to show them na puwede pa rin nila ako mapagkatiwalaan," pahayag ni Pauline sa media conference para sa official entry ng GMA Pictures sa 2024 Metro Manila Film Festival na Green Bones noong December 5, 2024.

Read: Pauline Mendoza says "sweet na asaran" is her love language with Mayor Bryan Celeste

PAULINE MENDOZA'S BREAKUP WITH BRYAN CELESTE

Noong nakaraang taon pa raw nakipag-break ang 25-year old Sparkle actress sa boyfriend nitong si Mayor Bryan Celeste ng Alaminos City, Pangasinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mayor Bryan Celeste in a relationship with Isabelle Bilasano?

Nagsimula ang relasyon nila noong 2020. Sa kanyang Tiktok account kinumpirma ni Pauline ang breakup nila.

Dahil sa mga pinagdaanang pagsubok ni Pauline sa kanyang love life, na-blind item ito na nagiging unprofessional at muntik na raw palitan sa isang teleserye.

Tama ba, Pauline?

"Ay, wala naman pong gano'n. Kahit po nagkaroon tayo ng personal problems, it never affected my work before.

"Nagulat naman po ako sa nabalitang tinatamad daw ako, muntik na akong mag-walkout at papalitan ako sa isang show. Wala pong gano'ng nangyari."

"Ten years na po ako sa trabahong ito, never po ako naging sakit ng ulo or problema sa work.

Malinis daw ang track record niya pagdating sa trabaho.

Aniya, "Professional po tayo and I don't want my personal life na maapektuhan ang trabaho natin."

After ng breakup ni Pauline with Mayor Bryan, isang tao daw siyang naging single, pero ngayon ay may non-showbiz boyfriend na raw siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pagpapatuloy niya, "Kailangan din natin ng inspiration, di ba?

"Mas okay po ngayon kasi pribadong tao siya, unlike noong last na nasa politics. Ayoko na sa gano'ng relasyon.

"Kaya sinipag ulit po tayo because may new inspiration. Mas happy ako ngayon," ngiti pa ni Pauline.

PAULINE MENDOZA PART OF GREEN BONES

Kasama si Pauline sa cast ng Green Bones at ito ang second time niyang magkaroon ng pelikula sa MMFF.

Nakasama siya dati sa My Teacher, na pinagbidahan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon noong MMFF 2022.

"Natuwa po ako when they cast me dito sa Green Bones. Gusto ko po kasing makatrabaho ulit si Direk Zig Dulay na una kong nakatrabaho sa Maria Clara At Ibarra.

"Nabitin ako kasi short lang yung role ko doon. This time isang full-length movie na at sinulat pa ito ni Sir Ricky Lee.

"And then ang mga bida pa ay sila Dennis Trillo at Ruru Madrid. Sa trailer pa lang po, parang gusto mo nang panoorin yung buong movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling malaking teleserye ni Pauline ay ang Widows' Web noong 2022. Next year ay kasama siya Prinsesa Ng City Jail, na pagbibidahan ni Sofia Pablo.

"After Widows' Web, lumabas po ako sa Maria Clara At Ibarra, Abot-Kamay Na Pangarap, at Makiling. Nakadalawang episodes din ako ng Tadhana.

"Kaya wala pong naging issue sa professionalism natin.

“Hindi naman po ako isasama sa Prinsesa Ng City Jail kung tinatamad ako magtrabaho," tawa pa niya.

Ang iba pang mga naging teleserye ni Pauline sa GMA-7 ay Little Nanay, That's My Amboy, Juan Happy Love Story, Alyas Robin Hood, My Love From The Star, Kambal Karibal, Cain at Abel, Love You Two, One of the Baes, at Babawiin Ko Ang Lahat.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauline Mendoza addresses and dismisses rumors suggesting unprofessional behavior at work stemming from personal issues.
PHOTO/S: @paulinemendoza_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results