Nag-iwan ng magandang imahe ang Rein Entertainment sa Asia TV Forum and Market sa Singapore nang dinala nila roon ang seryeng The Bagman noong 2019.
Pinuri ito sa ibang bansa.
Ito rin ang nagbigay sa bidang si Arjo Atayde ng best actor award sa Asian Academy Creative Awards taong 2020.
Read: Arjo Atayde dedicates Asian Academy Creative Awards best actor win to all Filipinos
Doon din sa Asia TV Forum and Market inilunsad ang bagong season ng The Bagman, kung saan kasali na sa cast si Judy Ann Santos.
Read: Arjo Atayde fulfills dream of working with Judy Ann Santos

DRUG WAR: A CONSPIRACY OF SILENCE
Ngayong 2024, dinala naman ng Rein Entertainment sa Asian TV Forum & Market ang bagong crime-drama series na Drug War: A Conspiracy of Silence.
Inilunsad ang Drug War sa Marina Bay Sands, Singapore, noong Huwebes, December 5.
Dinaluhan ito ng Rein Entertainment executives na sina Lino Cayetano, executive producer; Arleen Cuevas, producer; Philip King, co-creator; at Shugo Praico, director.
Naroon din ang lead actor ng Drug War na si Ian Veneracion.

Maganda ang feedback mula sa ibang Asian countries na dumalo sa launching ng Drug War.
Masaya si Lino pagkatapos ng presentation dahil may mga nakipag-meeting daw kaagad sa kanila for possible distribution o acquisition.
“So far, we’ve been hearing feedback about maganda yung quality, maganda yung acting.
"So I think, worldwide, very impressed sila sa acting ng Pinoy, at ito yung pini-feature natin dito,” saad niya.
Bukod kay Ian, nasa cast din ng Drug War sina Romnick Sarmenta, Lotlot de Leon, Yayo Aguila, Joem Bascon, Ryan Eigenmann, at Harvey Bautista.
Bahagi ng malaking presentation ng Rein Entertainment sa Asia TV Forum and Market ang 10-minute preview ng pilot episode ng Drug War.
Na-impress umano ang audience sa galing ng mga artistang sina Romnick, Lotlot, at Harvey.
“So, there’s a lot of reaction of how good the acting was. And, of course, Direk Shugo’s storytelling... yung mounting, yung paggamit niya ng mga lente, ng camera movements. Yun!
“Maganda yung kuwento and, technically, it was well-made, well-shot, well-produced,” sabi ng direktor at executive producer ng Rein Entertainment.
Read: Lino Cayetano, proud na award-winning ang mga ipinoprodyus ng Rein Entertainment

DRUG WAR: FICTION, NOT TRUE TO LIFE
Ipinakita sa six-episode series na Drug War: A Conspiracy of Silence ang mga nangyari sa drug war na ikinakampanya noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw ni Lino na fiction ang kuwento ng Drug War, pero ibinase ito sa mga interview sa ilang taong nakausap nila mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Hindi raw ito hinaluan ng pulitika, at naniniwala siyang hindi naman mapapasama ang ating bansa sa ipapakita nilang kampanya ng drug war.
Saad ni Lino: “Yung subject ng drug war, very familiar sila.
"It was a time… it was a period in our history, and ito yung stories na nababasa naman nila.
“The Philippines made headlines during those times.
"Ngayon, mas nagiging totoo yung kuwento, because of the portrayals of our characters.
"But I think mas naintindihan din nila kung gaanong kalaking salot yung droga, and naintindihan din nila kung paano ang mindset ng mga lumalaban sa droga.”

Related Stories:
- Bianca Gonzalez, Atom Araullo, Karen Davila, Mike de Leon condemn violent killings in PH
- Enchong Dee, Pokwang, Bianca Gonzalez condemn drug war killings
- Dingdong Dantes on Kian Lloyd delos Santos slay: "This is wrong."
- Rapper Gloc-9 on drug war: "It makes sense that you deal with the consumers."
- Saab Magalona reacts to contradicting statements of Duterte and Dela Rosa on drug war
- Derek Ramsay's drug war series Amo and Birdshot get picked up by streaming service
- Pro-Duterte artists Phillip Salvador at Elizabeth Oropesa, pumayag lumabas sa pelikula tungkol sa tokhang
- PNP Chief Bato dela Rosa: Celebs on drug list not exempted from Tokhang
IAN VENERACION ON DRUG WAR
Ginagampanan ni Ian Veneracion sa Drug War ang role ng isang pari, si Father Tom.
Sa Ilang episodes na nai-tape niya, naramdaman daw ni Ian ang pagkatao ni Father Tom, na saksi sa mga karumal-dumal na nangyari dulot ng EJK (extrajudicial killing), at ang epekto nito sa mga taong nananahimik lang sa mga nakikita nila sa paligid.
Naapektuhan daw ang aktor nang ginagawa niya ang seryeng ito.

Saad ni Ian, “Every character that I play, para kang nagda-download ng bagong app. Ibang pananaw lang.
“It’s always a dopamine rush whenever I get the chance to shift my perception.”
Habang ini-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling media si Ian, ramdam pa rin daw niya ang pinagdadaanan ni Father Tom.
“Ang bigat sa loob gawin ang series na to,” aniya.
“You can go to a character without going to the emotional journey of the character… like, ako na-excite, tapos naramdaman ko ang lahat na naramdaman ni Father Tom.
"E, medyo masakit at mabigat. So, parang ako rin… how will I react to that?
"I don’t know. We’ll see when I get there. We’ll see when I do the scene.
"Tapos pag nakita ko yung mga kaeksena ko, si Yayo, si Lotlot... ang gagaling ng mga artista. Sina Romnick, sina Ryan Eigenmann, Joem, di ba?
"Madadala ka talaga. Para kang nandun."
Read: Bakit late bloomer si Ian Veneracion bilang performer?

PINOY-MADE SERIES IN INTERNATIONAL MARKET
Sa ilang taong pagsali ng Rein Entertainment sa ganitong market, gaya ng Asia TV Forum, naniniwala si Lino na may laban ang mga material natin sa international market.
Napag-aralan daw nilang nag-e-excel ang mga Pinoy sa drama, kagaya ng Drug War: A Conspiracy of Silence.
“May kasamang tiwala sa direksiyon at pupuntahan ng pelikulang Pilipino, at huwag lang sila malugi," sabi ni Lino.
"We're doing this because we're looking for co-production partners. People who are gonna pre-buying. So, pre-selling ito para sa gustong pumasok nang maaga.
"Kunwari, makita ng Netflix, HBO, Prime, they can come early, bibigyan ko ng malaking finale si Direk Shugo."
Ibinahagi rin ni Lino ang iba pa niyang mga natutunan sa pagdadala ng mga pelikula at iba pang content sa international market.
"Each movie is like a special purpose vehicle. Parang isang coffee shop yan.
"Ganun kami maglatag sa business plan — one movie is like one business.
"Yung isang pelikula, meron ka diyang capital, sabihin natin PHP10 million, then eto yung paraan para kumita yung pelikulang yun.
"Para kang nagtayo ng isang cart, ng isang small business. Hiwalay yung libro ng bawat pelikula..
"Very important yun... sobrang importante that people who invest in movies know that yung money napupunta sa potential na kumita nang mas malaki, pero also napupunta sa paglikha ng magagandang pelikula.
"Kasi marami ang nag-i-invest na ang gusto lang nila ay makapag-ambag din sa entertainment industry. Lalo na yung makabuluhan ang ginagawa mo."
Read: Rein Entertainment ni Lino Cayetano, satisfied sa collab with Vivamax
Nagpapasalamat si Lino dahil nakikilala na ang Rein Entertainment sa ganitong merkado.
Lalo raw na-curious ang mga um-attend sa Asian TV Forum kung ano ang Drug War: A Conspiracy of Silence, na isinulat at idinirek ni Shugo Praico.
Naniniwala si Lino na kaya nating ilaban ang ating mga pelikula, pati ang mga artista natin, sa buong mundo. May magandang kinabukasan daw sa international market ang mga content na gawang Pinoy.
Lahad ni Lino: "Nung ini-announce namin ito sa foreign representatives ng Asian Academy Award, parang napa-wow sila.
"Kung paano yung Drug War... it resonates with the world. It resonates with the drug war, period.
"May kakampi, may ayaw. It's the kind of material na the world is familiar with.
"Dalawang Filipino nga nanalo, e. Si Maria Ressa, Nobel Prize, and then we also won Pulitzer in Photography na Filipino on the subject matter.
"The world is looking at it. Napakagandang subject matter.
"Pero ang tira namin, kung saan magaling ang Pilipino, drama. Crime drama.
"Ako, parang you will see... sana the world will see kung gaano kagaling si Lotlot de Leon. Gaano kagaling si John Arcilla. Gaano kagaling si Ian Veneracion. Gaano kagaling si Harvey Bautista... sobrang breakthrough series niya ito."

Patuloy niya, "Kami, excited kami, hindi lang sa putukan, sa pasabog. Makita nila kung gaano kagaling yung Filipino artist.
"Ilagay mo bukas si Lorna Tolentino sa Hollywood, mag-o-Oscar yan.
"Our talent may compete anywhere. Dun ako excited. Makita nila."
Read: Lino Cayetano takes a break from politics, returns to directing
