Natupad ang wish ni Kapuso teen star Sofia Pablo na magkaroon ng pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa naganap na media conference para sa Green Bones sa Seda Vertis North last December 5, 2024, ani Sofia, "Noon ko pa talagang gusto magkaroon ng movie sa MMFF.
"Especially noong mapanood ko yung Firefly last year, nag-pray talaga ako na makagawa ako ng ganong klaseng pelikula and to have the chance to work with Direk Zig Dulay.
"Kaya noong in-announce na entry po ang Green Bones, sinabi sa akin na kasama ako sa cast, I was really happy kasi nag-manifest yung matagal ko nang hinihiling na movie."
Isa rin daw sa inaabangan ni Sofia ay ang sumakay sa float sa MMFF Parade of Stars.
"Excited po akong makita ang float ng Green Bones.
"Kasi magandahan at palakihan po ng float every year. Ini-imagine ko na may punong malaki yung float ng movie namin.
"Dati po sa TV ko lang napapanood yung parade, ngayon po makakasama na ako. Kaya thank you very much GMA Pictures for giving me a role sa Green Bones."
Second movie pa lang ni Sofia ang Green Bones.
Una siyang napanood sa Mariquina (2014), kung saan gumanap siya bilang batang Barbie Forteza.
Read: Barbie Forteza helping Herlene Budol trends online
SOFIA PABLO'S CHRISTMAS TRADITION
Ito rin ang first time na mapapanood ni Sofia ang sarili sa sinehan sa Araw ng Pasko.
Bulalas niya, "Pag December 25 po, nagiging tradition na namin ni Mommy na manood kami ng mga festival entries in one day.
“Kaya buong araw kami nanonood ng mga movies kunsaan puwede akong makapasok.
"Wala kaming ibang gagawin ni Mommy kundi ang kumain at manood lang ng sine.
"Ang saya-saya lang."
Makakasama ng 18-year old Sparkle teen sa Green Bones sina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Read: Ruru Madrid admits being rejected by Barbie Forteza in the past
SOFIA PABLO: PRINSESA NG CITY JAIL
Ibinalita rin ng tinaguriang Sparkle Next Gen Leading Lady na sa January 2025 na ang premiere ng kanyang pagbibidahang teleserye na Prinsesa Ng City Jail.
Halos seven months na raw silang nagte-taping, pero ilang beses daw silang tumigil dahil sa paiba-ibang lagay ng panahon.
"We started po noong May which is sobrang init po. Medyo nahirapan kaming mag-taping dahil sa city jail po talaga yung location namin.
"Tapos nagsunud-sunod po yung pagdating ng mga bagyo. Nakapag-resume po ulit kami ng taping at smooth-sailing na po.
"Ang worry lang nila is baka mas tumangkad daw ako dahil ilang beses nag-stop ang taping. Mabilis daw po kasi akong lumaki!" tawa pa niya.
Ang leading man ni Sofia sa Prinsesa Ng City Jail ay ang ka-love team na si Allen Ansay.
Dumaan nga raw sa malaking physical transformation si Allen para sa role niya sa teleserye.
Nagselebra ng 21st birthday si Allen sa Boracay last November 23 kasama siya at ang Sparkle boys na sina Sean Lucas, Prince Carlos, at Bryce Eusebio.

Sa isang Instagram post ni Sofia, binati niya si Allen: "Happy 21st Aki. Grateful for you every single day."
Noong nakaraang September naman ay nagbakasyon sa South Korea ang Team Jolly, tawag sa love team ng dalawa, kunsaan nag-food trip sila, nagpakuha sa mga photo booths, namasyal sa Gangnam, at nagsuot ng Hanbok sa Gyeongbokgung Palace.

Ni-recreate din nila ang isang iconic scene sa K-drama na Lovely Runner.

